"Labas" sabi ko sa aking pinakamalamig na boses. Lumabas siya sa pinangtataguan niya na nanginginig dahil sa takot siguro siya sa akin.
Tumingin sa sa akin at lumabas na sa salamin ang impormasyong kailangan ko.
Name: Night Summers
Age: 15
Mother: Deceased
Father: Dawn Summers
Siblings: None
About: She is a student at Gam Academy because of her father leads a gang. But it is the weakest gang in the world and she is bullied for that fact. She is a freshmen like you and usually avoids bullies.Okay na tong impormasyon na to, pwede ko na siyang gawing isa sa aking kasama. Harmless siya eh at papatunayan ko yan.
Tinapon ko ang dalawang dagger ko sa magkabilang dulo ng kanyang jacket at dinala siya nito palayo sa akin at dinikit sa pader. Pero ito ay nagbibigay lamang ng maliit na sakit kasi hininaan ko lang ang pagtapon.
Night PoV (for more thrill)
Tinapunan ako ni Reaper ng dalawang dagger at tinapon ako nito papunta sa pader at dinikit ko ang mga ngipin ko para maiwasang sumigaw dahil sa sakit.
Baka kasi katulad sila ni Phython ng ugali. Si Phython kasi mas sinasaktan pa ang tao kapag nagpakita ng kahinaan dahil ayaw niya non pero sinabihan lang siya na mahina ni Reaper.
Nanginig ako sa takot nang naisip ko kung anong gagawin niya sa akin. Papatayin niya na ba ako? Tumingin ako kung nasaan siya kanina at nakitang wala na siya doon.
Hala! Asan na siya, ayaw niya na ba akong patayin. Pasalamat naman ako kung ganon. "Night" may narinig akong malamig na boses at sure ako na kay Reaper galing iyon.
Luminga linga ako sa paligid at ng di ko siya makita ay natakot na talaga ako. "Please wag mo akong patayin, ako nalang ang meron si Papa" sabi ko habang umiiyak na.
Ace PoV
Hala! Umiyak siya, gusto ko naman siyang maging kaibigan "Please wag mo akong patayin, ako na lang ang meron si Papa" sabi niya at mas lalong umiyak pa.
Habang nakablend parin ay tinanggal ko ang mga dagger ko at napasabi siya ng salamat pero umiiyak parin siya.
"Sige alis na ako, salamat sa pagpapakawala sa akin" sabi niya sa akin pero hindi niya ako makita kaya sinabi niya nalang ito habang naglalakad.
Lumabas na ako sa mga anino at nilapitan siya "Tigil" sabi ko perp normal na ang boses ko. Lilingon na sana siya pero niyakap ko siya ng patalikod.
Napatigil naman siya "Sorry Night dahil napaiyak kita, gusto lang naman kita maging kaibigan" sabi ko sa malambot na boses
Kinuha ko ang aking panyo at tinanggal na ang sarili ko sa pagkakayakap at hinarap siya sa akin at pinunasan ko ang mga luha niya.
"G-gusto mo ako maging kaibigan?" tanong niya sa hindi makapaniwalang boses at tinuro pa ang sarili niya.
Binalik ko ang tanong sa kanya "Gusto mo ba ako maging kaibigan?" sabi ko at hinawakan ang kanyang kamay.
Napaisip siya saglit "Diba sinaktan mo ako, bakit mo ginawa iyon kung gusto mo maging kaibigan tayo?" tanong niya sa akin at nag frown ako.
Nilapitan ko siya at hinawakan ang likod niya "Sorry Night, masakit pala iyon, kala ko yun na ang pinakamahina kong pag tapon ng dagger, sorry Night, nasugatan ka ba o nabalian, dali gagamutin kita"
"Ahh, okay lang ako, hindi naman ako nabalian" sabi niya at ngumiti sa akin, tumango naman ako pero hindi parin ako mapakali kasi baka hindi niya na ako tanggapin bilang kaibigan dahil sinaktan ko siya.
"Night, ginawa ko pala yon para mas maganda ang pag surprise sayo, pero nasaktan ka eh, sorry talaga ah" paliwanag ko sa sagot sa tanong niya kanina.
"Pinapatawad na kita okay. Okay lang naman ako" sabi niya at sumuntok suntok pa sa ere
"Pero nasurprise mo kasi ako eh. Hindi ko naman ineexpect na maging kaibigan ko ang isa sa mga pinakamalakas sa academy, habang ako mahina lang ako" sabi niya at tumingin sa baba
Itinaas ko ang ulo niya "Hindi ka naman mahina eh, malakas ka nga eh. Hindi kalang talaga trained" sabi ko sa kanya
"Pero hindi ko talaga alam kong malakas ka eh" bumaba ang mukha niya dahil sa sinabi ko
"Night" tumingin siya sa akin "Suntukin mo ito ng buong lakas" sabi ko sa kanya at tinaas ang palad ko
Sinuntok niya ito at nakaramdam ako ng konting sakit "Malakas ka naman pala eh" sabi ko pero siya ay minamasahe ang kamay niya
Hinawakan ko ang kamay niya "Pag sumusuntok ka, wag mong itaas ang middle finger mo dahil sasakit ang kamay mo, iflat mo lang ang fist mo" sabi ko at inayos ang kamay niya
At tinanong ko narin ang tanong na kanina ko pa sinabi "So, kaibigan na tayo?" Tumango naman siya "Hindi ka naman masama eh, mabait ka nga eh. Sadyang hindi ako makapaniwala na kaibigan ko na ang isa sa mga pinakamalakas na student sa academy" sabi niya at ngumiti
Ngumiti ako pabalik sa kanya at binaba ang cold facade ko dahil wala namang tumitingin sa amin at lahat ng mga presensya sa academy ay malayo sa amin.
"Ngumingiti ka?" tanong niya, naguguluhanTumawa ako at nilaro ang kanyang buhok "Sayo ko lang ipapalabas ang side ko na ganito dahil kaibigan kita" sabi ko sa kanya at ngumiti ulit.
"Pano kung may nakakita nito?" tanong niya ulit
"Nararamdaman ko ang presensya ng taong malapit sa akin, so, nung dumadaan ka pa lang sa cafeteria at umaalis dahil meron ako dito ay alam ko na, na ikaw yun" sagot ko sa kanya.
"Eh!" sigaw niya
Natawa ako "Sige na, kunin mo na ang spaghetti mo" sabi ko sa kanya at pumunta sa pinakadulo na table at binalik ang aking expresyon sa dati at tiningnan siya habang kumukuha siya ng spaghetti.
Pero ang pagkuha lang ng spaghetti ay umabot sa pagkuha ng buong pagkain niya para sa buong araw, umagahan hanggang dinner.
May naramdaman akong presensya na malapit at naging alerto ako pero hinayaan parin si Night na kumuha ng pagkain. Binabantayan ko lang siya dahil baka mapahamak siya.
Ako pa may kasalanan, ang inosente niya pa kaya para mamatay. Malay mo may mga kaibigan pa yan kaya ganun. At proprotektahan ko siya ng buong buhay ko kasi siya ang pinakaunang tao na naging kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
In A Pair Of Glasses
AléatoireAko? Hindi ako ordinaryo. Pag nakita mo ako, pipilitin mo na lang ang sarili mo na hindi ako totoo. Bakit? Dahil ako ang magiging bangungot mo.