AT Lumipas ang mga araw walang pinagbago si Zion. Ganun pa din ang pag uugali nito kay Cat. Marami nga sumasaludo sa dalaga dahil natitiis nito ang masamang ugali ng Presidente. Hindi kasi ito natatagalan ng mga Sekretarya kaya palit nalang ng palit.
Palaging naka buntot si Catharine sa binata. Kada utos nito ay sinusunod niya. Minsan nag oovertime siya para lang matapos ang pinapagawa nito. At minsan naman ay pinapapunta siya sa bahay nito para mag ligpit ng mga kalat nito sa kwarto at Opisina. Nagtagal ay kabisado na niya ang pagtitimpla ng kape para kay Zion kaya hindi na siya namomroblema.
Minsan pinapagalitan siya nito kahit konting pagkakamali lang niya,kahit pa ay nasa harap sila ng maraming tao. Wala talaga itong pakialam sa damdamin ng kahit sino. Ganun paman ay tinitiis niya nalang. Handa niyang sabayan ang ugali nito at hindi siya nagpapatibag.
Sa mga araw na kasama niya ito, ay meron nadin siyang nalalaman ng konti tungkol dito. Una, takot ito sa isda, pangalawa, allergy ito sa seafood, pangatlo, vegetarian ito, pang apat, Mahilig ito mag gym at lastly, Mahilig ito sa Ice Cream. Ang hilig nitong sports ay gulf at swimming. May Olympic size swimming pool ito sa sariling bahay at doon ito laging naglalangoy. Napapalunok na lamang siya sa tuwing umaahon ito sa tubig. His hair, his eyelashes, his eyes, his nose, his lips, his adams Apple, his broadchest, his six pack abs, Oh my Geeedd!! She can't breathe!!! 😂😂 Hahha.
--------
" Ms. Rosario, pinapatawag ka ni Mr. President sa Conference Room. Dalhin mo daw itong mga files doon dahil may meeting siya ngayon within 5 Minutes. " Wika ni Mang Lito ang personal driver ni Zion.
" Ahm, sige po. Salamat. "
" Oo nga pala, paki bigay nalang din nito sa kanya. Sabihin mo galing kay Ma'am Lacey. "
Isang Box ng cupcakes ang iniabot nito sakanya na kanya namang Tinanggap.
" Ahm, sige po. Ako nang bahala. "
Umalis na si Mang Lito at tumungo na din siya sa conference room para ibigay ang mga bagay na ito sa Boss niya.
Si Zion palang ang nasa loob. Nakapikit ito habang nakasandal sa swivel chair.
" Ahmm, Mr. President? "
Nagdilat ito ng mga mata at wala sa mood na tiningnan siya.
" My files? "
" Ahm, eto na po.. "
Kinuha na nito ang folder na hawak niya.
" Tsaka meron pa po, may nagpapabigay sa inyo nito mga cupcakes. Sabi ni Mang Lito, si Ma'am Lacey daw po. "
Kumunot ang noo ni Zion. At hindi Tinanggap ang Box.
" Kainin mo. "
" Po? "
" Sayo na yan, take it. "
" Baka namn po, gusto niyong tikman? "
" I don't like cupcakes! Just take it and leave this room, Now!! " Sigaw nito.
" Opo2*... "
-------
Sa pagmammadali ay nabangga ni Catharine si Rico sa may Hallway. Imbes na mainis ay nginitian lang siya nito ng pagka Tamis Tamis!
" Sorry, Rico.. " napatigil siya ng maalala kung sino itong kaharap niya. " Ay, sir Rico pala. Hehe. "
" Huh? Bakit Sir? "
He always have that smile!
" ahmm, diba ikaw ang Vice President ng Kompanya? "
" Ohh, how did you know that? Is Zion who's the one tell you about me? "
BINABASA MO ANG
Mr. Perfectionist meets Ms. Imperfect 👥
RomanceDifferent lives with Different Views. A perfect life and an Imperfect One. Maaari kayang magkasundo ang dalawang magka ibang mundo? O Baka, dumating yung araw na iisa nalang ang magiging pintig ng kanilang mga puso?