🌊Ika-siyam na kabanata🌊

0 0 0
                                    

"Frina on earth? Are you there?"

"Oh! Yeah. Ano yung sinasabi mo?"

"What?"

"I mean. I'm just going to canteen."

"Sure. By the way, I need to go home my mom is on business trip, so.. I'm a babysitter today."

Napatawa lang sya sa expression ng mukha ng kaibigan dahil mukhang labag dito ang pag babysit sa kapatid nito.

Naglakad naman na sya paatras at kumaway dito.

"Then, good luck! See yah!"

Nag flying kiss lang ito at tumakbo na paalis. Sya naman ay dumeretsyo nalang sa garden ng university. Hindi naman kasi totoo na pupunta sya sa canteen. Ilang araw narin ang lumipas simula nung nangyari sa library. Ewan nya pero, hindi naman sya galit. Talagang medyo, ewan nya ba!

Naguguluhan sya. Umupo naman sya sa tabi ng fountain at pinakatitigan ito. Ang ganda talaga ng fountain na ito lalo na pag palubog ang araw. Tumatama kasi ang sikat ng araw sa tubig at nag mumukha itong tubig na crystal. Crystal clear kumbaga. Nawala lahat ng bumabagabag sa isip nya dahil sa fountain na ito.

Hindi nya alam pero bigla nalang pumasok sa isip nya ang mga pananakit ni Thairius. Ito kasing mga nagdaan na araw naging sobrang possesive na nito. Napaka seloso. Pag uuwi sila ng bahay mag aaway sila at nagugulat nalang sya dahil bigla nalang sya nitong sasampalin. Pero natatauhan agad ito at bigla sya nitong aaluin. Hindi nya namalayan na umiiyak na pala sya. Kung hindi nya pa nakita sa salamin na tubig ang mukha nya hindi nya pa malalaman na umiiyak na pala sya.

Pinahid nya naman ang luha sa pisnge nya. Tumingala naman sya sa kalangitan. Nag aagaw na ang gabi at umaga. Napakagandang pag masdan. Lalo na at tumatama ang liwanag ng papalubog na araw sa mga damo at halaman.

"Sana. May maalala na ko."

Bigla nalang itong lumabas sa labi nya kaya nagulat din sya. Alam nya kasi na nag ka-amnesia sya. Kahit na hindi ito sabihin ni Thairius alam nya. Ilang taon sya na comatose at pag gising nya wala syang maalala. Hindi naman sya ganun ka inosente kaya alam nya na may parte sa utak nya na hindi nya maalala ang mga nangyari noong bata pa sya. Kung tutuusin kahit sinasaktan sya ni Thairius malaki ang utang na loob nya dito. Dahil ito ang nag aruga sa kanya noong mga panahon na kailangan nya na makakasama at gabay.

Mahal nya si Thairius, yon ang sinasabi ng puso nya pero may bahagi sa puso nya na iba ang pag mamahal nya kay Thairius. Mahal nya si Thairius bilang isang kapatid pero ang sabi naman nito fiancé nya ito at may relasyon silang dalawa. Mukhang nag kamali lang ng kilala ang puso nya.

"Deep thoughts?"

Napalingon naman sya sa nag salita. Si Professor Ian lang pala. Pumaharap naman sya dito. Ngumiti naman ito at ngayon papalapit na ito sakanya. Naramdaman nya na naman ang pag lakas ng tibok ng puso nya. Parang biglang nag karoon ng mga paru paro ang sikmura nya. Parang ang gwapo naman nito ngayon sa paningin nya.

Hanggang sa makalapit ito sa kanya hindi nya namamalayan na nakatitig parin sya dito. Ngayon naman ay nakatingala na sya dito dahil nga sa nakaupo sya at nakatayo na ito ngayon sa harap nya. Sumilay naman ang nakakalokong ngiti nito.

"Staring is rude. Miss Green."

Napakurap kurap naman sya at doon lang natauhan. Inirapan nya naman ito. Natawa lang ito at tumabi sa kanya. Nag kadikit naman ang braso nila pag upo nito pero bigla syang napalayo dahil parang nakuryente sya sa pag dikit dito. Si Ian din parang na gulat kaya napahawak ito sa sariling braso.

"Ahm, kamusta?"

Napalingon naman sya dito. Nakatingin naman sa kanya ngayon ang binata habang nakahawak ang kamay sa may batok nito.

He look so cute..

Napangiti naman sya sa iniisip nya. Paano kasi ay ang gwapo nito habang ang kamay nito ay nasa sarili nitong batok.

"And now you're smiling. I like that."

Napahinto naman sya at inalis nalang ang tingin dito. Nararamdaman nyang uminit ang pisnge nya dahil sa sinabi nito. Ang lakas talaga ng epekto nito sa kanya.

"Miss Green. Don't look down, you're too beautiful para lang yumuko ka."

"Ewan."

Natawa naman ito. Ngayon naman natatawa na rin sya. Baliw na ba sya? Nahahawa sya sa tawa nito? Kasi naman nakakahawa ang napakaganda nitong ngiti.

Napahinto naman sya ng makita na nakatitig lang ito sa kanya. Para itong nakakita ng kung anong magandang bagay.

"Sir. Ok ka lang?"

Parang na tauhan naman ito at parang biglang na taranta. Natawa naman sya sa inasal nito. Para itong teenager na napahiya sa tapat ng crush nito.

"Why so happy?"

Napalingon naman sila kung saan narinig ang isang boritong boses. Gayun nalang ang pag kagulat nya ng makita ito.

"Thairius."

Lumapit naman ito sa kanila na naka pamulsa ang dalawang kamay sa mag kabilang bulsa ng pantalon nito. Napansin nya na napatayo na rin si Ian. Pag lapit sakanya ni Thairius inakbayan sya nito at hinalikan sya sa ulo ng mariin. Napapikit naman sya. Panibagong pananakit na naman ba ito pag uwi nila ng bahay. Mukhang nahalata ni Ian ang pag trato ni Thairius sa kanya. Kaya nag salita na ito.

"And you look so possessive to her."

Ngumisi naman si Thairius ng nakakaloko kay Ian.

"Yeah. I need to this. Lalo na, there are so many lunatics. Na nakalalat lang kung saan."

"And because of that you hurt her."

Napansin nya naman na nag tagis ang bagang ni Thairius at si Ian naman bored lang nakatingin sa kanyang nobyo.

"Thairius, I'm tired. Let's go home."

Napabaling naman sakanya ang dalawa at sabay pa itong nag salita.

"Are you ok?"

They chorus it. Kaya naman nag simula ng mag away ang dalawa.

"What's your problem?"

"Nothing. I'm just want to check her."

"You don't need. I'm her fiancé so back off."

"I'm her professor and she's my student."

"Stop."

Pero hindi parin tumitigil ang dalawa. Dahil sa inis, inalis ni Frina ng pabalibag ang braso ni Thairius sa balikat nya at nag tuloy tuloy sya ng lakad palabas ng campus. Bahala sila mag away. Pinapatigil na nya ito pero patuloy parin ito sa bangayan.

Narinig nya naman na hinabol sya ni Thairius. Kaya naman tumakbo sya. Nakita nya naman ang varsity capatain ng football na nakasakay sa kotse nitong open shed. Tumakbo sya ng mabilis at hinagis sa kotse nito ang bag nya. Tumalon naman sya at sumakay sa kotse ng football captain. Nagulat naman ito kaya biglang na pa preno.

"What the! Frina!"

"Start the engine or I never ever help your team."

Ngumisi lang ito at pinaharurot na nito ang kotse. Napalingon naman sya sa likod at nakita nya si Thairius na tumigil na sa pag takbo at hinga na hingal ito. Umayos naman sya ng upo at itinaas nya ang tuhod ka pantay ng kanyanh dibdib.

"Any problem?"

"I have so many. Wag kana makidagdag."

"What?"

"Nothing. Just drive."

"Do you want to see the sunset?"

"Sure."

"Let's go!"

Pinabilis naman nito ang pag da-drive at dumeretsyo sila sa isang beach.










-----------------------------------------------------
—Gg

Story Of A Lost Princess And The Three BendersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon