🥀 Ten 🥀

3.5K 34 0
                                    

LUMAGPAS na ang oras ng pananghalian at hindi pa nagpapakita sa mess hall si Zion kaya naisip ni Cat na dalhan ito ng pagkain.

Ilang saglit pa ay bitbit na niya ang tray at ginagalugad na niya ang yate. Dalawang lugar muna ang napuntahan niya bago niya nakita si Zion. Sa Top Deck niya ito nasumpungan. Tila may malalim na iniisip ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatanaw sa lugar na iyon kung saan humahalik ang langit sa dagat. Na tila ba doon nito makikita ang sagot sa katanungang pinagninilay-nilayan nito.

" Hi, Mr. President! " Masiglang bati niya rito.
Nilingon siya nito at saka bahagyang tumango.

" What's that for? " Tanong nito na ang tinutukoy ay ang tray na inilapag niya sa mesa. Mayroong inilaang lugar sa sundeck kung saan pwedeng kumain nang alfresco ang mga pasahero.

" I just thought you might be hungry. I didn't see you at breakfast. Pasado alas-dose na, hindi kapa rin bumababa para kumain. "

She regarded the food she brought as her peace offering. Kung bakit,hindi niya alam. She just felt guilty about something she couldn't put a finger on. Mula nang makita nitong magkasama sila ni Don ay nabuhay na sa kanya ang hindi maipaliwanag na damdaming iyon.

He gave her a discomfited smile. " T-thank you, " he said.

Hindi niya inaasahang maririnig niya dito ulit ang salitang' Thank you.

Nahihiwagaan siya sa sarili. Pareho niya ng nakasama si Zion at Enrico. But with Zion, it was different for her. Gusto niyang makuha ang simpatya nito. Mainam para sa lahat kung magkakasundo sila nito kahit ngayon lang magkasama sila.

" Ikaw, kumain kana ba? " Mayamaya ay tanong nito.
Umiling siya. Hindi pa nga eh. " Pagsisinungaling niya. Ang totoo ay nananghalian na siya subalit hindi rin naman siya nabusog sa kinain niya.  Wala siyang appetite kanina kaya hindi siya nakakakain ng husto.

Iminuwestra nito ang pagkain. " You know what? This is more than enough. Why don't you join me instead? " Alok nito.

Iyon talaga ang gusto niyang mangyari. Sinadya niyang damihan ang frittata at sausage piadina na inihanda niya para magkasabay sila sa pagkain. Again, she had no idea why. Basta ang alam niya, gusto lang niya.

" Sure, why not? " patay-malisyang wika niya.
Pagkatapos ay naupo sila sa harap ng mesa.
Then they ate in silence for what seemed like ages. Nakakailang kasi ang katahimikang bumalot habang nagpapakiramdaman sila.

Pagkaraan ng mahabang sandali ay nagkausap din silang dalawa.

" Ahmm, Mr. President-- "

" Just call me, Zion, nalang. We're not in work. We are here to have a vacation. "

Napatayo siya sa sinabi nito.

" What??! Di ba sabi mo may business trip ka sa Palawan? Ibig Sabihin, nag sinungaling ka? "

" Whatever you called that. Ang importante nandito na tayo. " Anito sabay lingon sa lugar na kanilang pupuntahan.

------------------

" TEKA nga, bakit mo pa ako isinama kung hindi naman pala ito tungkol sa trabaho? " Wika ni Catharine matapos sila mag hapunan at ngayon ay nasa tabing dagat na.

" Nakalimutan mo na ba? Personal Yaya kita diba?? "

" Hmmmmp! "

" Bakit naiinis ka dyan? Dahil ba naiwan mo doon si Enrico? Do you Miss him? "

" Hmmmmp. Oo. "

Weee???? Hahahah. Pakunwari ka lang dyan eh.

" Talaga? "

Mr. Perfectionist meets Ms. Imperfect 👥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon