“mama bayad po”
Papunta nanaman akong lotus mall. 7:30am na 8am ang call time dun para sa practice..well ang aga ko pa, kasi mga kaklase ko tapat na pilipino, mga bandang 9:30 na magsisipagdatingan yun for sure ahaha
Inaayos ko na ang gamit ko, medyo malayo layo pa naman ako. Grabe ang burara ko talaga, ang kalat ng loob ng bag ko as in!!!then nagulat ako ng biglang prumeno yung jeep, si manong driver wagas kung prumeno, grabe lang ha!!nalaglag tuloy yung ballpen ko sa semento, paano napadpad dun? Kasi po malapit ako sa babaan ng jeep umupo, amp ang hussle naman kung kukunin ko pa eh nakaopen yung bag ko tapos kalat kalat yung gamit.. kaso sayang kasi G-tech yun!!!waah!! pero biglang..
“Miss sa iyo ba to?”
Kaya pala wagas prumeno si Manong driver!!gwapo yung sasakay!!Maputi, makapal ang kilay, pink lips, brown ang kulay ng mata and higit sa lahat, killer smile!! KYAAAAAAAAAAAAHHH!!!! Grabe. Natutulala ako!!!
“miss, I said is this pen yours?”
“ah..eh..y-yes, t-thanks :)”
OO ngumiti ako. Nakapagproduce ng wide smile ang lips ko..nabawasan ang mga muscle sa face ko na nagagamit, inshort I felt so happy, di lang pala siya gwapo..mabait pa!!! sumakay na siya, sa tabi ko siya umupo. Natuwa ako kasi maluwag naman sa kabilang side pero talagang sa tabi ko siya umupo!!assuming lang teh?!! hahaha
Biglang..
Sumakay ako sa jeepney..
Ikaw ang nakatabi,
Di makapaniwala..
Alam ko yang kantang yan!!lagi ko yang pinapatugtog sa CP ko tuwing nasa jeep ako. Wala lang natutuwa ako kasi baka sakaling mangyari sa akin yun. As in evryday tuwing napasok ako, pinapatugtog ko yun.. pero ngayon di ako nag sasoundtrip, kasi nga po inuna ko ang pagaayos ng bag ko na parang bag ni Dora sa dami ng laman!haha..tapos biglang pag on ni Manong driver ng radio yan ang narinig ko..waah!!!nakikiayon sa akin ang tadhana..
Parang may hiwagang nadama
Ng tumama sa’yo ang aking mga mata
Di ko maiwasang tumingin sa kanya, and there he was seating beside me looking outside. Haay ang gwapo talaga, then all of a sudden, nag look back siya. Then he smiled! Oh that awesome smile!!grabe nakakatunaw. Pero ano ba to bakit nakikipagtitigan siya saakin???wah!haha muka na siguro akong engot..teka di pa pla tpos yung kanta, kinig muna ulit
At nag siksikan na
Dahil tumigil ang jeepney sa tapat ng skwela
Biglang nagkadikit
Puso ko’y biglang sumikip at natulala
Ok wala kaming nadaanang school pero nagkasiksikan parin dahil may magtotropang sumakay ng jeep. Sa dami nila napuno yung jeep at di naiwasang magkadikit mga balikat namin ni Mr.”miss is this your pen?” haha..okay,seryoso,naaayon ba sa kanta yung nangyayari ngayon, masyado lng?? Hoy author anubey, pinapakilig mo ko!!!
(A/N: ayaw mo ba o sige pababain na yang Si kuyang pogi!!)
Ui author joke lang!eto naman.. oh back to our themesong na!
Sabi nila’y walang hiwaga
Kung wala’y, anoo itong nadarama?
Ayoko nang pumara kahit saan magpunta,
Ayoko nang pumara kung ikaw ang kasama.
Ayoko nag pumara, ayoko nang pumara..
Tama, kung pwede lang wag na pumara.. ayy mali di na talaga ako papara kasi sa lotus mall naman to papunta talaga eh.
Grabe di ko na naririnig yung lyrics (hint:palusot lang ng author yan kasi alam naman niya na alam nio na yung song na yan, kung hindi pa, isearch nyo sa youtube, “jeepney lovestory” by yeng Constantino)whole ride nakatingin lang ako sa kanya. Still mezmerized. Para siyang anghel na pinateleport mula sa langit papunta saakin, este sa earth pala.. siya na ba ang sagot sa mga tanong ko kay simsimi??grabe, feeling ko kaming dalawa lang dito sa jeep, tapos papunta kami sa paraiso ni God..ayy mali kasama pala si ever exposure na si manong driver..haha
Hindi ko napansin, andito na pala ako.. 8:01am na(may butal pa talaga ah?!!)Syempre nauna akong bumaba, napatingin ako saglit kay Mr.pogi bago bumaba. Yumuko siya na parang may kinukuha sa sahig ng jeep. Ano kaya yun?puso ko ata..ahehe corny!!!mais con hielo!!haha
Tumawid na ako..haay bye bye na Mr. Pogi..sana magkita pa tayo..
SANA..
Habang natawid ako sa kahabaan ng EDSA, ayy chos, sa imus nga lang pala to haha, ewan ko ba parang may nasunod sa akin.kabado ako baka si manong driver yun, maniningil ng T.F. nya para sa exposure dito sa story.haha, pero biglang may humawak sa balikat ko..
“Miss..”
--------------