🔥Ikatlong kabanata🔥

0 0 0
                                    

Pauwi na si Athena nang sumalubong sa kanya ang galit na mukha ng kuya Ethan nya.

"Kuya."

Hinila naman agad nito ang braso nya, bakit ba galit na galit ito.

"K-kuya nasasaktan ako!"

Pabalagbag naman na binitawan ng kuya Ethan nya ang braso nya. Napahawak naman sya sa kanyang braso dahil sa hapdi na naramdaman nya sa kanyang braso.

"Hindi mo ba alam kung anong oras na! Kanina pa ako nag hahanap sayo! Saan kaba nag pupupunta!"

"Kuya bakit kaba sumisigaw. Dyan lang naman ako ehh."

"Dyan lang?! Saan dyan! Sa lalaki mo ha!"

Hinila na naman ulit sya ng kuya nya ngunit malakas nya itong nasalag.

"Kuya pwede ba! Galing ako sa kaibigan ko! At staka isa pa wala akong boyfriend!"

"Talaga lang ha! Siguraduhin mong wala talaga! Kung hindi baka mapatay ko lalaki na yon!"

"How do I get a boyfriend? Ehh kung makabakod ka nga sakin wagas ehh! Pwede ba kuya! Pagod ako. Kaya please lang. Let me rest."

Tinalikuran naman nya ang kuya Ethan nya. Pagod sya at wala syang gana makipag talo. Naramdaman naman nya ang pag sunod sa kanya ng kuya nya.

Bago pa sya mahila nito paharap sya na mismo ang humarap dito at yumakap kay sa kuya Ethan nya.

Rinig na rinig naman nya ang pag lakas ng kabog ng dibdib nito.

"Sorry na. Dinalaw ko lang naman ang kaibigan ko. Sandali nga lang ako dun eh."

Nawala naman ang galit na kanina ay bumabalot kay Ethan. Ganito talaga ang nangyayari sakanya isang yakap at isang sorry lang ni Athena. Ok na sya.

Binalik naman nya ang yakap ng dalaga.

"Sorry rin. Alam mo naman na pinoprotektahan lang kita. Maraming loko lokong lalaki dyan."

Sinubsob naman ni Athena ang kanyang mukha sa kuya Ethan nya.

"Oo alam ko yun pero sana bawas bawasan mo naman ang pagiging over protective mo sakin kuya. Kaya ko ang sarili ko."

Humiwalay naman ng yakap si Athena sa kanyang kuya at nginitian ito. Mahal na mahal talaga sya ng kuya Ethan nya. Sobrang over protective ito. Dose anyos na sya marami na ang gustong manligaw sa kanya. Sa edad na eighteen ng kuya Ethan nya wala pa itong nagiging kasintahan. Paano kasi sa kanya lang nakatuon ang atensyon nito. Masungit at walang kaibigan ito sa school nila. Marami ang nag kakagusto dito na magagandang babae pero ang kuya nya kahit isa wala manlang pinapansin.

"I know. But you also need my protection. Athena, I just want you to be good. No matter what, you know. I'm always by your side. So please... Let me protect you and let me stay always with you."

Hinaplos naman ni Athena ang pisnge ng kuya Ethan nya. Napapikit ito at hinawakan ang kamay nya na nasa pisnge pa rin nito.

Mahal na mahal nya ang kuya Ethan nya. Kaya nga hindi nya ito mahindian. Eto na lamang ang pamilya nya. Namatay ang Mama nya at sila nanay carmen at si tatay Christopher noong pitong taong gulang sya. Naaksidente ito pabyahe ng maynila. Simula noon ang kuya Ethan nya na ang kasama nya at nag palaki sa kanya. Hindi naman sila hirap sa buhay dahil sa iniwan na mana ni tatay Christopher at nanay Carmen.

"Opo. Sige na kuya mag pahinga na tayo. May pasok ka pa bukas ehh."

Tumawa naman ang kuya nya at hinawakan sya sa kamay papasok ng bahay.

"Bakit wala ka bang pasok bukas?"

"Wala. May general meeting ang lahat ng teacher. Kaya dito lang ako sa bahay."

Story Of A Lost Princess And The Three BendersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon