Chapter 4

2.3K 79 2
                                        

Kayesha's POV

The main door of my house opened to sounds of amazement.

"Wow..." Kylene gasped, obviously stunned. "Bahay mo talaga 'to, Kayesha?"

"Mmm," I mumbled. I'm honestly too tired to talk. Today has been... draining.

Pagdating namin sa living room, pinaupo ko sila at agad tinawag ang isang katulong.

"Ano po 'yon, young lady?" magalang na bati nito.

"Where's Manang Lice?" tanong ko, coldness in my voice as usual.

"Nasa kusina po, nagluluto."

"Tell her to assist my guests. Give them whatever they want. Understood?"

"Yes, Young Lady." Tumango ako and dismissed her with a wave. Before heading upstairs, I glanced back at them. "Make yourselves at home," I said, then left.

---

Eros' POV

Grabe, ang ganda ng bahay ni Kayesha. Parang mansion sa mga palabas.

Habang nasa living room kami, umakyat na si Kayesha para magbihis.

"Mga iha at iho, doon muna tayo sa dining room. May inihandang pagkain," aya ng isang matandang babae.

"Nakakahiya naman po," nahihiyang sabi ni Suzy.

"Mahigpit ang bilin ni Kayesha na asikasuhin kayo," nakangiting sagot niya.

"Sige po," sagot ni Kylene, mukhang naiilang pa.

Sumunod kami sa kanya papunta sa dining room.

"Bago ko makalimutan, ako nga pala si Manang Lice," pakilala niya.

"I'm Eros," sabi ko.

"I'm Suzy."

"Kylene is the name!"

"I'm Kurt the most handsome of all, obviously better than Eros," sabat ni Kurt. Napakunot ako ng noo at tiningnan siya nang masama.

Tahimik kaming lahat sandali, pero si Manang Lice ang unang bumasag ng katahimikan.

"Nagulat ako nang malaman kong may bisita si Kayesha," panimula niya habang itinuturo ang mga upuan. "Something happened in the past that made her this way. Tahimik, mailap, at laging malamig sa tao. Bihirang-bihira siya magpatuloy ng bisita, tapos ngayon, apat pa."

Napangiti kami. Somehow, I feel like I’m starting to understand her more.

"O siya, kain na kayo habang mainit pa."

Tumango kami sabay-sabay, and we began eating.

---

Kylene's POV

Nag-inat ako habang nakahiga. Ang sarap ng pagkain! Luto ni Manang Lice is on another level sarap to the bones, as in!

Nasa guestroom ako ngayon, at grabe, ang lambot ng kama. Jusko, tig-isa kami ng kwarto?! Ganito pala ang buhay mayaman! Nakaka-luha.

After brushing my teeth, I flopped onto the bed and sighed. Kumpleto lahat ng gamit dito, amoy bagong bili. Amoy yaman.

Before I finally closed my eyes, I remembered again why we’re here. We're not here to enjoy. We're here for a reason.

"THE SACRED BOOK"Stories to obsess over. Discover now