Kurt's POV
Saktong dating namin sa school, pababa pa lang kami mula sa walang kasing kinang na sasakyan ni Kayesha nang biglang nagdilim ang kalangitan.
Napapitlag kami nang sabay-sabay ang matitinis na kulog at nakakasilaw na kidlat. Pero ang pinaka-kakaiba? Hindi umuulan.
Pagkababa namin ng sasakyan, agad umalis ang butler ni Kayesha. Ngunit bago pa man kami makalakad palayo, isang kaguluhan ang umagaw sa atensiyon namin.
Nagpapanic ang mga estudyante nagsisigawan, nag-uunahan sa pagtakbo at lahat sila ay mula sa iisang direksiyon.
Nagtaka kaming tatlo at napatingin kay Suzy because she has the power to control the air.
“Oh? Anong tingin-tingin n’yo diyan? Ha? I am not behind all these,” depensibong sagot niya habang pilit na pinapakalma ang sarili.
“Kung hindi siya…” kunot-noong bulong ni Kylene, “sino?”
Patuloy sa pagtakbo ang mga estudyante, habang papalapit naman kami sa direksiyong tinatakbuhan nila palayo. Sa subrang madaming istudyante nasipaktakbuhan, pilit naming inaalam ang pinagmumulan ng kaguluhan.
‘Aaaah! Halimaw!’
‘She’s a monster!’
Napahinto kami sa narinig, sabay-sabay na nagkatinginan. Hindi lang takot ang nararamdaman ko may kaba, may lungkot, may kung anong hindi ko maipaliwanag.
Maya-maya lang, biglang lumakas ang hangin. Halos kaya na nitong liparin ang buong building. Lumulutang na ang ilang papel, lumalakas ang bawat hampas ng hangin sa mga dingding.
Nagpapanic na ang lahat, kahit ang mga guro ay hindi na makontrol ang sitwasyon. Hindi ko alam kung natural na kalamidad ba ito o gawa ng isang makapangyarihang nilalang.
“Monster?” ulit ko, puno ng pagtataka.
“Wait…” biglang sabi ni Suzy. Kita sa mukha niya ang pagkabigla. “Guys… oh my gosh.”
“What happened?” tanong ni Kylene na tila hindi alam kung matatakot o matutuwa.
“I… found the princess,” sagot ni Suzy na parang hindi pa rin makapaniwala.
Tumingin siya sa amin. Hindi man kami magsalita, alam naming lahat ito na. Ito na ang matagal na naming hinahanap.
Ngunit sa halip na kasiyahan, kaba ang nangingibabaw.
“But… why is she using her power now? And… for what?” tanong ko sa sarili.
“Sundan n’yo ’ko!” utos ni Suzy.
Bilang prinsesa ng Dark Air Kingdom, may kakayahan si Suzy na maramdaman ang presensiya ng tunay na prinsesa lalo na kapag ginagamit nito ang kapangyarihan niya. Kaya tiwala ako, tama siya.
Dahil sa naguluhan ako sa paligid, hindi ko agad namalayang nagtatakbo na pala ang mga kasama ko. Agad akong sumunod at huminto kami sa harap ng girls’ comfort room.
Doon, nakita namin ang isang babaeng nakaluhod sa sahig. Pinapalibutan siya ng makapal at madilim na aura. Malakas. Mapanira. Nakakatakot.
Kayesha?
Gulat na gulat kami maliban kay Kylene, na tila ba matagal nang may hinala.
Bigla kong naisip.
She can communicate through telepathy.
She reads our minds with ease.
We should’ve known.
YOU ARE READING
"THE SACRED BOOK"
Random{Kingdom Series #1} She always believed she had no one-until a group of unexpected strangers stepped into her life and filled the empty corners of her world. The dark memories of her dreary, haunted past began to fade. But as the saying goes: for ev...
