🌐Labing-Limang Kabanata🌐

0 0 0
                                    

"Thairius. Kailangan pa ba talaga nating umalis dito?"

Lumingon naman ang binata kay Frina na ngayon ay nag e-empake ng mga gamit nito. Dalawang linggo narin ang nakakaraan simula ng makalabas si Thairius sa ospital at malakas na ito.

"Yes, Frina. Para rin naman sa ikakabuti mo ito."

"Yes, naiintindihan ko yun, Thairius. Ang sakin lang. Bakit kailangan pa nating pumunta sa ibang bansa? Pwede namang sa ibang lugar nalang dito."

"Frina. Pag aawayan pa ba natin to?"

Tumahimik nalang ang dalaga para hindi na mapunta pa ang usapan nila sa awayan. Simula kasi ng lumabas ito sa ospital naging sobrang over protective na ng binata at nagiging dahilan yon para sa pag aaway nila.

Para maibsan ang inis ng dalaga napag desisyonan nya na mag lakad lakad muna sa park malapit lang sa kanila. Pag tayo ni Frina napatingin naman sa kanya si Thairius. Napa hinto ito sa pag iimpake at tumingin sa kanya.

"Where are you going?"

"I just want to cool down."

Nag lakad naman sya palabas ng kwarto pero hinabol sya ng binata.

"Frina. Saan ka nga pupunta?"

"Dyan lang sa park. Wag mo nang asikasuhin yung mga damit ko ako nang bahala sa pag e-empake mamaya."

May sinasabi pa si Thairius pero hindi nya na ito pinakinggan. Ang dami kasi nitong pinagbabawal, nakakasakal na. Kung minsan din kasi nakakasakal na pag sobrang higpit ng mga bilin.

Nag lakad lakad si Frina. Hinayaan nya ang nga paa sa kung saan sya dadalhin ng mga ito. Nang mapagod napag desisyonan nya na maupo sa swing malapit lang sa nag titinda ng ice cream napangiti sya ng makita ang mga bata na masayang bumibili ng ice cream. Parang gusto nya tuloy kumain nito.

Akmang tatayo na sana sya para bumili din ng ice cream ng may biglang naglahad sa harap nya ng isang blue ice cream. Napatingala naman sya sa nag lahad nito. Gayun nalang ang gulat ni Frina dahil sa taglay na kagwapuhan ng estranghero sa harapan nya ngayon. May kulay abo na mata, mapupulang labi, may kakapalan ang kilay nito ngunit bumagay ito sa mala-anghel nitong mukha. Kulay asul ang buhok nito na medyo magulo pero mas bumagay naman sa binata. Mas lalong lumabas ang appeal nito ng ngumiti dahil sa napakalalim nitong dimple sa kaliwang bahagi ng pisnge.

"Done eye raping may face?"

Napapikit pikit naman si Frina dahil sa sinabi nito. Nakakahiya sya. Inirapan nya ito para hindi nito mahalata ang pag kapahiya nya. Narinig nya ang makinis na pag tawa nito.

"Hmp! Mayabang pala."

"Hindi naman."

Nagulat naman si Frina sa pag ta-tagalog nito. Kaya napalingon sya dito na ngayon ay nakaupo na sa katabi nyang swing at kinakain ang asul na ice cream.

"Marunong ka mag tagalog?"

"Konti lang."

Marunong nga ito pero slang. Halata na banyaga. Natawa naman sya sa pag sasalita nito.

"Wag mo ng pilitin kung di mo kaya."

"No. Kaya ko naman eh."

Natawa sya sa patuloy nitong pag ta-tagalog. Nakakatuwa. Dahil may banyaga na pinipilit mag salita ng pilipino kahit na hirap.

"You laughing at me. So can you eat this ice cream?"

Napatingin naman ako sa hawak nya na blue ice cream. Sandali. Isa lang to kanina ah.

"Wait. Your ice cream is the only one right? Where did you have this one?"

"Have this one kanina pa. Hindi mo yata napansin."

Story Of A Lost Princess And The Three BendersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon