Heart Prologue.

233 43 2
                                    

A boy that I love is in front of me wearing his beautiful smile. Pakiramdam ko ay ako ang pinakamagandang babae sa ngayon oras na 'to. Hindi ako makapagisip ng kung ano-ano bagkos ay puro mukha niya ang nasa isip ko. Sobrang gwapo niya at wala nang makakapantay sa kanya. Labi at mata pa lang ay pamatay na.

I feel the hotness in my cheeks. Siguro ay sobrang pula na nito dahil hindi ko mapigilan ang kilig. But I need to hide it because if he knows it, he will think that I am not a conservative girl. Kailangan ay behave lang. Kahit gustong-gusto kong maglumpasay sa sahig ay hindi pwede.

"I love you." He smiled and he hold my cheeks both.

It can't be. Does he will kiss me? Hindi pa ko handa ibigay ang 'first kiss' ko kahit kanino, pero kung siya din naman ang kukuha ay hindi na ako magiinarte pa. He's here and I will take this opportunity.

"I love you too, Robert Pattinson." I said back to him.

Unti-unting nilalapit niya ang kanyang labi sa labi ko. The people is gone and turned to a beautiful garden with colorful flowers and butterflies. Parang kaming dalawa lang tao. Walang pakialaman dahil gumagawa kami ng sarili naming mundo.

It is a little bit centimeter before his lips landed to my own lips. I close my eyes because I want to feel his rossy lips. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang nasa isang karera at nagpapaunahan pumunta ng finish line. Sobrang bilis ng kalabog.

Konti na lang ay mararamdaman ko na ang labi niya. Ito na ang pinakahihintay kong pagkakataon. Sa dinami-naming lalaki sa mundo ay siya ang makakaunang makakuha ng unang halik ko. He's lucky enough. But I am much lucky because he is 'Robert Pattinson'. The super hunk and every girls dream come true.

Kriiing! Kriiing!

I am waiting to him suddenly someone's phone rang up. Binuksan ko tuloy ang mata ko at nalaman ko kung kanino ang teleponong nagriring. Sa kanya pala.

"I'm sorry." He said at medyo namula ang pisngi niya. "Let's do it again."

Tulad ng sinabi niya ay umulit kami. Hinawakan niya ang pisngi ko at ako naman ay pumikit. But his phone can't stop receiving phone calls. Tuwing binababa niya ay tumutunog ulit. Nasisira tuloy ang paghahalikan namin ni 'Robert Pattinson'. Konti na lang kasi mahahalikan ko na siya e. I want to take his phone and throw it somewhere that far to us.

Kriiing! Kriiing!

Fine. I woke up from my beautiful dream. It is not a phone but my alarm. Nakakainis na 'tong alarm na 'to ahh. 'Di na ko natutuwa sa kanya. Araw-araw na lang na ginawa ng buhay kong 'to lagi na lang siya panira. Kahit ngayon araw hindi man lang ako pinagbigyan. 'Robert Pattinson' 'yun 'noh.

Kwento ko lang naman. Last night kasi ang napanaginipan ko ay si 'Leonardo Dicaprio'. Same scene at same din ng nanira ng panaginip ko. The ever magaling na alarm clock.

I went on my bathroom to take a bath. Naghahanda na din ako sa work ko. I just graduated a few months ago and luckily I got a job. Ngayon ay 22 years old na ko. Gusto ko sana magpahinga muna ako ng kahit ilang buwan pagkatapos kong grumaduate. Pero nabuburyo ako sa bahay kaya nagtrabaho na agad ako.

"Good morning, Ma." Pagbati ko pagkatapos ko maligo at bumaba na.

"Kumain ka na d'yan, Nevvy." Si Mama.

Umupo na rin ako sa tabi ni Mama at kumain na. Kumuha ako ng konting kanin at ulam. Medyo hindi ako malakas kumain e.

"Kumusta naman trabaho mo?" Tanong ni Mama.

"Okay naman ako, Ma. Hindi din ako nahihirapan sa mga pinaggagawa ko 'dun." Sabi ko. "Mabait din mga katrabaho ko at 'yung supervisor namin."

"Nameet mo na ba 'yung President ng kompanya?" Tanong ni Mama sabay subo ng kanin.

"Hindi pa e. Ilang months na rin ako nagtatrabaho pero walang paramdam samin." Sagot ko.

"Sinasabi ko naman sa'yo na sa kompanya natin ikaw magtrabaho e. Pero ayaw mo naman." Diin ni Mama.

"Si Papa pala?" Pagiiba ko ng usapan.

"Nauna na. May aasikasuhin pa daw siya e." Si Mama.

"Ganun ba." Kinain ko na ang huling subi ng kanin. "Alis na ko, Ma." Sabay beso sa kanya.

Sa lahat ng tanong 'yun ang ayaw ko. Yes, owned a company but that is not an excuse para 'dun na ko magtrabaho. Ayoko mafeel kasi 'dun ang pagiging 'privilege'. I want everything is balance. Pantay-pantay lang ang trato. Minsan na kasi ako pumunta 'dun at grabe ang pagtrato nila sakin. They treat me like a princess. Tipong lahat ng kailangan ko binibigay nila. Ayokong maging spoiled brat na napapanood natin sa T.V na sobrang attitude. Ang sarap kasya nila tirisin.

"Here I am." I sighed. "Alohara Enterprises."

Lagi akong nagcocommute. I prefer it than using our own car. Ang mahal ng gas ngayon 'noh. Matuto tayong magtipid.

"What's with this?" Tanong ko sa sarili ko.

I see a red carpet. A very long red carpet. Not just that but some people wearing nut cracker costumes. Sobrang bago nito sa kompanya. This is not the usual thing whenever I come here. Wala din namang announcement na magkakaroon ng program or anything. At ang pagkakaalam ko malayo pa ang anniversary ng Alohara Enterprises. Pero ano 'tong nakikita ko?

"Goodmorning people. Please fall in line properly guided by our securities." Isang announcement ang umalingaw-ngaw sa buong kompanya.

Nagsilabasan ang mga tao sa kani-kanilang department. Agad din silang pumila ng ayos at sumama na rin ako. Wala talaga akong kaalam-alam sa ginagawa nila ngayon. Ang clueless ko. I am behind of plenty of tall guys. Medyo hindi ko makita ang pathway. Ganito ata ang disadvantage ng maliliit na tao.

"Ano bang meron at biglaan lahat?"

"Sino ba dadating?"

"Bakit may paganito pa?"

Mga bulung-bulongan na naririnig ko. Ganyan din kasi ang mga tanong ko sa sarili ko. Akala ko ako lang ang naguguluhan sa mga nangyayari.

"Please welcome our King."

Lahat kami ay nagtinginan sa labas pagkarinig namin sa speaker. Bumungad samin ang puting limousine at lahat kami nagulat. Ang mga nakacostume na nutcracker ay nagsimula ng tumugtog ng mga drums at iba pang wind instrument. It feels like I am at castle or inside in a fairytale.

"Ang pogi."

"Siya ba talaga 'yan?"

"Ganyan pala hitsura niya."

Some girls are gazed about the beauty of 'King'. And if you are asking me about my opinion all I can say is nothing. Hindi ko kasi makita ang hitsura niya. Tuwing titingin ako sa kaliwa may nakaharang na lalaki. Ganun din sa kanan. Ang tatangkad talaga ng mga lalaki na nasa harapan ko. Kahit magtingkayad ako ay hindi sapat.

Lumampas na siya at hindi ko man lang nakita ang mukha niya. All I see is his back. With that is I can say na senior citizen na siya. Napakabugnutin kasi maglakad. Atsaka sa awra pa lang niya at halatang matanda na. Parang laging galit at hindi na masaya sa buhay. Naiintindihan ko naman kasi nga matanda na. Dapat hindi na siya nagtatrabaho e. Nagpapahinga na lang siya sa bahay nila.

But I am still curious about his face.

-----

©Venodencee

King of Hearts (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon