Nagising ako dahil may tumatamang liwanag sa akin pero masakit pa rin ang ulo ko.
Pag tingin ko sa bintana, umaga na at sikat na ang araw. Inilibot ko ang paningin ko. Hindi pamilyar sa akin ang kwartong ito kaya napabangon ako bigla.
Napatingin sa suot ko at nakita kong iba na ang suot ko. Isang malaking T-shirt at underwear nalang ang suot ko! Oh my G! What happened last night? Shit.
Paglingon ko sa kanan, andun siya. Yung lalaki, nakaupo topless pa din at nakatingin lang sakin.
"Sorry, I don't remember what happened last night. May nangyari ba?"
Sana wala, sana wala. Paulit ulit na sambit ko sa isip ko.
"Meron" ani nya.
"WHAT?"
Hindi pwede! Hindi ko maalala! Hindi pwedeng ganun ganun nalang mawala 'yon!
"Sinukahan mo lang naman po ako kagabi, nagkalat na din sa damit mo dahil kasakay ka sa motor ko" sambit nya
Akala ko naman. Mabuti nalang, nakakapagtaka lang na kapitbahay ko siya pero andito ako sa kanila?
"Ah, sorry sa abala. Thank you, pero gusto ko sana itanong kung bakit ako andito?"
Napabuntong hininga siya, tumayo at lumapit sa akin.
"Walang sumagot sa bahay niyo. Umuwi ka na lang at baka hinahanap ka na"
Napatayo na rin ako dahil naalala kong umaga na baka nag aalala na rin sina Mama at Megan.
Napatakbo naman ako papalabas, hindi ko na naisip ang suot ko. Hindi ko pa nalalaman ang pangalan nya!
"Wait, thank you ulit?"
Nag hihintay na sabihin nya ang pangalan nya.
"Jiro" sambit nya.
"Thank you, Jiro"
Ngumiti ako at nagtakbo pababa dali daling pumasok sa bahay, tumakbo papuntang kwarto. Mabuti hindi ako napansin ni Mama. Pag nakitang ganito ang suot ko ay papagalitan ako!
Bumaba ako para mananghalian. Nakita ko naman si Mama at Megan na nasa kainan na rin.
"Oh anak, kala ko hindi ka umuwi kagabi" nagulat pang sambit nya.
"Sorry ma, nalasing po kagabi"
Nag peace sign ako sa kanya at yinakap siya bago halikan sa pisngi.
"Sus! Sweet kasi may kasalanan!"
Pambabaoy pa nitong maarteng kapatid ko. Inirapan ko siya at ambang sasapukin.
"Ma! Si ate oh"
Ang kulit kulit talaga nitong kapatid kong to. Binelatan pa ako. Isip bata ang kingina.
