Wattpad Original
Mayroong 13 pang mga libreng parte

Chapter One

769K 8.2K 377
                                    


Dapat siguro ay nagpasama na lang siya kay Dai-dai. Kanina pa naglalakad si Anne at nagsisimula nang manakit ang binti niya. Malayo-layo na rin ang nalalakad niya mula nang magpaalam siya sa kanyang tiyuhin na lumabas para magpahangin malapit sa sapa.

But that's not her real plan.

Ang makakuha ng maaari pa niyang ilunsad sa kanyang photo exhibit ang talagang agenda niya sa pag-uwi sa probinsya at pagbabakasyon sa villa ng Tito Andy niya. Bunsong kapatid ito ng kanyang ina. Matagal na rin siya nitong kinukulit na umuwi sa probinsya. Ngayon lang niya pinaunlakan ang anyaya ng tiyuhin.

Aaminin niya, namiss din niya ang dating bayan. Mula nang tumuntong siya sa legal na edad, nagpalipat-lipat na siya ng tirahan. She was living the life of an independent woman.

Matagal nang namayapa ang kanyang ina. Ang kanyang tiyuhin na ang tumayong guardian niya. Ngunit hindi iyon dahilan para manatili siya sa San Juan. Umalis siya roon at pinagpatuloy ang pag-aaral ng high school sa Maynila. Ito ang nagsustento sa lahat ng pangangailangan niya hanggang sa makatapos siya sa isang kilalang unibersidad. Kaya malaki ang utang na loob niya sa kanyang Tito Andy. Kung hindi dahil dito, hindi niya alam kung nasaan na siya ngayon.

She was really devastated at her mother's death. Hindi madali ang pinagdaanan nito. Kaya mas lalong hindi naging madali ang naging buhay niya pagkatapos no'n. Saksi siya lahat ng naging paghihirap nito. She could still remember everything. Mula sa itsura nito habang walang buhay na nakahiga sa kama, ang dugong tumutulo mula sa pulso nito. Isang imahe ng bangungot iyon para sa kanya.

Saglit siyang tumigil sa ilalim ng puno ng mangga. Hingal na hingal siya. Ano ba kasi ang pumasok sa isip niya para lumakwatsang mag-isa? Feel ba niyang si Dora siya? Dapat isinama na niya si Dai-dai o kaya sinabi na niya sa tiyuhin ang balak. Sigurado namang sasamahan siya nito. But no, gusto niya rin talagang mag-isa.

Itinakas pa niya ang pick up nito. Malayo rin puntahan ang Alegre. Ilang kilometro ang layo noon mula sa villa ng tiyuhin niya. Pagkatapos ay may lalakarin pa dahil hindi kayang pasukin ng sasakyan dahil matarik ang lugar na 'yon.

Pero hindi niya naisip na hindi rin magandang ideyang magpunta roon nang mag-isa. Dapat nga yata ay nagsama siya ng kasama. Bilang babae, hindi rin ligtas na mag-isa siya. Paano kung may makasalubong siya at pagtangkaan siya nang masama?

Well... Hindi naman siya nagbaon ng pepper spray kung 'di iyon sumagi sa isip niya. And besides, nag-aral din siya para protektahan ang sarili niya. Hindi siya hinayaan ng tito niyang manirahan mag-isa sa Maynila kung wala siyang kaalam-alam kung paano protektahan ang sarili sa panganib.

And with her profession, nakasanayan na rin niya ang magtravel mag-isa. She loves adventures. Alam niya ang ginagawa niya. Isa pa, hindi na rin naman sa kanya bago ang lugar na pupuntahan niya. Madalas siya roon noong bata siya. And she missed that place so much.

Ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Humampas ang mabining hangin sa pisngi niya. Dumampi ang amoy ng dalampasigan sa kanyang ilong. Napapikit siya at napangiti.

Binilisan niya pa ang hakbang. Minutes later, tumambad na sa kanyang paningin ang kulay asul na karagatan. Nagniningning ang katubigan sa ilalim ng mainit na araw. Marahang humahampas ang alon sa pormadong mga bato.

Iginala ni Anne ang tingin sa paligid. Marami na ang nagbago sa mundo, pero ang lugar na 'to...

Tila kahapon lang nang huli niyang bisitahin iyon. Akala niya, pagkatapos ng ilang taon ay madedevelop na 'yon. But it was a surprise na hanggang ngayon ay nananatiling hindi nagagalaw ang lugar na 'yon. Sigurado ay dahil out of service sa lugar na 'yon at masyadong mababa.

The Playboy's PunishmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon