Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte

Chapter Four

360K 6.4K 373
                                    

"TULOY pa ba tayo?" tanong niya kay Blake habang naglalakad sila palabas ng villa. Sa halip na sumagot ito, si Trent na nasa likuran lang niya ang nagsalita.

"Bakit, ayaw mo ba kaming kasama?"

Alam niyang nang-aasar lang ito. Gusto sana niya itong singhalan kung wala lang doon ang pinsan niya. Inirapan niya ito. Kahit 'di niya nakikita ang gwapong mukha nito ngayon, na-iimagine niya ang mayabang na ngisi nito.

Ang sarap burahin ng mukha! Sa totoo lang, parang gusto na niyang mag-back out. Ayaw lang niyang magtaka si Blake kung bakit.

Nang malapit na sila sa kanilang sasakyan ay biglang tumunog ang cellphone ni Blake. Tumangin ito sa kanya.

"I'll just gonna answer this," paalam nito at lumayo para sagutin ang tawag.

"Uhm, looks like this day would be so interesting for me," makahulugang sabi ni Trent. Sumipol pa ito.

Nilingon niya ito. "What do you mean?" nakataas ang kilay na sabi niya.

May pilyong ngisi na nakaguhit sa labi nito. Kanina pa niya napapansin na 'di mawala ang ngiti nito. At napansin niyang maganda ang ngiti nito. Pantay-pantay ang ngipin at mamula-mula ang labi. She would make a bet na kung titikman niya ngayon din ang mga labing iyon ay hindi siya magsisisi dahil sigurado siyang napakatamis ng labi nito. Just so perfect to be her first sweet kiss.

She shook her head. At anong kagagahan naman ang pinag-iiisip niya?

"Hindi ko lang maintindihan kung bakit parang ikaw pa 'yong galit sa ating dalawa. Hindi ka ba masaya na makita mo ulit ako?"

Nag-iwas siya ng tingin. "I don't know what you're talking about."

"Tulad ng inaasahan kong sasabihin mo."

He's really getting into her nerves. God. Hindi na rin siya nakatiis. "Look, stranger―"

"I have a name." Tumaas ang kilay nito. "And I think kilala mo naman talaga kung sino ako."

Huh? Assuming much lang. "Okay. Trent?"

"Hmm."

"Hindi ko sinasadya 'yon. It's not my intention to invade your privacy. Nagpunta lang ako to take some photos―"

"Oh, so you admit that you really want to take a picture of me? You're there to stalk me? Holy shit. I'm flattered."

Frustrated na napabuga siya. Hindi siya mahilig magmura, pero shutangina ha.

"Hindi ka rin mayabang, ano? Hindi ko nga sinasadya na makuhanan ka ng litrato. 'Di nga ako aware na ginagawa n'yong motel ang lugar na 'yon. And correction: I'm not a stalker. I'm being seriously honest when I tell you that I don't know you."

Tila hindi ito kumbinsido sa kanya. Tinitigan niya ito nang diretso sa mga mata. Nanghahamon. Walang nagsasalita sa kanila. Nagbaba lang siya ng tingin nang maramdaman niya ang paglapit sa kanila ni Blake. Salubong ang kilay nito at tila mabigat ang iniisip. Parang hindi niya gusto ang sasabihin ng pinsan.

"Damn, there's an emergency. Mukhang hindi ako makakasama sa inyo."

"Oh, what happened? Is everything okay?" nag-aalalang tanong agad niya.

"Not that I can handle." Bumuga ito at umiling. "Kailangan ko ring umalis. Sobrang importante lang n'ong dumating and I need to take care of it."

"Naiintindihan ko," sabi niya at tumango rito. "Go, if it's something important."

"I'm really sorry, Anne." Apologetic ang tono ng boses nito. "But don't worry, nandito naman si Trent para samahan ka."

W-what? Napanganga siya.

Tumingin ito kay Trent. "Dude, okay lang naman sa 'yo?" tanong nito sa kaibigan.

Namilog ang mga mata niya. Gusto niyang magprotesta pero nawalan siya ng sasabihin. Hindi ba dapat siya ang tanungin ng pinsan kung okay lang ba sa kanyang makasama ang mayabang nitong kaibigan?!

"Sure thing, dude! Alis ka na," parang tuwang-tuwa pang sabi ni Trent. Napamura siya. Nakangiting tumalikod kaagad ang pinsan at mabilis na tumakbo papunta sa kotse nito.

"W-wait! Blake, you can't leave me with this man!" Bago pa niya iyon naisatinig ay napasibad na ng pinsan ang kotse nito. "What the hell?"

"Huwag ka nang maghimutok d'yan. May importante nga raw gagawin," nang-iinis pang sabi nito.

"Then, hindi na ako sasama. I'm not interested coming with you."

"Why are you talking about coming with me? We're not having sex, babe."

"Gago!" Nag-dirty finger siya rito.

"That's rude. Saan ka pupunta?"

"Babalik na." Hindi siya makakatiis na kasama ito. Pakiramdam niya ay may binabalak itong masama sa kanya. Hindi naman sa gandang-ganda siya sa sarili niya. Pero sigurado siya, may gagawin itong against sa kanya dahil sa ginawa niya rito kahapon.

Hinagip nito ang braso niya at pinigilan siya. "What are you doing? Bitawan mo nga ako."

"Not so fast again, woman. Nagbigay ako ng salita ko kay Blake. Sasamahan kita. So you're not going back to your uncle's house. Sasama ka sa akin."

"Over my dead body!" palag niya.

"Sige, bumalik ka roon. And I will tell Andy what you did to me yesterday. Ang pagte-tresspass mo do'n at ginawang paninilip sa amin." Nanlaki ang mata ng dalaga. He's clearly blackmailing her!

Matagumpay na ngumiti ang lalaki. "Also, ang ginawa mong pagkuha ng pictures. I'm sure you still have the copies. That's enough evidence para mapatunayan kong totoo ang sinasabi ko. Madali namang makukuha sa 'yo ng tito mo 'yon. Ano?"

"Bitawan mo ako!"

"Gusto mo talagang idaan natin sa ganoon? Okay. It's on you."

"Hindi. Sasama ako nang kusa. Just don't touch me." Tumingin siya sa kamay ng lalaki. Napansin niyang malaki 'yon. "Malay ko kung saan mo muna 'yan ipinanghawak."

"Ooh. You got a dirty mind, babe." He chuckled and she throws him a dirty look.

The Playboy's PunishmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon