🥀 Thirteen 🥀

3.1K 34 4
                                    


LACEY'S father got involved in a car accident and unfortunately it was Dead on arrival nang madala ito sa Ospital. Sinamahan ito ni Zion sa pagluluksa ayun na rin sa utos ng kaniyang mga magulang.

The funeral was in Taguig dahil taga roon naman talaga ang mga ito. Of course naaawa rin siya sa dalaga, naiintindihan niya ang lungkot na nadarama nito ngayon. And she won't let him to leave for now kaya nagtitiis nalang siyang kasama ito.

Iniwan niya pansamantala ang trabaho kay Rico. CoZ he will leave his work for about a couple of weeks.


-------

Nabalitaan ni Catharine ang nangyari sa ama ni Lacey. Nakaka lungkot nga ang nangyari rito and she understands kung bakit mas kailangan nito si Zion sa mga sandaling ito.

Ito naman talaga ang may karapatan sa binata, coz she is the Fiancee of Zion. Isang buwan nalang ay ikakasal na ang mga ito. Isang libong tinik ang nakatusok ngayon sa Kanyang puso, she was in a deep sorrow, thinking that Zion will not be free to be with her anymore.

Buburahin niya na lamang ang pangarap na malaya na niya itong makakasama and they will have their happy ending. Dahil ang totoo ay sad ending naman talaga ang meron sila. And it hurts..... A lot. 😔

Ngayon na nga lamang siya mag mahal, palpak pa!! Ang imperfect nang buhay niya, iniwan siya ng kanyang Ina, ni hindi niya nga alam kung anong hitsura nito. Sangol pa lamang kasi siya ng iniwan sila nito. Nagka baon baon pa sila sa utang, but thanks to Enrico dahil binayaran na nito ang lahat lahat ngunit kapalit naman niyon ay ang Kanyang sakripisyo na maging pekeng nobya nito. Hindi niya pa nga alam kung kailan matatapos ang Kanilang pagpapanggap, siguro pag nabayaran na niya ito ng milyon. Pero kailan pa mangyayari Yun? Pag naka jackpot siya sa lotto?! ... At ngayon, itong puso niya... Wasak na wasak na, pati ang perlas ng Silanganan at ang lahat ng yun ay dahil kay Zion. Imagine, dalawang beses na siyang nakuha nito ngunit mas pinili parin nitong pakasalan si Lacey kahit alam niyang hindi naman ito mahal ng binata dahil sinabi na nito sa kanya noon.

He was selfish, gustuhin niya mang magalit rito but she doesn't have the right to hated him. Unang una, kusa niyang ibinigay dito ang sarili, pangalawa, alam na niyang engaged na ito sa iba at pangatlo,alam niyang hindi sila magkapareho ng status sa buhay. In other words alam na niya ang sitwasyong papasukan niya pero anong nangyari? Diba Gora parin si Mamah?! Kaya kung ako sayo wag ka nalang mag drama. Let it be.. Let it be happened, coz everything has a reason, right?!

-------


" RICO, Eto na nga pala ang mga papeles na hinihingi mo. And, don't forget to sign it. "

" Thanks, Babe. "

Wika ni Enrico sabay abot sa mga papeles na iniabot sa kanya ng nobya.

Napapansin niyang matamlay ito kanina pa. She was pale. Parang may iniinda itong karamdaman.

" Ahm, sige, may gagawin pa ako. "

" Ahm wait.. "

" Yes? "

" Can we have dinner tonight? "

" Sige... "

" Thanks, see you later Babe. "

Silang dalawa lang naman ang nandito sa loob ng kaniyang Opisina, bakit panay parin ang tawag niya ng ' Babe rito??! Haleeeer!! Are you a Really a Gay or what?!! Naiintriga na ako sayo Papah Enrico ahh!!! Wag ka nalang mag bakla please, your so yummy naman eh! Sayang naman ang lahi mo. Para kang young version ni Brad Pitt, habang si Zion ay young version naman ni Tom Cruise! Oh diba pang Hollywood ang mukha!!!

Tumango lamang si Cat at aktong pipihitin na ang seradura nang bigla itong matumba at nawalan ng malay. Buti nalang ay nasalo niya kaagad at madaling dinala sa kalapit na Private Hospital.

-------


Di mapakali sa paghihintay sa results itong si Enrico. Mabilis naman niyang naitakbo dito sa Ospital ang dalaga, halos liparin na nga niya.

Mayamaya pa ay lumabas na ang doctor na nag check up kay Cat.

" Ikaw po ba ang asawa ng pasyente? " kaswal na wika ng doctor.

Teka? Asawa??

" Po? B-bakit anong nangyari sa pasyente? Is she okay now?? " nag aalalang tanong niya.

Biglang nag aliwalas ang mukha nito at nakipag shake hands sakanya.

" Congratulations, Sir. Your wife is one month pregnant... Hehe.. Excuse me... "

Umalis na ito. Naiwan siyang nakatunganga. How can this be happening?! Paanong? Kanino??!

Catharine is pregnant, but with whom?! Sino ang ama ng dinadala niya? ... Oh Gadd, kaya pala ang tamlay niya these last few weeks.

--------

Nailipat na si Catharine sa isang private room. Bukas na bukas ay makakalabas na siya ng Hospital, but kailangan niya na ng proper medication at vitamins lalo na ngayon ay nasa pregnancy stage siya.

Kakagising niya lang. Una niyang namulatan ay si Enrico. Naka abang lang pala ito sa Kanyang pag gising.

" Cat.. how's your feeling? "

Pilit niyang bumangon at inalalayan naman siya nitong makaupo.

" I'm a little bit dizzy. Ano palang nangyari sakin? Bakit nasa Ospital ako? "

" B-bigla ka nalang nag collapsed kaya sa sobrang pagka taranta ko ay dinala na kita dito... And thank God, your safe, and the baby.. "

Napatitig siya dito. " Ano nga ulit yung sinabi mo? Anong baby?? "

He stepped closer to her and hold her hands.

" Cat .. your having a baby.. the doctor found out that you are one month pregnant already.. " seryosong wika nito. And she can see it in his eyes na totoo nga ang pinagsasabi nito sakanya.

" Ano??! " Gulat na gulat siya sa sinabi ni Enrico.

" Well, I know it's very difficult for you.. but... You need to accept it.. pero pwede ko bang maitanong kung sino ang tatay ng bata? Maybe he needs to know this, para----- "

" Enrico, kaya kong buhayin mag isa ang bata. H-hindi namin kailangan ang tulong ng ama niya. " napaluha siya nang maalala kung sino ang ama nitong dinadala niya.

Ayaw niyang maging dahilan ng pagkasira ng buhay ni Zion. Kaya hanggat maaari ay hindi nito dapat malaman ang katotohanan. She will keep her baby from her own.

" Okay2* but, may I know who he is? I promise I won't let him to know about this hanggat walang permiso galing sayo. "

" I'm sorry, pero pwede bang sa akin nalang muna to? Ayokong pag usapan ang tungkol sa ama niya, Enrico... Nakikiusap ako sayo, wag na wag mong ipagsasabi tungkol sa dinadala ko. "

" Fine, but hindi mo maitatago ang paglaki ng tiyan mo. "

Hindi siya nakaimik. Napabuntong hininga na lamang siya at bumagsak ang mga balikat. Naramdaman niya ang pagyakap sa kanya ni Rico, buti nalang at may tao siyang masasandalan.

" Don't worry, Cat.. I won't let you Carry those problems alone... Sasamahan kita sa laban mo. I promise, hindi kita pababayaan. "


Mr. Perfectionist meets Ms. Imperfect 👥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon