Kylene's POV
We're back.
Pagkatapos ng mahabang panahon nakauwi rin kami.Tiningnan ko ang paligid ng kaharian, ang mga pamilyar na pader, ang simoy ng hangin na tila ba yumayakap sa amin. Everything felt nostalgic.
Wow. Sobrang tagal na rin pala. Miss na miss ko na sina Mommy at Daddy.
Napatingin ako sa kamay na may hawak na panyo, nakalahad sa harap ko. It was Kurt.
"Huh?" tanong ko, medyo nagtataka.
"Wipe your tears," he said softly. Kinuha niya ang kamay ko, inilagay ang panyo ro'n, at saka tumalikod, patungo sa palasyo ng Hari at Reyna ng lahat ng elemento.
Nagulat ako. Hindi ko man lang namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Agad ko 'yong pinunasan at sumunod sa kanya.
---
Third Person's POV
Tatlong makakasunod na katok mula kay Eros ang umalingawngaw sa mahaba at maringal na pasilyo ng palasyo. As the grand doors of the ballroom slowly opened, the opulent sight of three towering thrones at the highest point of the staircase came into view positioned at the very center of the ballroom. Lahat ng naroroon ang mga kawal ay napatigil. Their eyes widened as they watched the long-lost royals enter the room.
Tahimik.
Every footstep echoed like a heartbeat, filling the hall with a deep, emotional rhythm. As the princesses and princes walk in the middle.
"All hail! The princesses and princes of the reigning monarch of the elements of the Dark Kingdom have now arrived!" sigaw ng knight.
Lahat ng naroroon ay tumayo.
Then silence.
"The Princess returned... Princess Helliana is home."
Everyone bowed low in reverence. Even the noblemen and high-ranking soldiers dropped their gazes.
"So... even after all these years, they still remember," bulong ni Kayesha, halos hindi marinig.
Tahimik na yumuko rin ang lima bilang paggalang.
"Nasa main hall po ang mga hari at reyna. Kasalukuyang nagpupulong para sa Elysian Night ni Reyna Demonica," paliwanag ng isa sa mga knight sabay turo sa pintuan ng main hall.
"Elysian Night?" ulit ni Helliana sa isip niya, bahagyang nagtataka.
"Oo nga pala..." bulong ni Kurt, ang Dark Fire Prince.
"Malapit na nga pala ang Elysian Night,'" sabat ni Kylene, bahagyang napangiti.
"It's your mom's birthday, Kaye," dagdag pa ni Kylene habang lumilingon kay Kayesha.
Ngunit sa kabila ng kanyang tahimik na anyo, kita sa mga mata ni Kayesha ang takot, kaba, at mga tanong.
Tahimik silang naglakad sa kahabaan ng hallway. Tanging ang mga yabag nila ang maririnig. Kitang-kita sa mukha ng bawat isa ang tensyon. Halos isang dekada rin silang nawalay sa mga magulang nila.
Nang makarating sa malaking pinto, isang trumpeta ang pinatunog.
Unti-unting bumukas ang mga pintuan, parang eksena sa isang pelikula.
"All hail! The princesses and princes of the reigning monarch of the elements of the Dark Kingdom have now arrived!" ulit i-nanunsyo ng knight.
"Princess Helliana has returned!" sigaw ulit ng knight.

YOU ARE READING
"THE SACRED BOOK"
Random{Kingdom Series #1} She always believed she had no one-until a group of unexpected strangers stepped into her life and filled the empty corners of her world. The dark memories of her dreary, haunted past began to fade. But as the saying goes: for ev...