Jeddah’s Point of View
“Hey mister, can you please catch my heart?”
Sure naman ako na malinaw niyang narinig ang sinabi ko kaya hinanda ko na ang sarili ko para tumakbo. Ito lamang naman ang sinabi ni Jez hindi ba? After nito ay tatakbo na ako.
I opened my eyes and saw his back slowly turning. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Sobrang lakas na halos wala na akong ibang marinig kung hindi ito lamang. Wala na akong pakialam sa iba pang mga tao na nakikiusyoso dito sa washroom area, they need to mind their own business. Tatalikod na sana ako ng biglang may humawak sa braso ko na naging sanhi ng lalong paglakas ng kalabog ng dibdib ko. Parang hindi na rin ako makahinga. The moment his skin touched mine, I felt billions of sparks flowing through my veins. Unti-unti niya akong inikot para mapaharap ako sa kanya.
Is this really happening to me?
I closed my eyes firmly. Matapang ako sa harap ng iba, pero pagdating kay Vash... Iba na...
“Miss, what the heck are you saying?” he said coldly.
Wait. Coldly?
I opened my eyes to close it back again. The moment that I open my eyes, it make contact with his gaze. Our eyes met that made my heart beat louder. This is not happening to me. Sa malamig niyang mata ay kilalang kilala ko siya. How come na si Blas ang nasa harapan ko ngayon? Again, this is not suppose to happen right? Wala ito sa plano. But what the heck is this?
“Jed! Nariyan ka lamang naman pala, kung saan saan na kita hinanap. Ikaw talaga.” Jez said while half smiling, natatawa na siya sa kapalpakan ko, “Uhm... Hi there Blas! Sorry dito sa bestfriend ko ha. Pfft, akala niya kasi ikaw si Vash, alam mo na, identical twins kayo. Pasensya na.” she added.
Hinila na ako ng bestfriend ko patungo sa table na inookupahan namin sa cafeteria. Hanggang ngayon ay dinig na dinig ko pa rin ang malakas na pagtibok ng puso ko, damang-dama ko rin ang namamawis kong kamay. Epic failure ang challenge. First time in history.
“Thanks Jez, hindi ko alam ang gagawain ko kung hindi ka pa dumating. That will be the end of me.” I said then glared at her, “Pero kung tatawanan mo lamang ako tulad niyang ginagawa mo ngayon, binabawi ko na ang thank you ko.” I added before I rolled my eyes and took a sip of her drink.
“Napakaepic ng hitsura mo doon Jed, promise. Pfft.” pigil-tawa niyang sabi, “First time itong nangyari sa iyo, that only means, you suck in love.” pagpapatuloy pa niya.
“Don’t worry, I’m challenging you the same Jez.” patuloy ko pa ring iniinom ang orange juice niya, “Do it, do your own script and I’ll watch you tomorrow during dismissal. Accept it?” I asked her with my famous chin up and eyebrows high look.
“Sure thing my bestfriend, I’ve been waiting for that challenge of yours.” she winked at me, “Let’s see if I suck in love too...” she turned her gaze to Alec who is busy with his friends.
Ipinagpatuloy ni Jez ang kanyang pagkain habang ako naman ay nahulog sa isang malalim na pag-iisip. How come na nagkamali ako? I’ve been watching him from afar for three years now pero bakit nagkamali ako? What are those sparks that I felt when Blas held my arm? What about the unfamiliar beating of my heart when our eyes met? Bakit hindi ko napansin na hindi pala si Vash ang tumayo kung hindi si Blas? Tsk tsk. I failed.
Ilang minuto ang lumipas ng bumalik si Blas sa table nila. Agad akong nagtakip ng libro sa mukha. Hindi niya dapat ako makita. Two tables lamang ang layo ng table nila sa table namin kaya malaki ang possibility na makita niya ako.
“Bro, someone mistaken me as you earlier in the washroom.” a cold voice said loud enough to be heard here in our place, “She asked me if I could catch her heart...” he added.
Oh no. Ano ba ang nagawa ko at ubod yata ng kamalasan ang araw na ito? Obviously, si Blas ang nagsasalita and I am so embarrass right now. Kahit hindi pa naman niya pinapangalanan ay hiyang-hiya na ako sa kinauupuan ko. This day is really something. First time ko ring makaramdam ng ganitong kahihiyan.
“Jed, don’t react okay? Just listen.” Jez said while writing something on her notebook. Marahil ay naririnig din niya ang naririnig ko.
“Really bro? Who’s that girl?” I think it’s Vash who just talked.
“I think she’s the president of the Glee.” he said, “I just saw her picture on their bulletin board earlier this morning.” he added.
Muntik na akong mapasubsob dito sa lamesa dahil sa sinabi ni Blas. He knows me? It’s really my unlucky day. Argh.
“Si Jeddah Jamaica Rivera? Siya ang president ng Glee hindi ba mga bro? Really dude? Nilapitan ka niya? I never see her in person pero according to our classmates maganda raw talaga iyon. Usap-usapan ding busted sa kanya ang lahat ng manliligaw niya. Ano bang eksakto niyang sinabi sa iyo?” someone from the HP said.
Sumilip ako mula sa pagkakatakip ko ng libro sa mukha ko at nakitang si Alec pala ang nagsalita. I don’t know na ganoon na pala ako kakilala na pati sila ay may alam na tungkol sa akin.
Naramdaman ko ang maliliit na kurot ni Jez sa kamay ko. “Haba ng hair ah.” she said na hindi ko na lamang pinansin.
“She said ‘Hey mister, can you please catch my heart?’ something like that. Psh. Let’s not talk about this anymore.” Blas answered Alec. Halata sa boses niya na naiirita na siya sa usapan nilang magkakaibigan. Tama iyan. Dapat ay iwasan na nila ang topic para makahinga na ako ng maluwag.
“Whoa dude, and you said she just mistaken you as Vash? Vash bro, if we base our insights to what Alec has said, that Jeddah Jamaica is a big catch.” someone again in thier group said..
“Actually, I know her,” Vash said. “Siya iyong babaeng palagi kong ikinukwento sa inyo na lagi kong pinagmamasdan mula sa malayo *chuckle*. Wala eh, torpe kasi ako kaya hindi ko siya malapitan.” he added, “But because of that incident that Blas just told us, I think I should make my move now.” pagpapatuloy pa niya.
Ano raw?!
BINABASA MO ANG
HMCYPCMH (ON HOLD)
Teen FictionAkala ko, ang pinakamasakit sa lahat ay kapag nahulog ang puso mo para sa isang tao at hindi niya sinalo, pero mas masakit pala kapag sinalo nga niya pero binitawan din agad dahil may sasaluhin siyang iba. </3