Chapter 2

97 3 3
                                    

Bwisit na lalaking 'yon.

Wala daw siyang pakielam? Aba't! Umiinit lang ang ulo ko. Wait. Bakit ako andito sa parking lot?

Kakaisip ko sa lalaking walang modo na yon, hindi ko na naisip kung saan ako papunta at naglalakad.

Malas siya. Malas! Nagpapadyak ako sa inis. Umuwi nalang ako. Syempre commute, hindi tayo rich kid ghorl.

Pagkadating ko sa bahay, patay ang ilaw. Ni kahit isang ilaw, walang nakabukas. Gabi na ah, andito na dapat sina mama at ang kapatid ko. Gumala gala pa ko sa mall kanina dahil wala din naman ako gagawin at umabsent nga ako. Yari ako kay mama.

Binuksan ko ang pinto ng dahan dahan. Hindi naka-lock. Baka mamaya e may nakapasok na pala dito sa bahay. Pwes! Wala silang nanakawin!

"Ma? Megan? Mama!"

Tawag ko kay mama at sa kapatid ko pero walang sumagot.

Kinakabahan na ako eh! Pumunta ako sa kusina namin para kumuha ng kutsilyo pang depensa sa sarili ko kung sakali mang may ibang tao dito. Kahit di ko alam kung paano gamitin 'to. Bahala na! Bahala na si batman!

Tumingin ako sa paligid pero wala ako napansin na kakaiba. Syempre hindi sila magtatago sa mabilis mapansin diba? Right! Sa lamesa kaya? Dahan dahan akong sumilip sa ilalim ng lamesa dahil baka may tao nga roon. Pagkasalip ko, isang maputing babae na maliwanag ang nakita ko.

Napasigaw ako sa gulat, nabitawan ko ang librong binili ko pati ang kutsilyo na hawak hawak ko bago magtatakbo papunta sa sala namin.


"Maaaaa!! May multoooooo!" Sigaw ko na tila humihingi ng tulong kay mama.


Isang napakalakas na tawa ang narinig ko mula sa kusina. Ang kapatid ko! Nakahawak pa sa tiyan niya na tila sobrang saya nya napapaupo at napapahampas pa sa dingding. Kingina! Si Megan pala. Napagtripan pa ako.


"Sige maubusan ka sana ng hangin kakatawa!" Singhal ko sakanya.

Bwisit na 'to. Sobrang kaba ko may pahawak hawak pa ko ng kutsilyo!


"Kung nakita mo lang ate yung mukha mo! Pramis! Laughtrip!" Tumawa ulit siya.


"Mama! Si Megan nang t-trip na naman!"

"Nye nye nye, wala si mama ate. Nag g-grocery siya wala na tayong stock e"


Napabuntong hininga nalang ako sa kakulitan ng kapatid ko. 16 years old na siya, dalagang dalaga na e pero isip bata pa rin.

Matanda ako sakanya ng apat na taon. Grade 10 na siya. Ako naman 1st year college pa dahil isang taon daw akong nacomatose kaya natigil ang pag-aaral ko. Hindi naman sila nag k-kwento sa akin at mukhang wala rin silang balak dahil sa tuwing mag tatanong ako, iniiba nila ang usapan.

"I love you, Ate Ven!" Bungisngis pa ang bruha.

Binelatan ko nalang siya at umakyat na sa kwarto ko. Absent ako sa last subject kaya tinawagan ko si Irish.

"Venice!"

Naglakad ako papunta sa bintana habang hawak ang phone na nakalagay sa kabilang tenga ko. Gustong gusto kong ginagawa ito. Nakatanaw sa bintana kahit puro bahay din naman ang makikita.

Wrath of the Death QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon