Jeddah’s Point of View
“Kuya, can you please go away? Can’t you see? May ginagawa ako hindi ba? Tumulong ka na lang kaya? Hindi 'yong nangaasar ka pa diyan!” bulyaw ko kay kuya Jeru.
I know, weird ang names namin, sabi kasi nina mom and dad, kinuha daw nila sa mga bansa or places ang name namin ni kuya. Ako, sa bansang Jamaica and Saudi specifically sa Jeddah, si kuya naman sa Israel, particularly, sa Jerusalem, kaya iyon, naging Jeru.
Back to the topic, I was being annoyed by my older brother. It’s freaking ten PM yet he’s still here inside my room annoying the hell out of me. *roll eyes* I’m cleaning my messy room and I really need to concentrate para matapos agad at inaantok na rin ako.
“Bunso, huwag ka nang mainis, naglalambing lang naman ako sa iyo. At saka isa pa, you haven’t eat your dinner yet.” he said.
“Kuya, hindi na ako natutuwa sa ‘paglalambing’ mo. Lumabas ka na lang para matahimik na ang buhay ko. I’ll eat later okay?” I said while rolling my eyes at him.
“Okay. Alam mo bang may crush sa iyo si Louie Villarin ha bunso? Biruin mo iyon, mayroong nagkakagusto sa iyong artista. If only they knew na amazona ka. Hahahahaha. Ayieeeee! Kilig na iyan.” pang-aasar pa ni kuya. My kuya Jeru is a part-time actor and model kaya almost all of his friends are actors and actresses and models. Alam din ni kuya na may crush ako kay Louie Villarin noon kaya alam kong joke lamang niya ang mga sinasabi niya ngayon.
“Hindi ako interesado kuya, labas na nga!” sigaw ko sabay bato ng unan sa kinatatayuan niya.
Naiwasan niya ang unan at tatawa-tawang lumabas ng pinto. Dumungaw ulit siya sa pinto and smiled sweetly at me, “Okay. Okay, kumain ka mamaya bunso ah, kuya loves you so much, magagalit ako kapag hindi ka kumain. Alam kong ten PM na pero kumain ka kahit kaunti ha?” kuya said.
“Okay. I’ll eat later. Love you too kuya.” I said and smiled sweetly at my brother too.
Umalis na si kuya at naiwan akong mag-isa sa kwarto. I sighed contentedly because I can really feel the love of my big bro. Well, I love him too. So much actually.
~Can you tell me how can one miss, what she’s never have.
How can I reminisce, when there is no past.
How could I have memories of being happy with you boy?
Can someone tell me how can this be? ~
Nagulat ako sa pagtunog ng phone ko. Kumunot ang noo ko thinking who will call me at this time. Kinuha ko ito sa ibabaw ng bedside table ko at isang unregistered number ang tumatawag. I decided to answer it dahil wala namang mawawala right?
“Hello?” I said after I tapped the answer button.
[“.....”]
I waited for several seconds pero wala pa ring nagsasalita. “Hello!” I raised my voice para naman masindak kung sino man itong tumatawag. Naglilinis ako ng kwarto ko ngayon at inaantok na rin ako kaya huwag niya akong bigyan ng isang frank call dahil I’m not in the mood.
[“.....”]
“Kung hindi ka naman pala magsasalita sana hindi ka na lamang tumawag. Ibababa ko na lamang ito.” I said with irritated voice.
[“Wait!”] he said. It’s a ‘he’ kasi lalaki pala ang caller.
“Hello? Who’s this?” I asked him with my ‘masindak ka’ tone.
[I’m sorry to bother you Jeddah. It’s m-me, Vash.] he answered me.
What the heck?! It’s Vash?! Bakit? Paanong...? I heard the fast beating of my heart by just hearing his name. Taksil ka puso! Taken ka na hindi ba! Tandaan mo ang OTOTH okay?!
“Ow, it’s you. W-Why did you call?” I asked him. What’s this? Paano niya nakuha ang phone number ko? “You know, it’s already ten PM...” I said.
[Actually I just w-want to ask if you can hangout with us tomorrow? Y-You can also let your bestfriend come with u-us.”] he said with a hopeful voice.
Teka, paano ko ba matitiis kapag ganito na ang tono ni Vash? Hinawakan ko ang kwintas na ibinigay sa akin ni Eriz noon. Ipinatong ko ito sa bedside table ko kanina habang nagaayos ako ng cabinet ko. I promised to him kaya dapat lang na tuparin ko ang pangako ko. So... Anong isasagot ko?
“Uhm...” I don’t really know kung ano ang dapat kong isagot.
[Please Jeddah?] he again asked me.
“Okay.” I said sighing. Grab this opportunity to turn him off Jeddah. Oo nga’t may pagtingin ka sa kanya at napakagwapo niya pero gwapo rin naman si Eriz panigurado. Napakagwapo na niya noon pa man at gray eyes pa siya kaya hindi malabong napakagwapo pa rin niya ngayon. Sabi niya hahanapin niya ako kaya all I need to do is to wait and just do my OTOTH.
[Yes! I’ll hung up now. Goodnight Jeddah. Dream of me.] he said then he hung up.
After that phonecall ay hindi ko na naituloy pa ang paglilinis at tinitigan ko na lamang itong kwintas. Hinahaplos-haplos ko pa ang nakaukit na pangalan. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Hindi ko man aminin pero masaya ako sa pagtawag ni Vash. I sighed. “Sana matagpuan mo na ako Eriz, para naman hindi na maligaw pa ang puso ko at tumibok para sa ibang tao.”
BINABASA MO ANG
HMCYPCMH (ON HOLD)
Ficção AdolescenteAkala ko, ang pinakamasakit sa lahat ay kapag nahulog ang puso mo para sa isang tao at hindi niya sinalo, pero mas masakit pala kapag sinalo nga niya pero binitawan din agad dahil may sasaluhin siyang iba. </3