THERE'S no doubt that she's a beauty. Probably the most beautiful face he had ever seen. Pero alam ni Trent na malabong madiskartehan niya ang pinsan ng kaibigan niya. She's a tiger in her own way. A beautiful manhater. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang galit nito sa mga lalaki. Sigurado siyang may karanasan na ito sa lalaki at nasaktan ito nang sobra kaya ganoon na lang ang tingin nito sa mga tulad niya.
He took a long, deep breath. Tumingala siya at hinayaan ang pagbuhos ng malamig na tubig sa katawan niya. Pagkahatid niya sa babae sa bahay ng tiyuhin nito, umuwi agad siya para magpalamig. And that's thirty minutes ago. Hanggang ngayon ay nasa loob pa rin siya ng banyo at patuloy na pinakakalma ang sarili.
All he could think about was her pretty face and tempting body. She's like a forbidden fruit. Pwede lang niyang tingnan pero bawal pitasin. Fuck it. She was driving him mad.
Alam niyang pinaglaruan siya nito kanina. Hindi naman siya tanga. Ang suplada nito sa kanya at parang gusto na siyang burahin sa mundo. And then, all of a sudden she was sweetly smiling and being so nice. Para siyang nakakita ng cobra sa kisame. Nahulaan na agad niya ang intensyon nito.
Malutong siyang napamura nang maalala niya kung paano nanlaki ang mata nito nang makita ang malaking ebidensya ng pagnanasa niya. Naka-boxers lang siya. And too bad, kulay puti iyon. Kaya nang mabasa iyon... Tangina. Parang nakakita ng sawa na dumistansya sa kanya ang babae at nagmamadaling magbihis ulit.
Hindi siya nahihiyang ipangalandakan iyon sa ibang babae. Pero kay Anne, hindi niya maintindihan kung bakit gusto niyang itago iyon.
Maybe because she wouldn't be impressed by him. Alam niya ang tipo nito. Hindi madaling ma-impress. She's definitely the type of woman that is so hard to please.
Lumabas siya ng banyo pagkaraan ng ilang sandali. He tried so hard not to touch himself in the shower. Tangina, ano siya? Teenager? He's already a man now. Katunayan na roon ang pagiging matagumpay niyang negosyante. At thirty, he was already one of the most successful business magnets in Asia and Europe.
That was because of his discipline and hard work. Hindi lang dahil sa minana niya ang multi-million dollar corporation ng kanyang yumaong ama.
Ivan Di Marco, his father was a successful business mogul. Sa London nakabase ang ama niya nang makilala ito ng kanyang ina. Malaki ang agwat ng edad ng dalawa. His father was already in his early fifties when he met her mother. Nagpakasal ang mga ito. But after five years of living together, nagpasyang maghiwalay. It's because his father was abusive. Hindi kinaya ng kanyang ina na tumira kasama ito. So, Elona Montejo divorced him.
Malungkot siyang napangiti nang maalala ang mga panahong bibihira lang niyang makita ang ina. Once a year lang siya kung payagan ng ama na umuwi ng Pilipinas para bumisita. Doon siya sa Batangas naglalagi kasama ng ina. Kasama lang nito ang lolo niya.
She was alone. Masakit sa kanyang iwanan ito tuwing kailangan na niyang umalis. But he had to. Dahil kailangan niya pang mag-aral, sabi nito. Siya lang ang nag-iisang anak ni Ivan Di Marco. Ang hahalili rito sa oras na siya na ang magmana ng lahat ng ari-arian nito. Kaya sinunod niya ang lahat ng gusto ng magulang para sa kinabukasan niya.
Patuloy pa rin naman ang pagpapatakbo niya sa mga naiwang negosyo ng ama niya. Lagi siyang nagtatravel sa labas ng bansa para siguraduhing nasa ayos ang lahat. Ngayon, dahil summer, nagbakasyon muna siya roon.
Hindi rin naman siya magtatagal sa villa. Sa isang araw ay luluwas na ulit siya sa Manila. Pagkatapos ay pupunta sa LA kung saan naroon ang isang branch ng negosyo niya.
Nasa bakasyon rin ang kanyang ina kasama ang asawa nito. Nasa kolehiyo na siya nang makilala nito si Bernard. Ipinakilala iyon sa kanya ng ina pagkatapos ng isang taong pagsasama ng mga ito. Ngayon, nagse-celebrate ang mga ito ng 10th anniversary bilang mag-asawa sa Barcelona.
Dinampot niya ang cellphone sa bedside table. Kahapon pa niya hinihintay ang tawag ng kanyang ina. Mukhang abala pa ito sa pamamasyal.
Nagpipindot siya sa gallery niya at napahinto nang makita ang mga nasa camera roll niya. Hindi niya alam kung ilang shot ang nakuha niya. Sinamantala niya ang mga pagkakataong hindi nakatingin ang dalaga.
Akala ba nito ay ito lang ang marunong? Ngumisi siya habang patuloy na nakatitig sa nagtataray na mukha nito sa phone niya. She has the sexiest resting bitch face he had ever seen. Kapag umaarko ang kilay nito, inaasahan na niya ang ibubuga nitong pang-iinsulto. And that only makes her more attractive.
But she's off-limits.
He shook his head. Pinindot niya ang number ni Blake. "Hey, where are you now?" tanong niya nang sagutin nito ang tawag niya. Nakarinig siya ng ungol sa kabilang linya.
"Man, you're disgusting," sabi niya rito nang sunod-sunod na ungol ng babae ang marinig niya.
"What are you saying? I'm just eating a cupcake." He said, almost moaning. And he could already picture him giving oral to a woman while talking to him.
"You're a sick, sick bastard." He chuckled. "Hey, can you give me your cousin's number? Nakalimutan kong hingin kanina."
"What? Ikaw, makakalimot? I won't buy that, Trent. Of course, I know you can't ask for her number. Sabi ni tito, galit sa lalaki 'yan. She's a manhater. Too bad. She's really pretty. I stalked her Instagram page. You wouldn't believe me. She posts sexy pics."
"Hey, man. That's your cousin!"
"I'm just admiring her. I'm not lusting over her sexy pics, you dipshit."
"Blake, mamaya mo na 'yan kausapin. Let me come na," sabat ng isang babae sa background.
"Can you sit on my face while I do that?" sabi pa ng kaibigan.
Ang lakas ng tawa niya.
"Blake, you're such a slut," sabi niya sa kaibigan. Umiiling na pinutol na niya ang koneksyon. He urgently browsed on his Instagram app and looked for her. Ang tagal bago niya nahanap ang account nito. She's not using her family name, he noticed.
Tama nga si Blake. Marami itong sexy pictures. She has a huge following because of that. Hindi niya akalaing Instagram model din pala ito. Napangisi siya. Well, fuck him. Tila mas lalong sinilaban ng pag-iinit ang katawan niya sa mga litrato nito.
He followed her right away. Habang patuloy pa rin sa pagba-browse sa Instagram page nito, pumunta siya ng kusina para maghanap ng makakain. Maya-maya ay pumasok ang notification. She uploaded a new picture.
Napamaang siya nang makita iyon at umakyat ang kulay sa mukha niya.
Bloody hell. The woman posted a photo of him!
Natigilan siya nang mabasa ang caption nito.
Well... Napangisi si Trent.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Punishment
General FictionMen are trash--at least that's what Anne believes. But what if this photographer finds herself inexplicably attracted to an obnoxious womanizer who's only supposed to be the subject of her photo exhibit? Can she stick with her views, or will she bre...
Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte