Gam Academy

43 0 0
                                    

Nagising ako dahil may kumakatok sa aking pintuan. Or worst kinakalampag. Kaya tumayo na ako sa aking pagkakahiga at nagbihis at binuksan ang pintuan

"Mr.  Kanina ka pa pong hinihintay kasi po ikaw nalang po yung last na nakasakay na pasahero sa eroplanong ito" saad ng captain ng eroplano

Tumango naman ako at kinuha na ang mga gamit ko at naglakad na paalis ng eroplano. Bumaba na ako ng stairs at nakita ko sa likod ko na tumataas na ito kaya tumalon nalang ako.

'Grabe sila kung magalit, buti nakababa ako ng mabuti' sabi ko sa aking isip at pinagpag ang aking pantalon.  Naglakad na ako paalis at sinalubong naman ako ng isang taxi.

Binuksan ko ang pintuan nito at pumasok "Sir saan ko po kayo ibababa?" Tanong niya, at sinagot ko naman ito "Sa Gam Forest" ito kasi yung daan papuntang Gam Academt

Bakit ko ito pinili? Kasi thrilling at dangerous ang nasa loob nito, nagresearch nadin kasi ako sa dark web tungkol dito kaya may nalaman din ako. Atsaka libre ang tuition, basta di ka lang mamatay yun lang.

Nang makadating na ako sa Gam forest ay bumaba ako ng kotse at naglakad ng mabilis patungo sa area na may mga camera na ang Gam staffs ang nag ooperate.

Para daw kasi makapasok, kailangan mong patunayan ang iyong sarili sa kanila na kaya mong mabuhay sa loob. At dito mo dapat itong gawin, sa harap ng camera nila.

"Sir hindi mo pa po nabibigay ang bayad mo" sabi nung driver ng taxi, kaya nilabas ko ang pera sa aking bulsa at nilahad kaya lumapit ang driver para kunin ito.

Bago niya pa ito nakuha ay binali ko ang leeg niya at binitawan siya. Siya? Ayun patay, halos matanggal na ang ulo niya eh. Humarap ako sa camera at nag bow.

Pagkatapos non nagsimula akong maglakad sa gubat nang nakita ko na ang kanilang gate kaya pumnta narin ako don. At nong nasa harap kona ang gate ay may lumabas dito na papel kaya kinuha ko ito at tiningnan.

I ( ) will be officially become a student of Gangsters, Assassins and Mafia's Academy.

Signature over Printed name

Pinirmahan ko na ito at binalik sa lalagyan at nilampn naman iti pabalik at nagbukas na ang pintuan ng Gam Academy. Pumasok narin ako at nararamdaman ko ang mga titig sa akin pero nang nakadating na ako sa hallway ay nag sigawan ang mga babae

"Ang hot ng lalaki oh, ang gwapo at ang macho, pa dangerous look pa ang dating. May tattoo pa sa mukha, sayang lang may salamin siya"

"Mukha lang meron nyan wala yang binatbat sa akin pag nagkasagupa kami! Nerd lang yan na walang kwenta"

Naglakad lang ako papuntang principal's office kaysa pansinin pa sila, eh ataw ko ngang magpakita ng emosyon eh.

Nang makarating ako ng principal's office ay binuksan ko na ang pintuan ng walang katok katok man lang. Kasi katok din tong paaralan na to.

"Ako si Mrs. Trace ang may ari at ang principal ng paaralang ito, sino ka at anong pakay mo dito?" tanong niya

"Ako si Ace Reele" pero ang full name ko ay Rieto Edmond Ace Phinco Erimol Reele or Reaper in short.

Binigyan ako ng babae ng schedule, Id at map ng school at ngumiti sa akin ng nakakatakot "Welcome to Gam Academy Mr. Reele" saad niya

Naglakad na ako papunta sa pintuan "Stop" sabi niya kaya napaharap ako sa kanya "Pano mo nalaman na merong school na ganito?" tanong niya

Ngumise ako sa kanya "Practice" sabi ko at umalis na. Totoo naman din eh, pinaktrisan ko din naman maghack ng isang araw at sunod marunong na ako.

Pumunta na ako sa aking dorm kasi nakalahad na ito kasabay ng schedule at meron nadin ang susi kasama ng ID ko. Maganda ang pwesto ng dorm ko kasi nasa rooftop ito at ito lang ang isang kwarto na nasa rooftop.

Tahimik na, solo pa ako kaya maganda ito. Nilagay ko na ang mga gamit ko sa loob ng kwarto at inayos na ito kasi may walk in closet naman dito at cr eh sunod may king sized bed pa may weapons stand din dito.

Nilagay ko ang mga damit ko sa walk in closet, hindi naman mahirap kasi identical naman ang mga damit ko. Puro black lahat syempre, black naman favorite color ko eh.

Nilagay ko na rin ang mga baril ko sa weapon stand at yung mga iba ko pang armas katulad ng daggers at iba iba pang klase ng kutsilyo. Pagkatapos non naligo na ako at nong tapos na ako, pumasok ako sa walk in closet para magbihis ng damit ko.

Lumabas na ako nang kwarto pero dala parin ang scythe ko pero tago ito sa paningin ng iba kasi nag ca camouflage ito sa damit ko.

Pumunta ako sa cafeteria at umupo sa isa sa mga upuan, kahit dito rinig na rinig ko pa rin ang mga bulungan nila tungkol sa akin.

'Kailan ba nila ako tatantanan' sabi ko sa sarili ko pero napabalik dib ako sa huwisyo nang may nagtanong sa akin.

"Sir anong order mo?" tiningnan ko siya at halata namang bored na bored siya.

"Isang burger at isang coke" sagot ko nalang. Di naman kasi ako palakain kaya hindi na rin marami ang inorder ko baka di kasi kakasya sa akin.

Maliit lang na pagkain, busog na ako kaya "Sir eto na po ang order niyo" maliit lang ito.

Kinuha ko naman ang burger at kinagat "Sir 25 po ang bayad" sabi niya "Akala ko libre lahat dito?" tanong ko

"Ah libre ang lahat para sayo pag nanalo ka ng kahit issng laban lang sa arena" sabi niya

"May laban ba ngayon?" tanong ko ulit na nakapagpagulat sa kanya.

"Ahh mamayang alas nuwebe sa gabi sa covered court" sabi niya sa akin

Tumayo na ako at pinalo ang likod niya "Salamat" sabi ko at tinignan siyang muntik ng masubsob dahil sa palo ko.

'Mahina lang naman yun, teka lang nga'. Tumingin ako sa relo ko at sng oras na ay 8:30.

Pupunta na ako doon. Aba sayang ang libre.

In A Pair Of GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon