perfection is opinion nothing more……
...……
ISANG batang babae nasa idad 5 ang nakita ko...kasabay ng makita ko sya ay natagpuan ko ang sarili kong sumunod ng tumakbo ito palabas ng bahay...at ganun nalang ang gulat ko ng may marinig akong putok ng baril galing sa loob ng bahay, at pagsabog ng isang bagay...
ng lingunin ko ulit ang batang babae ay nagpapalag ito sa isang mama na sa tingin ko ay pinipigalang tumakbo papunta sa loob ng bahay...
AT isa pa muling pangyayari na kasama ko ang batang yun sa idad 7 ...masayang tumatawa kasama ang isang batang lalaki na nasa idad 10,
"lukas sandili lang, hahaha " masayang takbo na batang babae at tumakbo palayo sa batang lalaki lukas..parang kilala ko sya
"ayan na ako "sabi ng batang lalaki..at mabilis na nahabol ang batang babae ..
masasayang tawanang nahinto ng may humintong kotse at bumaba ang isang matikas na lalaki na mababakas ang kapangyarihan sa tindig palang
dalidaling nagtago ang batang babae sa likod ng batang lalaki na takot na takot habang nakatingin sa lalaki..
"umuwi na tayo irish "matigas na sabi ng lalaki sabay haltak sa batang babae ..irish??!
"kuya,wag mo po siyang
sasaktan "pilit inaabot ng batang lalaki ang kamay ng batang babae..
"ayoko sumama sayo galit ako sayo, i hate you" sigaw ng batang babae habang nagpapasag sa may hawak sa kanya..hindi ko alam pero nasaktan ako ..at nahirapan
"'wag matigas ng ulo irish,"
naisakay na ng lalaki ang batang babae habang ang batang lalaki ay tumatakbong hinabol ang kotse……
NASA isang bahay ako ngayon, isang pamilyar na bahay,
"ano na naman ba ito inna sinabi ng wag mo palalabasin si irish at ayokong may nakakakilala sa kanya lalo na sa mga pulubi……bastardo nyong ampon " yun ang unang narinig ko ng pumasok ako sa bahay...
"ano bang kasalan ko, parang gusto ko lang maranasan nang anak ko na maging masaya hindi tulad ko ……- "
napaatras ako ng sampalin ng lalaki ang babaeng kausap nito
" sige ituloy mo at sasamain ka sakin " sabay kaladkad sa babae, lumingon ito sa gawi ko, susunod sana ako ng biglang tumakbo ang batang babae na nasa likod ko pala
"mama " iyak ng bata……
kasabay non ang kalabugan sa itaas ng kwarto kung saan pumasok ang dalawa
mama…… mama?!
bakit parang ……
*beepppp*
ANG malakas na ingay nayon ang narinig ko kasabay ng malakas na pagsabog at ng nakakasilaw na liwanag...isang itim na kotse ang sumalpok sa isang truck..andito ako sa gilid ng daan kung saan nakita ko na lumabas ang isang batang babae duguan, tumakbo palayo sa kotse..gusto ko sanang lumapit kaso natakot ako ng biglang may humintong van at isakay ang batang babae '
tanging iyak nalang ang narinig ko ng makaramdam ako ng sobrang pananakit ng ulo at hirap sa paghinga
ang huling naikita ko ay ang batang lalaki na nakangiti habang sinakay ang batang babae sa van..
malungkot na ngiti, at sabay din non ay luha...
lukas....
harrian...
"mama "uhaw na salita ang unang nabigkas ko at ng idilat ko ang mga mata ko isang hindi pamilyar na mga pigura ang naaninag ko..asan ako?
-------XX ------
medyo intense...
read
vote
comment
----XX-----
¶romaitalia¶