Chapter 10

13 1 0
                                    

"You're up on another mission."

An image flashed on the screen and he started to give a brief and most significant information.

"You'll gonna be with Xyren" dagdag pa niya.

This time, dalawa ang target ko. Mag asawa sila at pareho silang kasali sa mga illegal businesses. They are also one of the persons behind selling organs in the black market.

Someone wants them dead dahil sumosobra na raw ito at masyado ng madaming napwepwerwisyo.

"Kailangan mong mag-ingat dito dahil madami ang tauhan nito. Hindi basta basta ang target mo" ani niya.

"Copy that, Sir."

He gave me the exact location where I can find my targets. Bago kami sumabak sa ganitong mission, pinagplaplanuhan muna namin. Hindi kami basta basta susugod lang.

Hinanda ko na ang mga armas na kakailanganin ko. Hand gun, Machine gun at kung ano ano pa.

I put my revolver on my waist. Tumingin kay Xyren at nakita kong tapos na din siya.

"Let's go" sabi ko sa kanya.

Lumakad na kami papunta sa garage nitong underground na ito. Tumambad sa amin ang iba't ibang klase ng sasakyan.

I chose Zenvo ST1. Makintab ito at rusty ang color. Sobrang ganda din nito ipangsabak sa karera. Xyren chose Kawasaki Ninja H2R. Magkaiba kami ng sasakyan dahil pag nagkataong naging dehado, mabilis kaming makakapag hiwalay.

Sumakay na ako sa sasakyan at nauna na kay Xyren. Sobrang bilis ng pagpapatakbo ko kaya nalalampasan ko na ang ibang sasakyan na nasa kalsada. Nakasunod lang sa akin si Xyren.

Tumigil ako sa isang madilim na parte at natanaw ang isang warehouse. Mula dito sa pwesto ko ay kita ko ang mga tauhan na nakapalibot sa lugar na iyon. May mga kanya kanyang hawak na armas at palinga linga sa paligid.

As usual, I am wearing an all black outfit. Tahimik akong pumasok sa lungga nila. I glanced at Xyren, itinuro ko sa kanya ang isang parte at sinabi kong mauna siya. Tumalon ako para maabot ang bakod na sementado. Inangat ang sarili at tahimik na bumagsak sa baba.

Dahan dahan kong nilapitan ang isang lalaking nagbabantay doon. Magsisindi sana ito ng sigarilyo niya ngunit sinakal ko na ito gamit ang braso ko hanggang sa mawalan siya ng hininga at dahan dahang inilapag sa lupa. Sumampa ako sa bintana na kalapit nito at pumasok ng tahimik sa loob ng warehouse.

Ilang tauhan pa ang nakalaban ko. Mas binilisan ko ang kilos ko at inilabas ang dagger na nasa pantalon ko at agad na hinagis sa paparating na tauhan. Natamaan ang braso nito ngunit inangat niya ang kaliwang kamay na may hawak na baril.

"Sino ka!"

Malakas na sigaw niya kaya na-alerto lalo ang iba pang mga tauhan. Itinutok nito ang baril sa akin. Agad naman akong nakaiwas ng magpaputok ito.

"Anong nangyayari dyan?!"

May papalapit pang isang tauhan kaya nilabas ko ang swiss knife sa tig kabila kong boots at hinagis sa dalawang tauhan na nasa harap ko.

Tumakbo ako papaalis at umakyat sa hagdan. Alam kong andoon ang mag asawang target ko.

Bago pa man ako makarating ay may nag hagis na sa akin ng isang kutsilyo at tumama ito sa pader. Namataan ko si Xyren na nakikipaglaban din sa mga tauhan na andito sa warehouse. Hinugot ko ang kutsilyo na nakatusok sa pader at hinagis pabalik sa isang tauhan. Nadaplisan ako ng baril nito sa aking braso. Napahawak ako dito ng umagos ang dugo mula sa braso ko. Sinipa ko sa mukha ang tauhan na lumapit sa akin. Siniko sa batok, pinilipit ang braso niya at nilaglag mula dito sa ikalawang palapag.

Sumabit ako sa kahoy na nasa kisame saka sinipa ang dalawang tauhan bago ako bumaba. Sinuntok ko sa mukha ng paulit ulit hanggang sa dumugo ang mukha nito. Napahiga ito sa sahig kaya inapakan ko ang dibdib niya.

"Asan ang amo mo?" malamig na tanong ko.

Nagpupumiglas siya pero masyadong malakas ang pwersa ko. Hindi siya sumagot kaya sinuntok ko na lang ulit ito. Walang kwenta.

Binitawan ko na siya at tumalikod na. Nagtuloy sa paglalakad hanggang sa makaabot sa nakasarang pintuan. Inilabas ko ang baril na nasa bewang ko. Sinipa ko ito ng malakas.

Lalaki ang nadatnan ko. Wala ang asawa nito, luminga ako sa paligid ngunit walang bakas ng asawa nito.

"Asan ang asawa mo?" Iling lang ang tinugon niya.

"Isang tanong ulit. ASAN ANG ASAWA MO?"

Nauubos na ang pasensya ko. Tinaas nito ang dalawa niyang kamay na tila sumusuko na. Unti unti itong lumuhod.

"Parang awa mo na, ako nalang. Wag ang asawa ko." Naluluhang sabi niya.

Naglakad ako papalapit sa kanya.

I pointed my gun at his temple. Paulit ulit itong nag mamakaawa sa akin pero walang awa na mababasa sa mukha ko. Walang pasabi kong kinalabit ang gatilyo kaya agad siyang bumagsak sa sahig. Lumabas na ako ng silid na iyon.

"Xyren, asan ang isa?"

"Wala dito! Hinanap ko na sa ibang kwarto pero hindi ko makita." Umiiling na sagot niya.

Kaya agad akong napatakbo sa labas. Sumakay sa sasakyan at pinaharurot iyon.

Hindi pa siguro nakakalayo ang asawa non. Nakasunod sa akin si Xyren. Biglang may nagpaulan ng bala sa gawi namin, naglabas pa ako ng isa pang baril at inilabas ang kaliwang kamay ko sa bintana para magpaputok sa kalaban. Paniguradong nasa loob ng sasakyan na 'yon ang asawa ng lalaking pinatay ko.

Pinaputukan ko ang gulong nito. Kumirot ang daplis na nasa braso ko ngunit walang wala ito sa lahat ng naranasan ko. Tinulungan ako ni Xyren magpaulan ng bala sa mga kalaban. Ilang palitan ng putok ang naganap sa labanan. Nilagyan ko ng panibagong bala ang baril na hawak ko nang maubos ang bala nito.

Pinaharurot ko pa ang sasakyan para magkatapat kami. Natamaan ako sa kaliwa kong braso at hindi ko naiwasan ito. Tinutok ko ang baril sa driver ng kotse na 'yon at sa noo niya tumama ang bala ng baril ko. Kaya tumigil ang sasakyan at nagpaikot ikot.

Itinig ko rin ang sasakyan ko at naghagis ng granada sa direksyon papunta sa sasakyan. Agad namang sumabog ito. Pinaandar ni na ulit ang sasakyan at pinaharurot ng mabilis 'yon ngunit may tauhan pala na nakasunod sa akin. Pinaulanan din ito ng bala hanggang sa mamatay ang driver nito.

Hindi ko napansin ang bangin na siya palang babagsakan ko. Sa sobrang bilis ng takbo ko, tumama muna ang sasakyan mo sa puno kaya nauntog ang ulo ko at gumulong pababa ang sasakyan bago bumagsak sa malamig na tubig.

Unti unti na rin ang nawalan ng malay at hininga.

Wrath of the Death QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon