Killing Day

30 0 0
                                    

Tumayo na ako sa aking pagkakahiga at nag inat inat ng aking katawan. Napapansin ko rin na pumipitik pitik ang buto ko dahil sa aking pag iinat.

Pagkatapos kong mag inat, mas gising na ang pakiramdam ko kaysa kanina na parang gusto ko pang humiga ulit sa kama at matulog muli. Pero ngayon magsisimula ang klase ko at ayaw kong ma markahan na late sa aking unang araw, at mas lalong hindi kong gusto ma markahan ng absent.

Sa buong buhay ko, hindi pa ako naging absent kahit sa isang klase lamang at gusto kong manatili itong ganong habang buhay.

Naligo na ako at nagbihis ng aking uniform o ang aking usual outfit na palagi kong sinusuot sa labas. As far as I know, ang alam nilang tattoo na meron ako ay ang Ace of diamonds na baraha sa aking kanang pisngi. Alam kong mukha talaga akong nerd, kaya ano kaya ang kanilang reaksyon pag nalaman nila na ako na top 1 sa arena fights at di man lang pinagpawisan sa away.

Actually para akong isang magician at nakokontrol ko rin ang emotion ko kaya ang peke kong mga ngiti magmumukhang totoo. Nalilinlang naman sila so far, kaya wala muna akong proproblemahin sa ngayon. 

Kinuha ko na lang ang bag ko at nilagay ito sa aking balikat at lumabas na ako ng aking kwarto. Pagkalabas ko ay wala namang tao, baka sobrang aga ko ata gumising kaya wala pang tao dito.

And first schedule ko ay math at nasa 2nd floor, room 15 ito kaya naglakad narin ako papunta doon.

Habang naglalakad ay may nakabangga ako at natumba siya sa semento. Aba ang tanga naman niya, di tinitingnan ng mabuti and dinadaanan niya.

Tumayo naman siya at parang takot na takot siya habang tumitingin sa akin habang namumutla. Magsasalita sana sko tungkol kung anomg nangyayari sa kanya nang inunahan niya na ako.

"Wag mo akong patayin, please. Gagawin ko ang lahat wag mo lang akong patayin, master reaper" sabi niya habang namumutla at nanginginig

"Tayo" utos ko at tumayo naman siya ng mas mabilis pa sa kurap ng mata mo, napabuntung hininga nalang ako at tumingin muli sa kanya

"Ano namang pumasok sa kokote mo na iniisip mong papatayin kita?" tanong ko sa kanya

"Uhmm, di mo alam?" tanong niya habang nilalaro ang kamay niya

"Oo syempre hindi, anong nangyayari ngayon na ginawa kang mukhang natatae, ha?" tanong ko sa kanya at parang nag dadalawang isip siya kumg sasabihin niya ba o hindi.

"Sagot!" utos ko dahil napipikon na talaga ako.

"Ahhh! Killingdaysaschoolkadaarawngmiyerkules" sabi niya at nanginginig pa, para may effects daw siguro pero naintindihan ko naman ang sinabi niya dahil gusto kong malaman ito kaya iniready ko ang tenga ko

"Okay, sige na layas bago pa kita matanggalan ng ulo!" sigaw ko dahil naiinis ako sa mga taong takot na takot sa akin. Tumakbo naman siya paalis ng sobrang bilis kaya ayun nadapa, ang tanga niya kasi.

Pero di niya yun ininda at tumayo nalang at tumakbo ulit, hayy mga taong matatakutin.

Wala naman akong pake kung killing day ngayon eh or kung anong ka chuchuhan ng school, pero wait lang nga, tingnan ko nga sa schedule kung meron ito.

Tiningnan ko ang aking schedule ay umupo nalang sa bench sa gilid. Nakita ko naman ito kaya binasa ko na lang via silent reading.

Killing day

This is traditionally did in every wednesday. In this day students are allowed to kill and the more time your outside. The more grade you'll have in our additional subject called Gam.

Naglakad nalang ako papuntang cafeteria. Aba gutom na ako eh, tsaka masarap naman ang pagkain at libre pa.

Bakit naman ako matatakot dito? Marunong naman akong lumaban eh.

Pagkadating ko sa cafeteria ay napanganga ako. Hindi ba marunong maglinis ng kalat ang mga tao dito, aba bumabaho na ang kalat nila, nilalangaw pa talaga. Nang iwan lang naman ng dobrang raming bangkay sa cafeteria.

"Ang cafeteria ay hindi morgue! Kinakainan ito di tinatapunan ng patay okay!" sigaw ko sa wala at sure naman akong maririnig nila ako kasi sobrang maingay ang pagkasigaw ko

Naglakad ako papunta sa counter at nakita ko ang papel na sinasabing self serve. Kaya kumuha ako ng pinggan at nilagyan eto ng mga pagkain. Siguro libre ang pagkain every wednesday kasi kailangan mo lang lumabas para makuha ito. Pero risky din ito, kasi baka mamatay ka.

Pagkatapos kong makuha ang pagkain ko ay pumunta na ako sa aking table na pinili at nilagay na ang pagkain ko sa taas nito at umupo sa upuan. Pinili ko ang table kasi malayo ito sa mga bangkay na masang sang ang amoy.

Kumain narin ako at habang ginagawa ko ito ay may napansin akong kakaiba. Buong isang oras na kumakain ako dito ay may nararamdaman akong tao sa paligid at nagmamasid.

Walang namang tao na pumapasok sa cafeteria at pagkatapos ng ilang minuto ay aalis nadin diya pero babalik din uli para umalis naman ulit.

Pero ngayon ay ang mas kakaiba, pumasok ang tao sa loob, at babae ito, nagtago agad diya sa gilid ng table na may mga bangkay para hindi siya makita.

Ang hindi niya alam ay alam ko na na nandun siya simula palang ng dumating siya dito.

Umupo muna ako sa upuan ko at tiningnan siya na nagtatago sa akin, na di niya magawa ng mabuti dahil kitang kita ko ang presensya niya kahit malayo ako sa kanya ng 10 meters. Ay hindi pala 10 meters , 9.7 meters pala ito.

For about 7 minutes nakadating siya sa counter at patagong kumuha ng pinaggan at pinaglalagyan ito ng pagkain. Nang makadating sa sa last table na may bangkay ay napatigil siya.

Tiningnan niya ang isang tray sa cafeteria na may laman na spaghetti at hindi niya ito makukuha, kasi makikita ko siya. Pero alam ko na nandon siya, di naman ata marunong magtago ng presensya yan eh.

Naglakad nalang siya ng patago pabalik at may natapakan siya na nakapagpanginig sa kanya dahil tumunog ito ng mabuti.

Hmm, paglalaruan ko muna siya.

In A Pair Of GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon