Jeddah’s Point of View
“Jed, okay lamang iyan, hindi pa naman siguro niya girlfriend iyong kasama niyang babae. At saka isa pa, look at her, kahawig niya ang kuko mo sa paa.” Jez said while pointing her finger sa babaeng kasama ni Vash.
Well, she’s right, mukhang kamukha nga ng kuko ko sa paa iyong babae. Hindi naman sa pagmamayabang or something, pero ako at ang bestfriend ko ay magandang halimbawa ng mga taong tinatawag na ‘straightforward’. We are telling things that are true frankly. But of course, we choose the words that will not give them too much pain, depende rin naman sa tao, kung masama siya, then we are too. Kung mabait naman iyong tao, hindi na kailangan pagsalitaan ng hindi maganda right?
“Paano mo naman nasabing hindi niya girlfriend, tingnan mo naman kung paano makakapit sa braso ni Vash.” komento ko naman habang masamang nakatingin sa babae.
“Bakit Jed? Ano namang kataka-taka doon? Bukod sa kahawig niya ang kuko mo sa paa, mukha rin siyang tuko.” Jez said boringly, “Kaya huwag ka na magtaka kung bakit ganiyan makakapit si gecko girl okay? And Jed, just think of it, may nabalitaan ka na bang may dine-date si Vash? There’s none right? Alam mo naman ang mga estudyante dito, basta tungkol sa HP masyadong alerto.” she added while blowing her newly manicured nails.
Hindi ko mapigilang mapangiti. She’s really my bestfriend. Iyan ang gusto ko kay Jez, she knows how to lighten my mood. *smirk*
“Satisfied naman ako sa explanation mo kaya maniniwala na ako na hindi niya girlfriend si gecko girl.” I said still smirking, “Pero nakakainis Jez, hindi ko matanggap na ang isang katulad niyang kuko slash tuko ang makakahawak ng ganiyan kay Vash. I’m dying to hold him like that pero hindi ko magawa kasi may kahihiyan pa naman ako sa katawan. Alam kong alam mo na iyong isa pang dahilan na ayaw kong mapalapit sa kanya dahil takot akong masaktan.” dagdag ko pa.
“Speaking of ‘I’m dying to hold him like that’ thing, bakit hindi Jed?” she asked me while jiggling her eyebrows, “Ang kinatatakutan mo lamang naman ay ang mapalapit sa kanya ng husto pero hindi ka naman natatakot lumapit sa kanya kahit sandali lamang hindi ba?” she added while smiling like there’s no tomorrow.
“What do you want me to do?” bored kong tanong sa kanya.
“Hold him like the gecko girl is doing and confess your feelings to him, in that way, may experience ka na, may chance ka pa na mapansin niya.” she said na para bang iyon na ang pinakamagandang idea sa balat ng lupa, “Don’t tell me you’re a scared cat afraid to do ‘that’ thing. Hay naku Jed, dito mo ilabas ang tapang mo. I’m challenging you okay. You don’t need to wait for his answer, all you need to do is to tell him how you feel.” she added with a genuine smile on her face.
“A-Ano namang sasabihin ko sa kanya? You know me Jez, I never refuse to do your challenges. Make a script for me and I’ll do your challenge later at lunch.” I said smirking. Anong akala niya sa akin? Hindi kakagat sa challenge niya? Ito ang sinasabi kong bonding namin ng bestfriend ko-- challenges. *smirk*
“Good. Okay, stay put and I’ll do your script now.” sabi niya sa akin habang kumukuha ng papel at ballpen sa pink niyang bag.
While Jez is writing, inabala ko muna ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa paligid. Hindi ko na makita si Vash, baka pumunta na sa tambayan nilang HP, ang aga aga naman kasing dumikit niyong gecko girl na iyon *roll eyes*, as if naman bagay sila ni Vash. Well bagay naman pala sila, si Vash ang amo at siya ang alalay.
BINABASA MO ANG
HMCYPCMH (ON HOLD)
Teen FictionAkala ko, ang pinakamasakit sa lahat ay kapag nahulog ang puso mo para sa isang tao at hindi niya sinalo, pero mas masakit pala kapag sinalo nga niya pero binitawan din agad dahil may sasaluhin siyang iba. </3