Pumasok and presensya sa cafeteria at tiningnan si Night ng hindi makapaniwala. "Huy Nerd!" sigaw niya at tinapunan ng dagger si Night
Lumingon si Night at halos malapit nang matamaan ng dagger sa ulo pero di yun nangyari kasi tinapunan ko ng dagger ko ang dagger niya.
Hindi niya iyon napansin dahil sobrang bilis kong tumapon kaya sa paningin niya, kala niya nawala ang dagger. "Hala asan na yun?" tanong niya sa sarili niya
Galit na galit na ako dahil malapit niya nang patayin ang kaibigan ko.
Tinapunan ko siya ng dalawang dagger katulad nung ginawa ko kay Night pero nilakasan ko ang pagtapon kaya nung dumikit siya sa pader ay napasuka siya ng dugo.
Naglakad ako papunta sa kanya at nung nakita niya ako lumunok siya. "Walang papatay ng kaibigan ko" sabi ko "Maliwanag?!" sigaw ko at sinuntok ang pader sa gilid niya at nag crack iyon.
Tumango siya ng tumango, hinawakan ko ang leeg niya at binali ito tsaka kinuha ang mga dagger ko at tinapon ito sa isang table na may bangkay.
Tumingin ako sa likod ko at nakita si Night na nanginginig "Ang nakakatakot mo" sabi niya sa akin na halos maluhaluha na
Nilapitan ko siya at hinawakan sa magkabilang pisngi at hinarap ang kanyang mukha sa akin "Ginawa ko iyon para protektahan ka okay
Wag kang matakot, hindi kita sasaktan" sabi ko sa kanya at niyakap siya, yumakap naman siya pabalikPero naramdaman ko na parang may tatapon ng dagger sa amin at tinapon niya nga ito. Bago pa makapag react si Night ay sinalo ko ang dagger at tinapon pabalik sa kanya ng patalikod "Bulls eye" sabi ko sa kanya at ngumiti. Ngumiti din siya pabalik at parang naiintindihan niya na, na pinoprotektahan ko lang siya.
"Dali na, ibabalik na kita sa dorm room mo" sabi ko sa kanya at tumango rin siya. Palabas na kami ng hinarangan kami ng mga lalaki.
"Bawal lumabas, patayan muna" sabi ng nasa gitna nila at siya ata ang leader nila.
Nilabas nila ang mga baril nila at binaril ako "Huwag mo akong bibitawan Night" sabi ko sa kanya at tumango siya, takot sa mga kaharap ko ngayon.
Sinalo ko ang mga bala nila gamit ng aking kamay at tinapon pabalik sa kanila. Natamaan silang lahat at namatay pero may sumunod pa da kanilang likod.
"Detour tayo! Takbo papunta sa garden!" utos ko ng pasigaw at tumakbo kami papuntang garden habang hinahabol ng mga lalaking ito.
At pagdating namin sa garden ay dead end na pala ito dahil napalibutan ng barbed wire fence ang garden dahil nasa likod na nito and covered court at pumasok na ang mga lalaki.
"Well hanggang dito ka na lang, at dito ka na rin mamatay" sabi ng isang lalaki
"Pumikit ka" bulong ko kay Night at pumikit naman siya
Kaya agad kong inilabas ang aking flashbomb at tinapon ito pababa. Kinarga ko agad si Night at inakyat ko agad ang puno ng sumabog na ito. Nang madating ko ang tuktok ng puno ay tumalon ako papuntang covered court at tumakbo para pumasok dito.
"Night, pwede mo nang buksan ang mata mo" at sinunod naman niya at pagkabukas ng mata niya ay agad siyang lumingon sa kanyang paligid.
"Pano tayo napunta sa covered court na nasa garden naman tayo kanina?" tanong niya na naguguluhan at kinurap kurap pa ang mata niya at pinitik pa ang kanyang mukha.
Ngumiti ako "Magic" sabi ko at pina rainbow ang kamay ko.
Agad naman akong napasimangot. Panira naman ang mga students oh. Tapos na nga kami sa garden meron pa sa covered court. Ano to? May backup sunod backup na naman.
"Hindi kana makakatakas pa sa amin" sabi ng ikalimang lalaki. Lima lang naman silang lahat kaya wala akong problema sa pagtakas sa kanila.
Sunod tong babae na nasa tabi ko ay inaayos pa ang mga pagkain na kinuha niya kanina sa cafeteria. Patay gutom ata tong babae na to eh, mas sinasalba pa ang pagkain kaysa sa sarili niya.
"Mauna kang tumakbo, ikaw lang naman ang nakakaalam kung saan ang kwarto mo, kaya tumakbo ka papunta doon" bulong ko sa kanya
"Kala mo lang yun!" sigaw niya sa mga lalaki kanina at kumaripas ng takbo paalis at sinundan ko na rin siya habang binablock ang mga bala ng mga baril at ang mga daggers na papunta sa amin.
Binabawian ko din sila ng pagtapon ng mga armas nila pabalik sa kanila at namatay din naman silang lima.
Pinapapawisan na ako sa pagod at ang natitirang armas ko nalang ay ang scythe na nakatago sa bag ko.
Humihingal na si Night kakatakbo at parang gusto niya na talagang tumigil sa marathon namin.
"Maglakad nalang tayo wala na namang mga kalaban eh" sabi niya sa akin at tumango lang ako at sinundan na siyang maglakad na dala dala pa rin ang mga pagkain niya.
"Bakit dala mo pa rin ang mga pagkain mo?" tanong ko sa kanya.
"Kakain pa ako noh tsaka sayang naman ang pagkain kung di mo naman kakainin. Kumuha pa ako ng pagkain sa cafeteria kung di ko lang man iyon makain duh" sagot niya sa akin
Naglalakad kami ng may humarang na mga assassin sa harapan namin. Inassume ko lang na assassin sila dahil ang hawak nilang armas ay tanging mga patalim lamang.
"Na naman!" reklamo ni Night pero napasigaw siya nung hinatak ko siya pabalik at hinarang ang mga patalim nila na agad na inatake ako gamit ng aking scythe pero nadaplisan parin ako sa aking pisngi.
Dahil sa bilis ko ay nahulog ang aking salamin at lumabas ang totoong kilay ng mga mata ko. Pula na may asul.
Bago pa sila makatakas ay pinutulan ko na sila ng ulo at bumulong "Hindi niyo dapat nakita yun" at kinuha ang aking salamin at sinuot agad para di makita ni Night ang aking kakaibang mata.
Humarap na ako kay Night "Dali na maglakad na tayo" sabi ko na lang sa kanya at ngumiti na parang walang nangyari.
Ayaw ko pang may makaalam dito sa totoong ako at sa totoong kulay ng mata ko. Huwag muna ngayon.
BINABASA MO ANG
In A Pair Of Glasses
RandomAko? Hindi ako ordinaryo. Pag nakita mo ako, pipilitin mo na lang ang sarili mo na hindi ako totoo. Bakit? Dahil ako ang magiging bangungot mo.