" MR. President, saan po ba tayo pupunta? "
Tanong ni Cat nang makalabas sila ng building.
" Gusto kong umuwi. Nabibwesit ako sa mga empleyado ko! Gusto ko munang mag palamig ng ulo. "
Pumarada na ang Montero Sport na sasakyan nito sa harapan nila.
" Pati po ba ako sasama? "
" Syempre! Personal Yaya kita db? "
" Hmmmp, wala po ba kayong katulong dun?! "
" Sasama kaba o Hindi?! "
" Sasama, syempre! Ey, paano po yung mga gagawin ko dito sa office? "
" Ipapadala ko nalang yung mga documents kay Vivian sa bahay. Doon mo nalang taposin yun. "
" Hmmmp,okay po. "
Bubuksan na Sana ni Zion ang pinto ng backseat nang bigla niya itong tawagin.
" Mr. President! "
" What?! Hindi ka pa ba tapos sa pagtatanong?! Mas lalo mong pinapainit ang ulo ko! Ano ba kasi Yun?! "
" ahmm, Bulkan ka ba? "
" H-huh?!!! " Inis na sagot nito.
" Sabihin mo po, Bakit? "
" Tssk, Bakit ?! "
" Nag Aalburuto po kasi kayo ey! Hahahahaha!!! "
Mas lalong nag tiger look si Zion sa sinabi niya. Hindi ito natatawa sa mga joke niya!
" Tssk!!! Wasting of time! " Pumasok na nga ito sa loob ng sasakyan.
" Oooyy Teka, hintay po! " Aniya na nagmamadali makasakay.
Hmmmmmm!!! Mag katabi sila sa backseat. Isang pulgada ang distansya sa isa't-isa.
" Mr. President, saan po tayo? " Tanong ni Kuyang Driver.
" Sa Glass House. " Tipid namang sagot nito.
Habang nasa kalagitnaan sila ng byahe ay bigla na naman siyang pinag diskitahan ni Zion.
" Hoy, Ms. Rosario. Sa susunod, umayos ka ah, baka masisante kita! "
Bigla siyang napa agik-ik ng mahina.
" Anong nakakatawa??!!! "
" Sige po, mawawalan na kayo ng secretary na walang kasing ganda ko! Hehehe. "
Totoo naman, pang Beauty Queen ang kagandahan ni Mamah !
Napakunot noo ang binata, habang si Kuyang Driver ay tahimik na napa tawa.
" Feeling! Hmmp! "
" Ikaw po kasi eyy, ang seryoso niyo. Parang pinag dikit ng mighty bond yang mga labi niyo, ayaw man lang ngumiti. Dapat Good Vibes lang! "
She smiled at him na halos kita ang lahat ng ngipin. Well FYI, mapuputi ang kaniyang mga ngipin at walang cavities. Haha!!
Napatitig naman ito sa kanya.
" Nakaka negative vibes yang mukha mo! Ipinaglihi kaba sa kamalasan?!! "
Anito at ibinaling nalang ang paningin sa labas ng bintana.Ayaan, Mamah! Ayan napala mo, Feeling Close ka kasi! Hahaha.
Bwiset! Ako na nga tong nag mamagandang Loob na pangitiin siya. Siya pa itong Choosy!
Edi wag!! Tatanda ka nyan agad, sayang naman ang kapogian mo!! Bwahahaa!!!
BINABASA MO ANG
Mr. Perfectionist meets Ms. Imperfect 👥
RomanceDifferent lives with Different Views. A perfect life and an Imperfect One. Maaari kayang magkasundo ang dalawang magka ibang mundo? O Baka, dumating yung araw na iisa nalang ang magiging pintig ng kanilang mga puso?