Before anything else, thank you for checking out my story at sana magustuhan mo! I made this one from the deepest of my heart kaya sana magustuhan mo at suportahan mo ang first ever story ko sa Wattpad. Vote and comment if I deserve one. Thank you and enjoy reading. :)
Prologue:)
“Babe please... Don’t break up with me... I can’t be the same without you babe... Please?” a very beautiful girl said desperately while crying, or should I say weeping?
Tsk tsk. Sayang siya. Sinasayang niya lamang ang ganda niya para sa isang lalaki who doesn’t even deserve any inch of love from her. Kulang na lamang ay maglupasay siya sa hallway para hindi siya hiwalayan ng boyfriend niyang si Stefan.
Si Stefan naman ay parang walang naririnig at nagpatuloy lamang sa paglalakad papunta sa mga kaibigan niya habang ang kawawa niyang girlfrie- I mean ex-girlfriend ay parang aso na nakakapit sa braso niya at hinahabol siya na parang tanga. She’s so pathetic. Really pathetic. It’s seven o’clock in the morning, oras ng pasukan ng mga students bago magsimula ang class mamayang seven thirty 'tapos ganito ang eksena ni pretty girl. Tsk tsk. Nakakaumay.
Mali naman kasi siya ng minahal. It’s Stefan, one of the most popular boys here in Parkson University, what to expect right? At ang mga katulad niyang gwapo, masyadong makamandag, they are like snakes who will bite your neck while they are facing your back. Gwapo nga, pero player and womanizer naman, hindi na dapat pangarapin na mapasaiyo kasi masasaktan ka lamang. Pang-ilan na ba iyong babae sa collection niya? Twenty-sixth? Twenty-seventh? Why do I even care anyway? Hindi ko naman siya type. *flip hair*
Inalis ko na ang paningin ko sa babaeng iyon at kay Stefan. Masyado kasing masakit sa mata, kailangan ko ng magandang view.
Nakatayo lamang ako dito sa malayo, specifically dito sa fountain area ng university malapit sa main gate. Dito, kung saan kitang-kita ko ang magandang view na sinasabi ko. Dito, kung saan ko nakikita araw-araw ang taong gustong-gusto ko sa usual tambayan nilang magkakaibigan-- sa gazebo na ilang meters ang layo mula rito sa fountain area. Napangiti na lamang ako dahil busog na busog ang mata ko habang nakatutok sa tumatawang si Vash. It’s so good to see. Really good.
Medyo hindi nakakatuwa na hindi lamang ako ang masaya sa view kung hindi halos lahat ng kababaihan dito sa Parkson University na kung makatingin kay Vash at sa mga kaibigan niya ay wagas. Mabuti na lamang at hindi sila katulad ng ibang mga babae sa mga nababasa ko na kung makatili ay kasing wagas kung paano sila makatingin. Tumitili na lamang siguro sila sa isip nila para hindi halata. Siguro’y katulad ko ay sapat na rin sa kanila ang malaya at libreng pagtingin sa magandang view.
Okay na ako sa ganito, tinatanaw ang aking pag-ibig mula sa malayo. It’s the safest way that I know para hindi ako matulad sa pathetic girl kanina. Masaya na akong pasilay-silay na lamang kay Vash my love so sweet. *blush*
Isa si Vash Eriz Alcantara sa 'Heartthrobs of Parkson’ o mas kilala sa acronym na ‘HP’ na binubuo niya at ng mga kaibigan niya including Stefan. Yes, the jerk who broke up with the pretty yet pathetic girl earlier. They are seven in their group at lahat sila ay drop dead gorgeously handsome and super sizzling hot. With their perfect face, perfect body built and animal sex appeal, no one dares to resist them, not even myself. Sanay na ako sa mga gwapong mukha because my brother is in the industry of perfect faces and body, pero itong pito na ito ay iba talaga. I can’t describe them. Hindi ako makaisip ng isang salita na makakapag-describe sa kanila ng makatarungan.
BINABASA MO ANG
HMCYPCMH (ON HOLD)
Teen FictionAkala ko, ang pinakamasakit sa lahat ay kapag nahulog ang puso mo para sa isang tao at hindi niya sinalo, pero mas masakit pala kapag sinalo nga niya pero binitawan din agad dahil may sasaluhin siyang iba. </3