Wattpad Original
Mayroong 11 pang mga libreng parte

Chapter Three

409K 6.5K 178
                                    

TANGHALI na nang magising si Anne kinabukasan. Nang bumangon siya ay mataas na ang araw at tumatagos na sa bintana ang init niyon. Wala pa siyang planong bumangon dahil napuyat siya kaba-browse sa internet. Kausap din niya ang ilan sa mga kaibigan niya sa industriya. Talking with them makes her feel good. Lalo na sa pinagdadaanan niya ngayon.

She's a well-known photographer for years. Masasabi niyang successful na siya sa career na pinili niya. At the age of twenty-six, na-achieve na niya ang goal niya sa buhay. She just wanted to take photos and create art. And she did that for the past years. Ilang magazine na ang kumuha sa kanya para kumuha ng photos para sa covers ng mga ito. She has a huge following on Instagram and in YouTube.

Parang maayos na ang lahat. Yes, stable na siya. But she still felt that something is missing. Hanggang sa paunti-unti siyang nawalan ng interes. And she didn't know why. Nagsa-struggle siya ngayon. Ngayong palapit na ang photo exhibit niya na matagal nang nakaplano. Ayaw niyang ma-cancel pa iyon. Gusto niyang gawing dahilan iyon para maibalik 'yong interes niya sa ginagawa.

Kahit ang kaibigan niyang si Jessa ay patuloy ang pag-cheer up sa kanya. She can do it, she said.

"Dadating na mamaya ang pinsan mo. Mag-ayos ka na," sabi ng kanyang tito nang bumungad ito sa pinto ng kwarto niya.

"Talaga? Uhm, sige." Napasapo siya sa leeg.

"Bakit mukhang 'di ka excited? That's your cousin, Anne. Don't tell me..." Nahimigan niya ang pagkabahala sa tinig nito. Agad niyang pinutol iyon.

"No, no, hindi naman. May kakatapos lang akong kausapin."

But she's definitely lying. Hindi niya inaasahang kailangan niya ulit pakiharapan ang ibang kamag-anak niya lalo na sa side ng kanyang ama. Maybe because they know her. They know the story. The past.

At nitong mga nakaraang taon, matagumpay niyang naiwasan ang lahat ng nagdudugtong sa kanya sa taong ayaw na niyang makita pa. O marinig man lang kahit ang pangalan. Wala nga siyang kabali-balita rito kahit alam niyang maliit lang ang mundo nila. Ganoon siya kapursigido na 'wag nang makita pang muli ang ama.

But Blake is her cousin. Wala naman itong kinalaman sa nangyari noon. Kaya siguro, dapat maging masaya rin siya na makita ulit ito.

Habang nag-aagahan siya sa kusina, nakabukas din ang laptop niya. Hindi niya mapigilang mag-browse sa photos na nakuha niya noong nagdaang araw. Alegre is such a beautiful place. Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi iyon ang umaagaw ng atensyon niya.

It's the man in the picture. She couldn't help but stare at him. Nawala nga sa bilang niya kung ilang beses niyang pinagmasdan ang litrato nito.

She couldn't blame herself. He was so beautiful but not in a feminine way. Pinag-aralan niya ang mukha nito. He looked like the kind of guy that would be so extra sweet to a woman but at the same time, a guy who could throw you in bed and do ruthless things with you.

And that's kinda hot.

Nanginginig na napahugot siya ng hangin. Pinwersa niya ang sariling tanggalin ang titig sa gwapo nitong mukha. She didn't know if he's sexiness is legal, but one thing is for sure. Ilegal para dito ang magtanggal ng saplot. Millions of ovaries will surely explode.

Get a grip! Just turn off your laptop now!

Naninibago siya sa estrangherong pakiramdam niya ngayon. It's very different. Bago 'yon kaya dapat siyang mangamba. Matakot. Alam niyang hindi dapat siya makaramdam nang ganoon. It's because of her golden rule. Kaya umabot siya sa edad na 'yon na loveless ay dahil sa paninindigan niya sa paniniwala niya.

Men are all trash. Hindi niya mapagkakatiwalaan ang mga uri ng mga ito. Ngunit sa unang pagkakataon, nakuha ng isang estranghero ang atensyon niya. Nakakapangamba.

The Playboy's PunishmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon