Chapter 2

3.1K 108 6
                                        

Kayesha's POV

Five minutes late na naman ako. Tsk. Hindi naman ako bothered kung malate, matataas naman ang grades ko. Hindi ko ito ipinagmamalaki, pero kapag wala akong ginagawa sa bahay, nag-a-advance study ako para hindi naman mahirapan ang teacher namin sa 'kin, di ba? So, siguro, ang mga kaklase ko na lang ang problemahin niya.

Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin si Teacher Chen yung feeling teenager namin na guro. Half Filipino, half Chinese.

"Why are you late again, Ms. Wallace?" tanong niya ng mataray.

"Traffic," sagot ko, walang pakialam.

Tinaas niya ang isang kilay, tila nagsasabing maupo na ako, kaya diretso na akong umupo sa upuan at agad itinulak ang mga braso ko sa mesa, tapos ipinatong ang ulo ko doon. Ayokong makinig sa lesson niya wala siyang gana magturo at nakakaantok pa. Bukod pa doon, hindi ko rin gusto ang subject niya. Never ko na-enjoy ang History.

I’m currently taking Commers (Business Management), and I don’t see how her subject connects to my course. Kaya, hindi ko na lang pinapansin. Kaya ko naman ipasa ang exams kahit hindi nakikinig sa klase. Pero syempre, hindi gano'n ang pananaw ng iba.

---

Umalingawngaw na ang tunog ng bell.

Finally, lunch break. Pumunta na ako sa cafeteria mag-isa, kasi sa tagal ko na dito, wala pa rin akong kaibigan.

'Panibagong tanghaling-tangina na naman'. I whispered

Hindi mo alam kung cafeteria ba ‘to o beehive.

"Bro, si Cindy!"

At nagsimula na ang sigawan. Puro Cindy, Cindy, Cindy. Tsk.

Speaking of Bitch...

"Hey, can you leave? You're a virus. I don’t want to be infected so, sho sho." Isn’t she talking about herself?

I stared at her with disgust.

"Don't look at me like that, lalo kang pumapangit," sinabi niyang nang-aasar. Ang mga followers niya sa likod niya tumawa, akala mo may maipagmamalaki, pero sunod-sunuran lang sila.

"Talking about yourself?" tanong ko, walang gana.

Sarkastiko siyang natawa, "Ako? Pangit?" galit niyang sagot. Pikon pala, eh. "Sino ka ba sa tingin mo? Anong karapatan mong sumabat sa 'kin?" Tuluyan na ngang naubos ang pasensya niya.

Mapagmataas siyang tumingin sa 'kin, akala mo may utang na loob ako sa kanya. "You," dinuro-duro niya ako, "are nothing! I am the campus queen!" Binigyan ko siya ng tingin na nagsasabing wala akong pakialam.

"Sipsip," mahinang sabi ko, tamang kami lang ang makakarinig.

Tumalikod ako at iniwan siya.  Hindi pa man ako nakakadalawang hakbang, naramdaman ko na ang palad niyang papalapit sa buhok ko. May plano pa siyang makipagsabunutan.

Sa bilis ng reflexes ko, nahawakan ko ang kaliwa niyang kamay at malakas siyang itinulak. Sumubsob siya sa sahig, gamit ang mukha niyang parang basahan.

The moment she fell, everyone inside the cafeteria made a sound of disbelief. Most of them gasped, ang iba’y napatakip ng bibig, pero may ilang walang pakialam.

"Oh my, Cindy!" sigaw ng mga alipores niya habang ina-alalayan siya tumayo.

"Hindi pa tayo tapos, Kayesha!" galit niyang sigaw sa 'kin.

Kasabay ng pagtaas ng kilay ko, tumaas din ang balikat ko. I flashed a teasing smirk.

I turned my back to everyone. The show’s over. I’ve wasted too much time.

Truth be told, bakit ko nga ba dapat matakot sa kanya? Eh, pagmamay-ari ko ang eskwelahang pinapasukan niya.

---

The bell rang as the sun slowly set, signaling the end of the classes. I stretched my arms. Finally, the day was coming to an end.

Habang papunta sa parking lot, narinig ko ang mga sigaw. Ang weird kasi internal scream siya. Telepathy?

"Tulong! Tulungan niyo ako!" followed by high-pitched screams.

With instincts like mine, you’d probably do what I did. I walked fast, then it turned into a run.

I found myself heading to the abandoned building, malayo sa main campus. This is a restricted area bakit may nakakapasok dito?

"Aaah! Tulong!"

From the outside, I could see the bright lights coming from the inside.

I rushed in and looked up.

There was a man, using… fire? The heck? I rubbed my eyes, thinking it was just my imagination.

"Tsk. Stupid daydream."

But then a ball of fire convinced me I wasn’t dreaming.

Without thinking, I didn’t bother dodging the fireball heading toward me, I just closed my eyes.

And then questions flooded my mind. Are they like me? Am I not the only one? What exactly are we?

"THE SACRED BOOK"Where stories live. Discover now