"Aleena!"
Lumingon siya sa amin. Kasama ko si Irish ngayon at andito kami sa labas ng gate ng school. Napag-usapan naming umagap ng pasok dahil gusto daw nila ng chika.
They already knew about Jiro. Mga gagang 'to, ang swerte ko raw at ang gwapo ng nabingwit ko! Tinawanan ko lang sila.
"Ano umamin na ba? Ha? Ha?"
Pangungulit sa akin habang niyuyogyog pa ako ni Irish. Namula ang pisngi ko.
"Oo" maikling sagot ko.
Hindi ako sanay na nagkwe-kwento ng ganito sa kanila dahil first time ko ito!
"Yieeeeee! Si Ven lumalablayp na!" Sigaw ni Aleena
Nakalapit na pala ito sa amin ag narinig ang tanong sa akin ni Irish.
"So nag kiss na ba kayo? Hihi." Excited na tanong niya.
"Hindi 'no. OA niyo naman! Umamin tapos kiss agad?!" Napapailing na sagot ko sa kanila.
Naglakad na kami papasok at nakasalubong si Janice kasama ang mga alipores niya.
"Well, well, well. Look at this slut in front of me"
Umirap pa siya. Lumapit at bumulong sa akin.
"Mag-ingat ingat ka na"
Sinabi niya yon bago umalis.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at pumasok na sa klase. Di maka-move on kay Jiro. Self-Proclaimed girlfriend lang naman.
Nag start na ang klase namin. Malapit na daw kaming mag-duty sa Brim Hospital. Sister company siya ng University namin kaya doon kami du-duty. Syempre Brim University ito kaya Brim din ang pangalan ng hospital. Sad to say, palaging night duty daw ang schedule namin dahil may taga ibang school daw na nauna sa pagpapa-schedule.
2-10pm ang shift namin. Mga basic palang naman daw ang gagawin namin since nag demonstrate na daw kami, ready na kami na mag duty sa Hospital.
We need skills first kasi buhay ang hahawakan namin doon. Hindi basta basta ang pinasok kong course. I need to combine intelligence and skills with love dahil mag aalaga kami ng patient doon. We need to earn their trust para magsabi sila ng totoo at malaman agad namin ang dahilan.
Sabi ng prof ko, kung nag nagfo-focus na kami sa pag aaral, kailangan daw naming doblehin o kung kaya daw triplehin ang focus namin dahil sa larangang ito bawal ang magkamali. Baka sa isang iglap ay maging katapusan na ng pasyente.
Napuno naman ng kanya kanyang comment ang room namin.
"Kinakabahan na ako!"
Napangiwi ang isa kong kaklase. Kinalabit naman ako ni Irish.
"Uy, masyado ng gabi pauwi pag may duty na tayo. Paano ka?" Nag aalalang tanong niya.
"Hindi ko nga din alam, eh" nagkibit balikat ako.
Inaalala ko din yon. Bakit ba wala kaming sasakyan nina Mama. Hirap din tuloy kaming dalawa ni Megan pag papasok at uuwi galing school.
Natapos ang klase, nauna na si Irish dahil may lakad daw sila ni Dave. Ako na lang pala ang naiwan sa classroom dahil inaayos ko pa ang gamit ko.
I was looking for my phone pero hindi ko makita. Hinalungkat ko na ang bag ko pero hindi ko pa din makita.
6pm na at medyo madilim na din sa labas. Inayos ko nalang ang gamit ko at baka gabihin na naman ako ng uwi. Isinabit ko na ang bag sa balikat ko at maglalakad na sana papuntang pinto nang may makinang at malamig na bagay akong naramdaman sa leeg ko.
"Venice"
Boses pa lang alam ko na. Ang arte eh.
"Janice, ano na naman ba?" Inis na tanong ko sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakakaramdam ng takot.
"Matapang ka talaga eh no?" Sagot pa niya.
"Ano bang kasalanan ko?" Nauubos na ang pasensya ko sa kanya!
"Inagaw mo si Jiro!"
Itinulak niya ako kaya medyo nasugatan ang leeg ko. Hindi na ako nag antay pa at sumugod na sa kanya.
"Wala kang laban samin dahil kasama ko ang mga gang member ko!"
"Hindi ka ba nadadala?" Tanong ko sa kanya.
Bumalik ang tapang ko sa ganitong sitwasyon. Inagaw ko sa kanya ang swiss knife na hawak niya at pinalo palo ito sa palad ko habang naglalakad papalapit sa kanya. Napaurong naman siya. Duwag ata 'to at lima pa sila.
May sumugod na agad sa akin at agad ko naman itong sinipa gamit ang kaliwa kong paa hinawakan ang kamay nito, pinilipit ko bago ko suntukin sa mukha. Ang isa naman may dala ding balisong, yumuko ako para hindi ako matamaan saka ko siya pinatid sa paa.
Napahiga siya at napasigaw sa sakit dahil tumama ang ulo niya sa upuan na may bakal. Inikot ko ang katawan ko upang sumipa ng malakas papunta sa mukha ng kasama niya. Binalak niya akong suntukin pero hindi niya ako magawang matamaan. Sobrang bilis ng mga kilos ko at hindi nila ako magawang sabayan. Siniko ko ang leeg niya dahilan para mahimatay siya. Sabay sabay silang sumugod sa akin at dahil mabilis ako, ilang galaw ko lang ay napapainda na sila sa sakit.
Hawak ko ang swiss knife at iwinasiwas iyon sa kanila, atras naman sila ng atras. Nadaplisan ko ang balikat ng kasama niya saka ko tinuhod sa mukha.
Paglibot ng paningin ko, si Janice na lang ang natitira. Hinablot ko ang buhok niya at inilapit ang mukha sa akin. Tiningnan ko siya ng walang emosyon at binulungan.
"Wag mo akong subukan, Janice. Hindi mo ako kilala. Hindi mo alam kung paano ako tunay na magalit"
Nanginig siya sa kaba bago ko siya padabog na bitawan. Sinapa ko pa siya sa tiyan bago iwan silang lahat sa room.
Tinapos ko lang ang sinimulan nila. Gang? Tch. Duwag. Wala daw ako laban? Oo kaya nga nakabulagta sila sa sahig e. Napatawa naman ako sa pagiginh sarcastic ko.
Nakakainis ang Janice na 'yon. Timping timpi na ako sa kanya. Tinapunan ako ng juice! Tinapid! Binuhusan ng harina at ni-lock sa C.R. Kung ano anong pinag gagagawa niya sa akin kaya hindi na ako nakapagpigil ngayon!
Kunot noo akong naglalakad papunta sa sakayan nang biglang may tumamang matigas na bagay sa likod ng ulo ko.
It hurts so bad, sobrang nakakahilo at nagdoble na ang paningin ko sa paligid ko then everything went black.