🔥Ika-walong kabanata🔥

0 0 0
                                    

"Sir, here are the papers you need to sign up."

Binigay naman kay Ian ng kanyang sekretarya ang mga documents na kailangan na nyang pirmahan. Gusto nya ng bumalik sa Bender World. Pumunta lang naman sya dito para hanapin si Athena. Nag patulong sya sa isang Wizlard sa kanila para makapasok sa mundo ng Midrigo. Sampung taon narin kasi ang nakalipas mula ng huling pag kikita nila ni Athena.

"Nasaan kaba talaga Athena?"

Naka silip naman sya ngayon sa bintana nang mahagip nya ng mata si Frina. Ang estudyante nyang malaki ang pag kakahawig sa minamahal nya. Napaka ganda kasi nito. Mukha itong anghel at maganda ang hubog ng katawan. Mas nakakaakit dito ang berde nitong mata na bumagay naman sa mapupula nitong labi na natural ang pag kapula. Pointed proud nose. At ang hugis puso nitong mukha. Malaking malaki talaga ang pag kakahawig nito kay Athena. Kung minsan nga tinutulak na sya ng kanyang puso na ito talaga si Athena. Pero hindi. Kailangan nya munang makasiguro talaga.

Nakita nya naman na may niyakap itong lalaki at hinalikan sa labi. Bigla naman syang naka ramdam ng galit at pag kairita. Nakatingin parin sya kay Frina at yakap nitong lalaki. Bigla naman syang natauhan at nakilala kung sino ang lalaki na kayakap ni Frina. Bakit nandito ang anak ng Water Emperor?

Bigla naman may kumatok sa opisina nya dahilan para mapalingon sya.

"Yes?"

"Sir, the Dean's need you in conference room."

Tumango lang sya dito at lumingon ulit sa bintana. Ngunit wala na ang dalawa. Napabaling naman ang ulo nya ng marahas. Naguguluhan sya. Bakit nandito ang anak ng Water Emperor.

Kinabukasan maaga syang pumasok sa school dahil malapit na ang exam kailangan nyang pumasok ng maaga isa kasi sya sa gumagawa ng questioner ng exam sa buong school.

Pag pasok palang sa office sinabi sa kanya ng kanyang sekretary na nasa library ang ibang example questioners ipapasuyo nalang sana ito kaso parang may nag uudyok kay Ian na sya nalang ang kumuha sa library ng mga dapat kuhain.

Medyo madilim pa dahil alas kuwatro palang ng umaga pero may mga estuyante na sa unibersidad, pero kaunti lang. Pag pasok nya ng library walang katao-tao nag lakad naman sya patungo sa information ng library pero wala pa ang librarian. Nakita nya naman ang mga example questioner sa printer. Kukunin nya na sana ito ng mapag desisyonan na mag basabasa muna ng libro. Habang tumitingin ng libro nahagip ng peripheral vision nya na may tao sa tagong parte ng mga book shelf.

Lumigon naman sya para masigurado kung sino ito.

"Frina?"

Lumapit naman sya sa natutulog na estudyante at pinakatitigan ang mukha. Si Frina nga ito. Napansin nya naman ang hawak nitong libro.

Biology..

Napangiti naman sya. Mukhang nag aaral ito ng maaga para sa finals nila. Tinitigan nya naman ang dalaga na mahimbing na natutulog. Umupo sya sa katabing upuan nito at pumaharap dito. Nangalumbaba naman sya habang nakatitig dito. Hindi nya alama pero malakas talaga ang paniniwala ng puso nya na si Athena at Frina ay iisa. Ang babae nga lang sa harap nya ngayon ay isang legit table woman bata pa kasi si Athena noong huli nilang pag kikita. The woman in front of him is a freaking beautiful goddes woman. Gandang ganda talaga sya dito. Kaunti nalang at mahuhulog na talaga sya dito. Pero sa isiping nandito sya para hanapin si Athena.

Bigla tuloy syang napapadalawang isip. Napabuntong hininga naman si Ian.

"Can I love you?"

"You can't."

Nagulat naman si Ian pero hindi nya pinahalata kay Frina. Gising na pala ito at ngayon nakaayos na ito ng upo at bored na nakatingin sa kanya.

"Miss Green, you look like study hard for finals."

Story Of A Lost Princess And The Three BendersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon