Naglalakad ako papunta sa covered court at nang dumating ako ay meyron nang mga harang sa audience para hindi sila madamay sa laban at walang daya ang mangyayari.
Naglakad ako papunta sa bleachers at umupo sa tabi ng babae na kulay berde ang mga mata. "Bago lang ako dito. Pwede paki explain naman sa akin" sabi ko sa kanya
"Ahh sige" tumango siya "Dito sa covered court ginaganap ang arena winner fights, it means na maghahanap ang tao na nasa top one nang kalaban niya sa mga audience"
Tumango ako "Nasa underground arena naman ginaganap ang laban ng may rank na top 2 pababa" saad niya
"Anong rules dito?" tanong ko
"Uhm wala namang rules kasi pwede mo naring patayin ang kalaban mo pero kung sasali ka kailangan mo ng codename. Mananalo kalang pag napatay mo na ang kalaban mo or na pa tumba mo ito at jindi na sya makabangon, means wala na siyang malay"
"Yun lang naman lahat. Ako nga pala si Yen, ikaw anong pangalan mo, at bakit ka naman pumasok dito?" tanong niya sa akin.
"Ako si Ace at pumasok ako dito kasi libre lahat" sagot ko sa kanya
Nagulat naman siya "It means hindi ka gangster, assassin or kasapi ng mafia?!" tanong niya na nakasigaw
"Oo, hindi ako isa sa mga dyan. Ano namang problema don?" tanong ko sa kanya
"It means, ikaw ang pinakaunang tao dito na nakapasok na walang influence sa pamilya ng gangsters at iba pa!" sigaw niya
"Nung Pake ko?" sabi ko sa kanya at napatigil ang aming pag uusap ng mag announce na ang emcee
"Good evening gangsters, assassins and mafia members! Nandito tayo para masaksihan na pumili si Python ng kanyang makakalaban ngayong gabi"sabi niya, napahikab naman ako
"Let us welcome Python! Ang makakatalo sa kanya ay ang makakakuha ng kanyang rank na top 1"
"Simple lang naman ang rules, kailangan mo lang ng codename at pwede ka nang sumabak, patayan o hindi. So, magsimula na tayo!" sigaw ng emcee at nagsigawan naman ang mga tao
Binigay ng emcee ang mic kay Python at nagsimula narin siyang magsalita "Sino ang mag vovolunteer na kalabanin ako?" tanong niya sa malamig na boses
Pero mas malamig akin. Tumingin ako sa palibot at walang tao ang nagtaas ng kamay 'mga duwag' sabi ko sa isip ko.
"Ah so wala eh pipili-" hindi ko siya pinatapos dahil tinaas ko ang aking kamay "Ako" sabi ko na mas malamig ang boses kaysa sa kanya.
"Ah sige sige, isang nerd kakalabanin ako? Nagpapatawa ka ba" sabi niya na tumatawa kaya nakitawa ang mga audience dito.
"Hindi" sagot ko pero mas nilamigan ko pa amg boses ko kaya nanahimik silang lahat "Lalaban talaga ako" dagdag ko pa
Naglakad ako pababa ng bleachers at sinalubong ako ng emcee "So! Ano ang codename mo?" tanong niya sa akin ng nakababa ako.
"Reaper" sagot ko at tumaas na ang mga railing. Siguro para hindi makalabas ang isang player.
"Simula na nang laban, manuod tayo kung sinong mananalo, ang newbie ba o ang undefeated champion ng arena fights!" sigaw ng emcee
Naririnig ko ang mga sigaw niya na mananalo daw si Python. I will prove you completely wrong.
Nakatayo parin kami ang tinitingnan ang isat isa. Ang mata niya ay nanlilisik sa galit, at ako naman ay sobrang kalmado.
Ano namang ginawa ko sa kanya para magalit yan ng sobra?
Papadaliin ko na lang ang away na to, at kung siya may baril, ako ay hindi ko ilalabas ang scythe ko. Mas mabuti nang nakatago yan. Minamaliit ko siya eh.
"Mahina ka" sabi ko para ma provoke na sumugod siya at sumugod naman siya dahil galit na galit siya na sinabihan kong mahina siya.
"Hindi ako mahina!!" sabi niya at sumugod gamit ang dagger niya pero nang makalapit siya sa akin ay nagblend ako sa shadows at tinago ang presenya ko
"Hala! San na sya?" yan yung mga tanong ng kakaban ko at ng mga audience. Sinipa ko siya sa likod ng tuhod niya ng malakas at sinunod ko yung kabila kaya napaluhod siya.
Tinatago ko parin ang presensya ko at binulungan siya at pinakita ko na ang sarili ko at sinuntok ang leeg niya para mawalan siya ng malay.
Ang aking ibinulong ay 'mahina ka' sa mala dangerous na tono.
"Himala! Nanalo ang newbie natin na si Reaper at wala pa siyang armas na dala" sabi ng emcee at kahit isa ay walang nag cheer para sa akin.
"Reaper, anong masasabi mo sa laban na to kahit baguhan ka pa lang dito?" sabi ng emcee at binigay ang mic sa akin
Inismiran ko sila ng nakakatakot, nanginig naman sila kaya napangisi ako ng masama "Mahina siya, Sobrang mahina" sabi ko sa malamig na boses habang nakangisi
At nag blend ako sa mga anino nila at naglakad pabalik ng kwarto ko. Naririnig ko ang mga bulungan nila kahit malayo na ako sa kanila.
Pagkadating ko sa kwarto ko, tinanggal ko na ang mga damit ko hanggang naiwan nalang ako sa boxers ko.
Tumingin ako sa salamin at tinanggal ang glasses ko. Nakita ko ang aking pulang na may asul na mata, ang aking skyblue na buhok hanggang bumaba sa aking defined chest at chocolate hard eight pack abs.
Umiling nalang ako, bakit ang hambog ko? Kulang lang yan sa tulog. Sabagay makitulog na nga. Humiga na aking kama at natulog na.
3rd person's PoV
Nung nakaalis na si Ace sa covered court ay nagtaka ang lahat sa ginawa niyang dissappearing act.
"Pano niya nagawa yun?"
Maraming tanong ang mga tao tungkol dito at mas nagtaka sila nang natalo niya ang top 1 sa arena na parang naglalaro lamang.
Sa sobrang dali niya naman napatapos ang kalaban niya. Habang si Yen naman ay parang sinuwerte dahil naging kaibigan niya si Ace.
Si Yen kasi ay ang top 2 ng arena kaya wala na siyang kalaban pa dahil kaibigan niya na ang first placer.
Kaya puwede sila maging team.
"Magkikita tayo bukas Ace o Reaper" bulong niya para walang makarinig sa kanya at gawan pa ng issue.
BINABASA MO ANG
In A Pair Of Glasses
AcakAko? Hindi ako ordinaryo. Pag nakita mo ako, pipilitin mo na lang ang sarili mo na hindi ako totoo. Bakit? Dahil ako ang magiging bangungot mo.