ALAM ni Anne na hindi rin niya maiiwasan si Trent. Makikita rin niya ito. Gagawa ng paraan ang lalaki para komprontahin siya, sigurado siya roon. Kaya hindi na niya paaabutin pa sa puntong makipagtaguan siya rito. Uunahan na niya ito.
"Anne!" May pagbababala sa tinig ng tito niya nang hingin niya rito ang number ni Trent. "Sigurado ka bang wala ka talagang inililihim sa akin?"
"Tito, pwede ba? Tigilan n'yo 'yan. Ang tanda n'yo na para maging tsismoso."
"Aba, wala ba akong karapatang mag-usisa? Ako pa rin ang tumatayong guardian mo. Baka nakakalimot ka."
She rolled her eyes. "Just give me his number. May sasabihin lang ako."
"Nagkakamabutihan na ba kayo ni Trent?" tanong nito.
Agad niyang itinanggi iyon. "Alam mong hindi ko magagawa 'yon, tito. Wala akong planong mag-entertain ng mga lalaki sa buhay ko ngayon."
"Hindi naman kita pagbabawalan kung sakaling maghanap ka na. You're already an adult. Ganyang edad nag-asawa na ang mama mo."
Nagdala ng pakla sa panlasa niya ang sinabi nito. Mali ang Tito Andy niya. Mas bata pa sa kanya nang mag-asawa ang mama niya. Her mother was just twenty-one year old when she had her. Nag-aaral pa lang ito. Ang dami pa sanang naghihintay na magagandang opportunity rito.
"You are God's gift to me, Anne."
Iyon lagi ang sinasabi sa kanya ng namayapang ina. Bumigat ang paghinga niya. Tila naramdaman ng tiyuhin ang tensyon at emosyon sa katawan niya. She raised her hand to stop him.
"I'm okay. I just need Trent's number. Don't worry. Walang problema, tito. It's nothing I can't handle."
Parang labag pa rito na ibigay sa kanya ang numero ng lalaki.
"Gusto lang kita ingatan, hija. I want you to be happy. To find the right man for you. But please, not Trent."
Napakunot-noo siya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon bigla ang tono nito.
"Malabo ang iniisip mo, tito. I'm not gonna be romantically involved with him," sabi niya pagkatapos ay mas lumalim ang kunot-noo. "And why are you saying this now? Pumayag nga kayong samahan niya akong i-tour sa Alegre, 'di ba?"
Nag-iwas ito ng tingin. She suddenly become suspicious. "Wait, don't tell me you like Trent and now you're jealous?"
Naeskandalong nanlaki ang mata ng tiyuhin. "Anita!"
Malawak na ngumisi siya. "I'm just kidding. Don't worry. I swear, kahit bilyonaryo si Trent and he's a big catch. I still value my belief in life. Men like him are still trash," she said with all the confidence she had. Pumasok na siya sa kwarto pagkatapos.
But she wished Trent is just another normal dude. 'Yong kaya lang niyang lagpasan. Kalimutan. Ignorahin. She wished she could hate him and just forget him. Hindi 'yong galit nga siya rito, pero nagagawa pa rin nitong maapektuhan siya sa sekswal na aspeto.
Wala naman itong ginagawa sa kanya na dapat niya talagang ikagalit. Dapat maging reasonable pa rin siya. She hate his flirty ways. The way his sexy smile made her heart throbbed, made her body quivered and aroused with lust. The way his green eyes shine with admiration everytime he looked at her.
Nakikita niya ang laman sa mga sulyap nito. He wanted her and that's not just an assumption. Ang pagsusuplada, pagtataray at pambabara niya ay paraan niya para harangin ang umaahong atraksyon sa pagitan nila.
Gusto niyang kainisan ang sarili. Napaligiran na siya ng mga lalaking hindi papahuli sa taglay nitong kakisigan. Pero naiiba si Trent. Hindi niya iyon maitatanggi. Naiiba ito sa lahat ng bagay.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Punishment
General FictionMen are trash--at least that's what Anne believes. But what if this photographer finds herself inexplicably attracted to an obnoxious womanizer who's only supposed to be the subject of her photo exhibit? Can she stick with her views, or will she bre...
Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte