🌍Labing-Anim na kabanata🌍

0 0 0
                                    

Masayang nag diriwang ang buong Bender World dahil sa araw na itinakdang ipanganak ang Binhi ng kanilang kaharian. Ngayon ang araw na itinakda kaya naman abala ang lahat sa kaharian.

"Water! Anong ginagawa mo?"

"Relax ka lang, Fire. May sisilipin lang ako."

"Pero delikado dyan! Bumaba ka na!"

"Tsk! Gusto ko lang naman makita ang prinsesa."

"Ano ka ba. Hindi pa kaya ipinapanganak ang prinsesa."

"Ganun ba. Sayang naman."

Bumaba na si Water sa punong mataas. Habang si Fire naman ay nasa ibaba ng puno hinihintay makababa ang matalik na kaibigan.

"Fire. Ang swerte mo."

Nag lalakad na ngayon ang mag kaibigan sa kakahuyan pabalik sa kanilang tribo.

"Paano mo naman na sabi yan?"

"Kasi, pakakasalan mo ang prinsesa."

"Oo nga ano. Kaso ang bata nya para sa akin. Baby sya tapos anim na taong gulang na ako."

"Sus! Hindi naman na balakit iyon. Sigurado ko na napakaganda ng prinsesa lalo na at ang mama nya ay si reyna Athena."

"Hmm... Makikita natin bukas."

"Pero hindi ako pwedeng pumasok sa palasyo diba?"

"Hindi yan. Ako ang bahala sayo. Kakausapin ko si Ama para makasama ka sa amin bukas."

"Ganun ba. Maraming salamat, Fire! Isa ka talagang totoong kaibigan."

Nag tawanan naman ang matalik na mag kaibigan at nag habulan. Masaya ang mag karoon ng matalik na kaibigan. Kahit na mag kaaway ang kanilang mga tribo hindi iyon balakit sa pag kakaibigan nila.

"Sige Fire! Mag kita nalang ulit tayo bukas! Paalam!"

"Mag iingat ka, Water! Mag kita nalang tayo bukas! Paalam!"

Kumaway sila sa isa't isa ng may malaking ngiti sa labi.

Kinabukasan. Bukas ang palasyo sa lahat ng mga ka-tribo pwera lang sa Water Tribe. Ba'ka may gawin na naman kasing masama ang tribo sa loob ng palasyo.

"Ama!"

"Fire Bender!"

Dali dali naman tumakbo ang maliksi na bata sa kanya ama. Agad naman syang kinarga nito at dinala sa bisig.

"Ama. Pupunta na po ba tayo sa kaharian?"

"Mamayang hapon anak. Kaninang umaga lang kasi lumabas ang prinsesa mula sa sinapupunan ng Reyna Athena kaya nag papahinga ang Reyna ngayon at ang prinsesa. Mamaya masisilayan mo na ang iyong mapapangasawa."

"Ehh! Bata pa po ako. Staka isa pa po hindi ba't pangit ang sanggol pag bagong panganak ito? Sigurado ko na pangit ang prinsesa."

"Hahaha, anak dyan ka nag kakamali."

"Paano naman po ako mag kakamali roon. Eh totoo po ang sinabi ko na lahat ng sanggol ay pangit pag bagong panganak pa lamang."

"Basta. Makikita mo sya mamaya."

Story Of A Lost Princess And The Three BendersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon