Special Chap1- LiFE..LoVE..TiME

13 0 0
                                    

Special Chapter 1- LiFE..LoVE..TiME..

"The best use of LIFE is LOVE..the best expression of LOVE is TIME and the best TIME to LOVE is now"

Ang SC po na ito ay inspired by sir pete at sir roemer, mga facilitator namin nung recollection namin, share ko lng, grabe ang sarap sa feeling guys.. nakaka overwhelmed..yung title ng special chapter na to ay ang natutunan ko sa reco namin, by the way kasama ko sa reco si Eunicehere ( one of the writters ng four corners of love)

---

Nagkagusto

Nagmahal

Nabigo

Nasaktan

Umiyak

Nabaliw

Nagseryoso

Nagmahal

At nasaktan. ULIT

Ganito ba talaga ang buhay? Lagi nalang ba na kailanga paulit ulit yung sakit? Lagi na lang ba na paulit ulit yung hirap? Sa kalagayan ko, ewan pero ganun talaga ako eh. Madali akong kiligin, madali akong mapangiti, madali akong magmahal.

Ako yung tipo ng tao na konting lambing, konting ngiti, konting ayahay, kuntento na, masaya na, nagmamahal na.

Marahil nagtataka kayo, ano bang koneksyon ko sa kwento nina Jella at Johan.. Ni hindi ko nga sila kilala eh, ni hindi ko pa sila nakakasalamuha pero konektado ako sa kanila..

Ako kasi, ang naging dahilan paano sila nagkakilala, hindi ko alam yon, pero syempre alam ng author yun.

PAANO?

Ako yung nakaupo sa harapan ng jeep na sinakyan ng dalawa nung una silang magkakilala. Ako yung nakakita kay johan na pumapara sa jeep, hindi siguro agad napansin ng driver na may napara sa kanya kaya ako na ang nagsabi, “Manong tigil, may sasakay” agad namang inapakan ng driver ang preno, muntikan pa nga akong mauntog eh, ewan ko ba pero nung nakita ko yung lalake na pumapara, pakiramdam ko may koneksyon kami, na para bang sa simpleng pagpapatigil ko kay manong, malaki na ang maitutulong ko sa kanya.

Hindi nyo pa pala ako kilala.

Ako si Shane. Simpleng simple ang pangalan ko pero kung kikilalanin nyo ako, malalaman nyong malalim akong tao.

Ako si Shane.. anak, kapatid, kaklase, kaibigan.

Ako si Shane.. normal kagaya nyo, tumatawa, umiiyak, nagsasalita, kumakain, umiibig at nasasaktan.

Ako si Shane..Ako si Shane..Ako si shane

Marahil naiisip nyo, bakit ba napaka seryoso nitong taong to? Hindi ko rin alam, pero sanay na ako, ever since..

First daughter ako, masayang masaya ako sa buhay namin, prinsesa ako kung ituring ng pamilya ko, masaya kami..sobra

NOON

Nagsimula ang dagok sa pamilya namin nung nakita ni daddy si mommy na may kahalikang ibang lalake.

7th birthday ko yun, tandang tanda ko pa nakapink ako na gown, may tiara at may hawak na wand. Gusto kong kumain ng chocolate nung mga time na yon, hinanap ko si daddy para sana magpakuha ng chocolate, pero pag akyat ko sa kwarto nila ni mommy, nakita ko rin kung anong nangyare. Sa mura kong edad noon lang ako nakakita ng ganong eksena. Ang bilis ng mga pangyayari, sinugod ni daddy yung lalake, si mommy umiiyak, sinuntok ni daddy yung lalake, yung lalake naman nageexplain kay daddy, hinila ni daddy yung lalake sa baba papunta sa sala kung saan nagkukwentuhan ang lolo ko pati ang mga kaibigan niya, pagdating nila doon, nanood lang ako sa hagdan, hindi ko naintindihan ang mga sinasabi nila, basta ang alam ko nalang sinuntok ni lolo si daddy, yung lalake naman todo makaawa sa lolo ko pero itinutulak ni lolo ang lalake kay mommy, nagulat ako ng ituro ako ni lolo, lumapit siya sa akin at sinabing

I keep On Falling by Mae (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon