Jeddah’s Point of View
“Ibibili na lamang kita ng bago, hindi mo na kailangan pang gawain ang bagay na iyan, kayang-kaya kitang bilhan ng kahit ilang ice cream cake ang gustuhin mo at kahit pa lahat ng bagay na gusto moibibigay ko, sabihin mo lamang at gagawain ko.” Vash declared while looking straightly to my eyes.
Nag-iwas na ako ng tingin dahil baka hindi ko kayanin at bigla na lamang bumigay ang resistance ng puso ko para tanggihan pa si Vash. “V-Vash...” wala na akong ibang masabi dahil sa pagkalabog ng dibdib ko.
Ang buong HP at pati na rin si Jez ay nasa amin na ang atensyon. “Jeddah, I know it’s not the right time to tell you this but... But... I like you Jeddah. I really like you that my heart aches every time I see you.” he confessed before he held my hand and kissed the back of it. “Jeddah, please let me take care of you. Pwede ba akong manligaw?” he asked.
I’m not prepared for this. The plan is to turn him off and not to draw him closer to me. Hindi ako nagsalita at tanging pagyuko na lamang ang nagawa ko. Ano na? Hindi ko na yata alam ang gagawain.
Ano ba talaga ang problema kung sakaling sumagot ako ng oo? Syempre marami and I don’t want to risk anything. Duwag na kung duwag but I really can’t manage kung may mawawala sa akin. Unang-una, si Eriz, paano kung naghihintayan lamang pala kaming dalawa hindi ba? I promised him and promises should be fulfilled. Second is my observation na ang mga ganitong relasyon ay hindi nagatatagal. Siguro kung magtatagal man ay nauuwi rin sa hiwalayan. The third one is Vash, hindi ko alam kung ano ang totoong nararamdaman niya para sa akin, baka mamaya ay bumigay ako sa kanya tapos hindi naman pala totoo ang nararamdaman niya kaya sa huli ay ako lamang ang masasaktan. Can someone help me? Please?
Someone at my back clears his throat. “What’s happening?” Blas asked with his cold tone habang nakakunot ang noo. “Psh... Let’s resume our snack. Staring with each other eh?” he said then went back to his seat and started to eat again.
Nagsibalikan naman ang lahat sa kanilang mga pagkain habang ako ay nanatili pa ring nakayuko dahil ramdam na ramdam ko pa rin ang titig sa akin ni Vash. Umalis siya sa kanyang upuan at pumunta sa counter. Teka. Ano na ba? Pinaglaruan ko na lamang ulit ang tissue sa table dahil wala akong magawa. Ang mga magagandang katulad ko ay naglalaro ng tissue kapag walang ginagawa *flip hair*. Aish! Of course ano pa nga bang gagawain ko eh wala naman akong pagkain.
“Jed, you like this? Share na lamang tayo.” alok sa akin ni Jez habang inaabot sa akin ang kanyang lasagna at fries. Her eyes are full of concern, alam na alam niya talaga ang ugali ko. Kapag naiipit ako sa isang sitwasyon ay napapayuko na lamang ako at alam kong nararamdaman iyon ni Jez.
“No need Jez.” I smiled at her at alam kong naiintindihan niya ako.
Seconds passed at bumalik na ulit si Vash sa upuan niya which happens to be beside me. “Here.” abot niya sa isa na namang ice cream cake na may smiley face kaya napangiti na rin ako. Tumingala ako para makita ko si Vash at nakita ko namang nakangiti rin siya kaya nakahinga na ako ng maluwag. Alam kong malaki ang ego ng mga lalaki at ang hindi ko pagsagot sa tanong niya kanina ay isang indirect refusal at alam kong masakit iyon sa ego. Actually I’m expecting him to be cold towards me or something pero here he is, still smiling like nothing happened earlier.
BINABASA MO ANG
HMCYPCMH (ON HOLD)
Teen FictionAkala ko, ang pinakamasakit sa lahat ay kapag nahulog ang puso mo para sa isang tao at hindi niya sinalo, pero mas masakit pala kapag sinalo nga niya pero binitawan din agad dahil may sasaluhin siyang iba. </3