🔥Labing-Tatlong kabanata🔥

0 0 0
                                    


"Class dismissed. Ms. Green, Come to my office."

Nakatayo na si Frina at ready ng umalis nang sabihin ng professor nya na si Mrs. Strale na pumunta sya sa office nito. Sumunod naman sya kay Mrs. Strale. Huminto sila sa school President office.

Binuksan naman nito ang pinto at nilapag ang mga libro at papel sa desk nito.

"Ms. Green have a sit."

Umupo naman sya sa pang isahang sofa sa harap ng desk nito.

"Ms. Green. You need to go home urgent. We received a call from secretary of Mr. Blue. Pack your things and go home. I'll excuse you on your subjects."

Nagulat naman sya sa sinabi ng guro, nataranta at biglang napa tayo sa kinauupuan.

"Thank you, Mrs. Strale."

Ngumiti lang ito sa kanya at tumango. Sinabit nya naman ang bag pack nya sa kanyang balikat at tumakbo palabas ng campus. Pumara sya ng taxi at sinabi ang adress nya.

Ano na kayang nangyari kay Thairius. Bakit pa kasi hindi sya umuwi kagabi. Nag aalala sya para kay Thairius ito ang unang beses na tumawag ang sekretarya nito sa school ibig sabihin emergency talaga.

Nang makarating sa bahay dali dali syang nag bayad sa taxi. Pag kabukas nya naman ng pinto tahimik sa bahay.

"Thairius!"

Gayun nalang ang gulat nya ng makitang nakahandusay ito sa sahig ng kusina at may maliliit na hiwa sa braso nito at halos tumulo na ang dugo nito sa sahig. Dali dali syang lumapit dito at tinapik ang pisngi nito.

"Thairius. Thairius!"

"Ms. Green!"

Napalingon naman sya sa secretary ni Thairius.

"Jason! Call **9! Faster!"

Tumango naman ito at tumawag sa telepono.

"Thairius, what did you do.."

"Frina, base sa sugat ni Thairius. Nag attempt sya na mag suicide."

Nagulat naman si Frina sa pahayag ng doctor. Katatapos pa lang gamutin ni Thairius, thanks god at hindi masyadong malalim ang sugat nito sa wrist. Yun nga lang ay nawalan ito ng maraming dugo.

"Wait, doc hindi magagawa ni Thairius 'yon. I mean wala naman kasing dahilan para mag attempt suicide sya."

"But he did. Frina, Thairius is under on depression. Ilang beses ko na sya nakita sa psychology department yung kaibigan kong si Doctor Smiths, sya ang nag sabi sakin na under on psychological depression si Thairius. Three weeks from now simula nang mag pa-consult sa kanya si Thairius."

Nang hina naman si Frina sa sinabi ni Doctor Jane. Ito ang doctor nila noong nacomatose sya at confine dito sa ospital. Pilipina ito at overseas worker.

"Pero, Doc. Paanong?"

"Mas mabuti sigurong si Thairius ang kausapin mo regarding on that. Kausapin mo muna sya. Before you talk on Mr. Smiths."

Tanging tango nalang ang nasagot ni Frina. Pag alis ng doctor ay pumasok na sya sa kwarto kung saan nakaconfine si Thairius.

Pag pasok nya ay mahimbing pang natutulog si Thairius. Tinitigan nya ang maamo nitong mukha. Bakas sa mukha nito na hindi ito nakakatulog ng maayos. Bakit nga ba hindi nya napansin. Isang araw lang naman sya na wala. Pero bakit nag kaganito.

Umupo naman sya sa upuan malapit sa higaan ni Thairius. Hinawakan nya ang kamay nito. Dahilan para mag mulat ang mata ng binata. Nabaling naman ang tingin nito sa kanya. Susubukan sana nito umupo pero pinigil nya ito.

Story Of A Lost Princess And The Three BendersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon