Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

Chapter Six

344K 6.1K 398
                                    

"KANINA ka pa kuha nang kuha ng litrato. 'Wag ka nang mahiya sa akin. Alam ko namang ako ang gusto mong picture-an."

"Hindi ako interesado sa 'yo," nakaismid na sagot ni Anne. Lumingon siya sa lalaki. Nakasunod ito sa kanya kahit saan siya magpunta. Panay lang siya sa pagkuha ng mga litrato. She was really admiring the view but the guy is literally pestering her. He was talking nonstop! Kung ano-ano na ang tinanong nito tungkol sa kanya. Trying not to be rude, sinasagot naman niya ang mga 'yon.

"I noticed. Akala ko, may galit ka sa akin. But it looks like you really hate men to the core."

Bumuntonghininga siya. "Again, I have nothing to explain about my behavior towards men."

"Why? Did a man hurt you before? Or caught your ex-boyfriend cheating on you?"

"Did you forget the part where I told you that I'm too busy to look for a relationship?"

"Uh-oh..."

"Ibig sabihin n'on, wala talaga. Mula noon."

Gusto niyang matawa sa naging reaksyon ng lalaki. Proud niya itong nginitian. "I'm the NBSB type of girl. Hindi ako nagtitiwala sa mga lalaki. Men are just trash. So, that's the story."

"Holy shit. That's really judgmental."

Nagkibit-balikat siya. Wala siyang pakialam. No one can change her mind about her views. Siguro nga, merong mga matitino. Tulad ng Tito Andy niya. He's a decent man. Hanggang ngayon wala pa rin itong pamilya at naiintindihan niya kung bakit. Kahit ano pa man ito, tanggap niya ang tiyuhin.

"And that's really unfair. G-in-egenerelize mo ang mga lalaki. Hindi mo naman kailangang lahatin. May matitino pa ring tulad ko."

Gusto niyang masamid. "Gusto mong kape?"

"Yes, please. And hey, matino ako."

"Matino ba ang papapalit-palit ng babae?"

Bahagyang sumeryoso ang mukha nito, may dilim na dumaan doon. "How can you say that? Kakikilala mo pa lang sa akin para husgahan mo ako."

"You kept on giving me that vibes."

"What? The i-wanna-fuck-all-the-ladies vibes? That's really unfair of you." Nahimigan ni Anne ang pagkainsulto sa tinig ng lalaki.

"Convince me that you're not a manwhore, that I'm wrong about you and I will apologize right now. Luluhod pa ako sa harap mo."

"That's not the point, baby."

"Oh, siya! So, totoo ang opinyon ko sa 'yo?"

"I'm not gonna deny anything―"

"Right. Mabuti. Tapos ang usapan."

"Pero ang unfair naman na parang salot na sa lipunan ang tingin mo sa aming mga lalaki. I maybe a manwhore, pero wala akong sinasaktan sa mga 'yon."

"Sigurado ka ba? Walang umiyak sa 'yo?"

He grinned. "Siguro meron. 'Di naman 'yon maiiwasan. Masarap ako, eh."

Parang gustong umikot ng mga mata niya. "Lumalakas ang hangin. May tsunami yata."

"Ako lang 'yon," nakangising sabi nito pagkatapos ay sumeryoso. "Well, I'm just saying I'm responsible when it comes to women. Iniiwasan ko rin makasakit. Wala naman akong pinipilit sa mga babae na 'yon. Sila ang kusang lumalapit sa akin.. At sinong tatanggi kapag lumapit na ang palay sa manok?"

"Grabe ka, tingin mo ba sa aming mga babae ay palay? Ang lupit mong nilalang."

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin." Marahas itong bumuga ng hangin at itinaas ang kamay bilang pagsuko. "Fine. You won."

Lihim siyang napangiti. Hindi ito mananalo sa kanya. Tingin ba nito ay kaya siya nito?

Try again, boy.

"Mabuti pang imbes na aksayahin natin ang oras sa pagbabangayan, let's just swim," sabi nito kapagkuwan.

"Anong ginagawa mo?"

"Naghuhubad," kaswal na sagot nito at hinila pahubad ang suot nitong polo.

Lumantad sa kanya ang malapad nitong dibdib at matigas na kalamnan. His tattoos on his left shoulder suit him well. Damn it. Stop looking, bitch.

She felt her cheeks burned.

"Hindi ka ba sasama?"

"N-No, ikaw na lang." Nanginig ang boses niya. Ano na naman ba ang gustong palabasin ng lalaking 'to? May pa-hubad hubad pa.

"Come on. Ano pa ang gagawin mo? Kumuha ng pictures? Let's swim."

Bago pa niya maialis ulit ang tingin dito, hinubad na rin nito ang maong pants nito. He was just wearing his boxers. Dali-dali siyang nag-iwas ng tingin. Hindi niya maipaliwanag ang init na gumapang sa balat niya.

That's not the first time she saw a man in a pair of boxers! Hello, photographer kaya siya? Nasa industriya siya na napaliligiran ng mga nagagwapuhang modelo. Ngunit hindi siya naapektuhan nang ganito! Ang mag-init at panginigan ng tuhod. She even had to wipe her mouth to make sure she's not drooling.

Masama niyang tinitigan si Trent sa ilalim ng pilikmata niya. Parte ba ng plano nito 'yon? Ang akitin siya? Mapang-akit na ngumisi ito sa kanya. Ginagamitan siya nito ng karisma nito. And he knew it's totally working on her!

She inhaled sharply.

Hindi siya papayag na mapailalim siya sa pang-aakit nito. Kung kinakailangang sampalin niya ang sarili nang paulit-ulit, gagawin niya. Hinding-hindi siya magpapadala sa kahit anong paraan nito para maakit siya.

But on the other hand...

Hindi siya mapaglalaruan nito, kung uunahan niya ito. A cruel smile broke on her lips. The idea of seducing him caught her interest. Bakit nga hindi niya ito bigyan ng magandang laro?

"Sige na nga," sa wakas ay pagpayag niya. Napatitig ito sa kanyang mukha. There's a hint of disbelief in his face.

Akala mo ha.

Binitiwan niya ang camera niya. Napaawang ang labi ni Trent habang pinanonood siyang tanggalin ang maxi dress niya. Bumagsak sa buhangin ang saplot niya. Naiwan sa katawan niya ang panloob niya.

"What? I thought we're going to swim."

Tumikhim ito. "Yeah... T-Tara na." Tila hindi nito alam kung iiwas ng tingin sa kanya o papasadahan ang katawan niya ng mainit nitong tingin.

"Wait, I forgot something." Dahil dala niya ang maliit na bag niya, kinuha niya roon ang sunblock niya. "Okay lang naman sigurong magpalagay ako sa 'yo nito sa likod, ano? Baka masunog ang balat ko, eh."

She gave him a sweet smile. Naningkit ang mga mata nito sa kanya. Parang nakaharap sa ahas na tutuklawin ito anumang oras.

"Okay lang?"

He nodded before giving her a sexy smile that made her body quivered.

"Sure. My pleasure," he answered.

The Playboy's PunishmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon