The Story of The Last Earth Bender

1 0 0
                                    

Isang malakas na hangin ang nag katawang tao sa harap ng Reyna Athena.

Ang Air Bender. Nasisigurado ng Reyna Athena na may hatid na naman itong hindi magandang balita.

Yumukod ang Air Bender sa Harap ng Reyna Athena bilang pag galang dito at sa prinsesa.

"Air Bender. Sabihin mo sa akin ano ang kaganapan sa silangang bahagi ng Air Tribe."

"Mahal na Reyna, sumugod po ang kampo ng Water Bender sa amin at humihingi po ito ng pag aaklas."

Napahinga ng malalim ang Reyna Athena. Isa na naman itong gyera. Nuon pa'man gusto ng Water Tribe na makapasok sa kanilang palasyo at isa sa kanilang katribo ang hirangin bilang isang Hari o Reyna ng Bender World. Ngunit mahigpit ang sumpa na naka kabit sa Water Tribe.

Sa isang hindi malaman na kadahilanan sinumpa ang Water tribe na hindi makakatuntong sa palasyo.

Napahawak sa kanyang sentido ang Reyna Athena at nang hihina na napaupo sa kanyang trono.

"Vibini. Tawagin ninyo ang Hari."

"Masusunod, Reyna Athena."

Agad naman tumalima ang isang Vibini.

Pag balik nito ay hinihingal ito at kita sa mata nito ang pag aalala at takot.

"Reyna Athena, wala ho sa kanyang silid ang hari. Ngunit may nakita po akong papel sa ibabaw ng kanyang higaan."

Lumapit naman ito sa Reyna at agad binasa ng Reyna Athena ang sulat.

Mahal kong Reyna,

Mahal.. Babalik akong muli sa Air Tribe. Kailangan kong maipag tanggol ang aking mga ka-tribo. Higit sa lahat kailangan ko kayong iligtas, ang ating prinsesa at ikaw na aking pinakama-mahal na Reyna. May balak silang masama sa ating prinsesa. Mahal ko sa oras na matapos ko ang digmaang ito. Babalik ako sa inyo ng ating prinsesa. Mahal ko kayo.

-King Air Bender

Pag katapos mabasa ng Reyna athena ang liham ng hari ay lumabas na ang luha na kanina nya pa pilit na pinipigilan.

Ano ba talaga ang balak ng Water Tribe.

Sa isip isip ng Reyna.

Mayamaya ay may apoy naman na bumubulusok pa tungo sa harap ng Reyna at ito'y nag katawang tao.

Yumukod ito sa harap ng Reyna.

"Reyna Athena. Ang Water tribe balak na po nilang sugurin ang iba pang mga tribo at binabalak din ng Water emperor na sirain ang buong Bender World."

Kailangan na ang Reyna Athena ng Buong Bender World. Dahil sigurado na sya lamang ang makakatalo dito.

Napatingin naman ang Reyna sa kanyang kaisa-isang prinsesa.

Hindi ito ligtas sa Bender World.

"Vibini. Dalhin mo ang Earth princess ipapadala ko kayo ngayon din sa mundo ng mga tao."

Nag aalangan man pero kinarga na rin ng Vibini ang prinsesa. Hinubad ng Reyna Athena ang kanyang kwintas na may umiikot na mundo sa loob ng pendant at sinuot ito sa prinsesa.

Hinalikan ng Reyna ang maliit na kamay ng prinsesa.

"Aking Earth Princess. Ipadadala ko muna kayo ng Vibini sa mundo ng mga tao. Wag ka mag alala dahil sa oras na matapos ang kaguluhang ito ako mismo ang susundo sa inyo pabalik dito sa Bender World. Mag iingat ka anak mahal na mahal kita."

Nag punas naman ng luha ang Reyna Athena. Alam nya na sa mga oras na ito dapat ay hindi sya panghinaan ng loob. Kailangan nyang maging malakas para sa Bender World at sa kanyang hari at sa kanyang prinsesa.

Gumawa naman ang Reyna Athena ng isang lagusan papunta sa mundo ng mga tao.

Pumasok doon ang Vibini. Habang unti unting nawawala ang lagusan nakatingin lang sa kanyang anak ang Reyna Athen gayun din naman ang prinsesa na akala mo'y may malalim na pag iisip na nung mga panahon na iyon.

Hanggang sa muli mahal ko ng prinsesa...



----------------------------------------------------

This story is full of fiction , names, characters, places, events, businesses and incidents are either the product of author's imaginations or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute publish transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

----------------------------------------------------

So how is it? Hahaha first time ko po kasi mag susulat ng fantasy at medyo kinakabahan ako 😂😂. Sana magawa ko talaga to ng bongga and sana ma meet ko yung expectations nyo about fantasy in this story.

This is my third story. So I hope yoy like it.

----------------------------------------------------
—Gg

Story Of A Lost Princess And The Three BendersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon