Chapter 28: Am I Wrong?

91 4 4
                                    

Macy's POV

"Alis muna ako Mace! Babalik din ako." Bulong saakin ni Drake and then umalis na siya.

"Pssst!" Napalingon naman ako kay Ate Whine.

"Yes Ate?" I smiled at her. 

"You're dating Drake?" Tanong niya saakin.

"What?" Nabigla ako sa tanong ni Ate Whine.

"Boyfriend mo si Drake?" 

"What??! Yung Casanova na yun?? Boyfriend ko?? HAHAA." I tried to fake a laugh but I failed.

"Gusto mo nga siya." Ate Whine stated. 

"Okay! We're not dating, I like him and I don't know if he likes me." I said then I took a sip of my drink.

"Well it's so easy." Ate Whine said then she looked at me from head to toe.

"How?" I arched an eyebrow at her. 

"By making him-----"

*Still into you* 

Nabigla ako kasi nagring ang phone ko.

I took my phone out of my pocket and I was shocked to his name flashing on the screen.

Brylle :* Calling... 

Di naman tumatawag si Bakla saakin ha? Ano kaya ang problema nito. Tumatawag lang naman siya kung nakainom siya or may favor. 

"BAKLA! in the midst of a very important conversation."

(SHUT UP MACY!! I NEED YOU TO COME HOME ASAP!) sigaw niya mula sa kabilang linya.

"Anong problema??" Bigla akong kinabahan dahil sa tono ng pananalita ni Brylle.

(EMERSON IS HERE!! HE'S TOTALLY DRUNK AND HINDI SIYA UMAALIS. DI KO SIYA MAPIGILAN! PAPUNTAHIN MO DITO SI DRAKE OR SI LIAM.PLEASE.) Sabi ni Brylle tapos binaba na niya ang tawag..

Tumayo ako at agad kong hinanap si Drake. Nakita ko siya sa may buffet table na kumukuha ng pagkain.

"Your cousin is in danger! We need to freaking go.!" I said then I grabbed his arms. 

"Wait yung food!" 

"F*Ck!! Drake! Your cousin is in danger! Mamaya kana ulit kumain." 

"Anong nangyari kay Aliyah?" 

"I'll tell you about it pag nasa car na tayo! For now, we need to hurry." Tumakbo kami ni Drake.

"Wait saan kayo pupunta?" Tanong ni Ate Whine.

"Aliyah's in danger we need to go." Drake said.

"What?Sasama ako." sabi ni Ate Whine. Nagmadali kaming lumabas ng venue at hindi na kami nagpaalam kay Wren o kay Liam. 

---

*Car* 

"Anong ba ang nangyayari Mace?" tanong ni Drake habang nagdadrive.

"Emerson happened." I said. Bigla namang humigpit ang paghawak ni Drake sa steering wheel.

Mas binilisan ni Drake ang pagmamaneho. 

After 15 minutes dumating na kami sa bahay at naabutan na lang namin ang isang nakahiga na Emerson at Brylle. 

Si Aliyah naman ay mukhang nagulat sa mga pangyayari and ganoon din ako. Agad akong lumapit kay Aliyah na inaalalayan si Brylle sumunod din si Ate Whine. 

The Twihard Meets The PotterheadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon