Sa marami naming pinagdaanan na away papunta sa kanyang kwarto ay nakadating nadin kami sa wakas.
Kaya agad agad niya nang binuksan ang pintuan at sinarado ito dahil pagod na pagod na siya at gusto niya nang humiga at kumain.
Pumasok nalang din ako at tumingin siya sa akin "Di ka babalik sa kwarto mo?" tanong niya sa akin
Ngumuso naman ako "Naging kaibigan lang tayo sunod pinapaalis mo na ako, grabe ka naman" sagot ko sa kanya na parang batang nagtatampo.
"Hindi naman sa ganon, tinatanong lang kasi kita kung babalik ka" paliwanag niya sa akin
"Syempre hindi! Bago kong kaibigan dito iiwanan ko? Asa ka pa!" sabi ko sa kanya nakapagpangiti sa kanya
Pero agad din nang nahulog ang mukha niya "Wala talaga akong kaibigan dito dati at ngayon, eto ikaw nakikipagkaibigan sa akin at ikaw ang unang kaibigan ko dito" sabi niya na may malungkot na boses
"Bakit ka naman walang kaibigan? Maganda naman ugali mo ah" tanong ko sa kanya
"Ganito kasi yun. Inaapi ako nila dahil ako ang nasa pinakailalim ng food chain dito. Ang gang namin ang pinakamahina na gang kaya tinatawag nila akong weak. Hindi ko nga alam kung bakit ba ako nila inaapi dahil lang sa ganung dahilan, siguro dahil wala akong kaibigan, dahil siguro isa akong social outcast at hindo nakikipagusap sa iba" mahaba niyang saad habang tinititigan ako ng itim niyang mga mata na sobrang lungkot.
Wait may naalala ako "Bakit tinatawag ka nilang nerd na kahit wala ka namang salamin katulad ko?" tanong ko sa kanya ulit
"Ahh, kasi palagi akong nagbabasa ng libro at kumakain ng tanghalian sa library. Dahil na rin siguro sa pagiging social outcast ko at pagiging mahiyain sa ibang tao, pwede rin naman sa mga straight A+ kong grades maliban lang sa Gam subject na D ako. Lumalabas naman din ako pag Killing Day eh, sadyang babalik lang talaga ako sa kwarto ko agad agad para maiwasang mamatay" paliwanag niya ulit sa akin at tumango naman ako.
Bakit siya pa ang tinatawag na nerd, eh ako dapat yun eh. "Alam mo Night, galing ka sa gangster family pero ako, hindi ako gangster, assassin, mafia member or kahit ano pa sa kanila" saad ko
Nagulat naman si Night "Pano ka nakapasok dito?" tanong niya sa akin agad agad na parang gulat na gulat sa kanyang mga nalaman.
"Hinack ko kasi ang dark web para maghanap ng libreng mapag aaralan, so nakita ko tong Academy na to at libre siya kung mapapatunayan mo na malakas ka at marunong pumatay. Kaya kinuha ko narin ang oppurtunity na libre akong makapag aral." mahabang paliwanag ko at tumango tango siya
"Anong ginawa mo para mapatunayan mo ang sarili mo sa Academy?" tanong niya ulit at sinagot ko naman.
"Sumakay ako ng taxi papunta dito at umakto skong lumabas na hindi pa nababayaran ang driver kaya sinundan niya ako at nung nakadating na kami sa kamera ay kunwaring inilahad ko ang kamay ko na may pera at nung nilahad niya din yung kamay niya ay binali ko ang leeg niya ng sobrang lakas" ang paliwanag na sinabi ko sa kanya nung nakapasok ako sa paaralan at naalala ko pa rin iyon.
Dahil kahapon pa lang yon eh, isang araw palang ako dito pero may pinatay na ako, grabe naman oh.
"Ahh ganun pala yun" sabi niya sa sarili niya at tumango tango
"So, yung scythe mo pala kanina, ang ganda. Saan na yun, pwede patingin?" tanong niya sa akin
"Binalik ko na dun sa mga assassin, sila kasi may ari nun eh" pagsisinungaling ko at tumango nan siya pero di parin naniniwala kaya tumayo nalang ako at naglakad.
"Saan ka pupunta?" tanong niya, naguguluhan kung bakit tumayo ako sa kinauupuan namin
"Sa kusina lang" sagot ko at nag lakas na papuntang kusina nang nakita ko siyang tumango.
Pagkadating ko sa kusina ay namangha ako dahil malinis na malinis talaga ang pagkaayos pero umiling nalang ako at kumuha na ng karne sa ref, toyo at asukal.
Plano kong magluto ng adobo ngayon kaya hinubad ko ang aking jacket at shirt at sinuot and apron na panglalaki sa gilid. Pagkatapos non ay nagsimula na akong magluto at sinabayan ko ito ng pagsaing ng kanin, gumagawa din ito ng ingay kaya napatanong nalang di Night.
"Nung ginagawa mo!?" pasigaw niyang tanong sa sala at sinigawan ko siya pabalik na nagluluto ako at sumigaw lang siya ng okay.
Pagkatapos kong magluto ay tinanggal ko na ang aking apron at bumalik ako sa sala dala ang pagkain at nakita ko si Night na naglalaway. Talagang naglalaway, yung tumutulo na.
"Night anong pinaglalawayan mo?" tanong ko sa kanya at nagulat siya "Ay kanin!" sigaw niya at napa smirk ako.
"Sinong pinaglalawayan mo, ako or yung ulam?" sabi ko sa kanya na tinataas taas ang kilay ko
"Yung eight pack abs m-- ay hindi! Yung ano pala, yung ulam na adobo" mabilis niyang litanya
"Pwede mo namang kainin to eh" sabi ko at kumindat at hinawak hawakan pa ang mga muscles ko at abs ko ng paslow-mo pa for more effect.
"Kainin mo dyan. Manyak ka, hummp!" sigaw niya sa akin at tinapunan ako ng unan at tumalikod sa akin, nagtatampo ata, napatawa nalang ako at sinalo yung unan "Joke lang! Wag ka nang magtampo. Pero kung gusto mo, willing ako" sabi ko sa kanya na nang aakit
"Bwiset ka! Manyak! Magsuot ka nga ng tshirt!" sigaw niya at tinapunan pa ako ng maraming unan at tumawa lang ako at pinang sasalo ito
"Oo na, sige na tigil na" saad ko at bumalik ng kusina para suotin ang shirt at jacket ko at pagkatapos nito ay bumalik din ako agad sa sala.
"Oh, okay kana? Pero naglalaway ka talaga kanina eh" sabi ko at tumabi sa kanya, hinampas niya ako ng unan at napatawa nalang ako dahil namumula na talaga siya sa kahihiyan.
"Ikaw Ace ka ha, lagot ka sa akin!" digaw niya at hinampas hampas ako gamit ng kamay niya. At napatawa lang ako dahil hindi naman masakit.
Authors note
Halp me guys. I just need readers.
Pangit naman kasi kung walang nagbabasa ng story mo.
BINABASA MO ANG
In A Pair Of Glasses
RandomAko? Hindi ako ordinaryo. Pag nakita mo ako, pipilitin mo na lang ang sarili mo na hindi ako totoo. Bakit? Dahil ako ang magiging bangungot mo.