🥀 Eight 🥀

3.3K 41 2
                                    

THANKS God, everything was settled and  successful kaya nagkaroon ng victory party at para nalang din sa 100th Anniversary sa kanilang Kompanya. And at the same time nagkaroon din ng Press Conference.

Iniisa isang in.interview ang mga namahala nuon sa Empire State Company mula sa kanilang Lolo na solong pinatakbo ang Kompanya sa loob ng 50 years, then ang mga papa nila ni Zion at Rico na sina Mr. Arnold at Mr. Federico na naging Presidente at Vice President for about 48 years. At ngayon ang kasalukuyang namamahala ay sina Zion at Enrico for about 2 years.

Nang nasa kay Enrico na ang atensyon ng media ay may reporter na biglang nag tanong sa kanya.

" Mr. Enrico, Ano pong masasabi niyo sa kumakalat na balitang bakla daw po kayo and you are having a relationship with a Man? "

Napalunok siya. Sinasabi na nga ba itutuloy ang pang bablackmail ng dating kasintahan sa kanya. Napalingon ang lahat sa kanya hinihintay ang kanyang maaring maging reaksyon.

" Hindi totoo ang kumakalat na balita ngayon tungkol kay Enrico. Dahil ako ang girlfriend niya. "

He didn't expect na eeksena ngayong gabi si Catharine para ipagtanggol siya sa kahihiyan. He smiled to her at ganun din ito sakanya. Napalingon naman ang lahat kay Cat. She's wearing a formal dress and a light make up. Ang ganda niya.

Pati si Zion ay hindi inaasahang eeksena ng Ganito ang dalaga.

" She's Right. Mabuti at nandito kayong lahat, para ikompirma ko sa Inyo that I already have a Girlfriend. " Nakangiting wika ni Enrico. Bumaba siya ng stage at nilapitan ang kaniyang nobya. Pumulupot ang kamay nito sa beywang ni Catharine.

" Mr. Enrico, totoo ba talaga ang relasyon niyo? O baka naman gawa gawa niyo lang para mapag takpan ang issueng bakla kayo?? "

He smiled sarcastically. " Hah! You really want a proof, guys?! Well, I Will give it to you. "

Kinabig niya si Catharine at walang pasabing hinalikan niya ito sa labi. Ramdam niyang napipilitan si Cat pero sumabay nalang ito sa daloy ng sitwasyon. They have to act like a true couple infront of many people.

Nayukom nalang ni Zion ang kamao nang makita ang scene na yun. Hindi niya matanggap na may iba nang nakadampi sa mga labi ni Cat.

" Everyone , The Press Conference was over! Let's focus to the Party. " Agaw atensyon ni Zion.

Bumaba na ito ng stage at tumungo sa rest room.

" All of You, Get Out!! "  Sigaw niya sa mga taong nandito sa rest room.

Wala namang nagawa ang mga ito kundi ang lumabas na lang.  Gusto niyang mapag isa. He stares at himself in the mirror habang nakayukom ang mga kamao.

-------------------

" Bakit ngayon lang namin nalaman na may nobya kana pala anak.. Mabuti nalang kung ganun, kaysa naman malaman na bakla ka, it brings a disgrace to our family. " Wika ng papa ni Enrico.

Nasa iisang mesa sila ngayon habang kumakain.

" Opo papa, ahm.. pasensya na po kayo kung ngayon ko lang nasabi sa Inyo tungkol sa amin ni Catharine. "

" Balita ko, secretary daw siya ni Zion. "  Wika naman ng kaniyang mama.

" Yes, Ma.. "

" Pareho pala kami noon. Secretary ako at Vice President itong papa mo... Hehe..  Good for you Son, at nakahanap kana ng babaeng mamahalin. "

" Salamat po Ma.. "

" Sana anak, at magpapakasal na kayo sa madaling panahon ni Catharine. "

" P-po? B-bat' parang nagmamadali naman kayo yata? Hindi pa nga kami umaabot ni Catharine ng isang buwan and you want me to get married right away?? Pa, are you serious?? "

Mr. Perfectionist meets Ms. Imperfect 👥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon