Chapter 1

127 3 0
                                    

"If you tell the truth, you don't have to remember anything." ― Mark Twain

I was walking on the street when I saw a middle aged woman wearing a dress struggling on getting something on the ground, her other hand was on her hips while the other is trying to reach something below. My eyes moved up then saw her big bump on her tummy. Nagulat ako. Hindi ko napansin. I run fast towards her at tinulungan agad siya. Pinulot ko ang phone nya at inabot agad sakanya.

"Thank you" she said and smiled.

Her eyes reminds me of someone I know but I can't figure it out. I only smiled back. She keeps on staring at me.

I find it creepy pero hindi ko nalang pinansin. Nagpaalam na ako sakanya at sinabi ko nalang na mag ingat siya, buntis pa naman pero walang kasama? Nasaan ba ang asawa non.

I checked my wrist watch at nanlaki ang mata ko ng makitang malapit na magsimula ang first class ko!

Mabuti nalang malapit na din ang school na pinapasukan ko kaya mabilis na rin akong nakarating dito. Hingal na hingal akong humawak sa hamba ng pinto bago umupo sa upuan ko.

Too lucky, wala pa yung prof.

"Venice!"someone called me.

"Oh Irish, Ikaw pala! Bakit?"

Kuminang kinang pa ang mata niya at nakangiti pa ng malawak. Gagang 'to. Kinikilig na naman yata.

"Kasi, kami na nung crush ko!" Bumungisngis naman siya ng bongga.

Pilit akong ngumiti. I know who is her crush. Syempre kaibigan ko 'to eh. Pareho kami ng nagugustuhan pero hindi ko sinabi sa kanya. It was just a simple crush.

"Aba, kelan pa?"

Pinasaya ko ang tinig ko. For real. Masaya naman ako para sakanya.

"Kahapon lang. Wala ka kasi kahapon e! Bakit ka nga pala umabsent?"

Sumakit kasi ang ulo ko kahapon, there was an image and a scene flashing on my mind at sobrang nakakasakit ng ulo. Hindi ko alam kung bakit nagka ganoon.

"Sumakit ulo ko e, nahilo bigla" simpleng sagot ko nalang.

I don't want to complicate things. Hindi ko din naman alam ang nangyayari.

"Ms. Irie and Ms. Cuesta! Do you like to share your thoughts to class?"

Shet! Putek, andito na pala yung prof namin hindi ko napansin. Siniko ko si Irish. Kadaldalan nya kasi.

Nagsorry kami kay Sir. Daldalan daw kami ng daldalan ay hindi daw namin napapansing andito na siya. Pahiya pa, putek.

Ako si Venice Lauren Irie pronounced as "Iriye" . Normal lang ang takbo ng buhay ko. Masaya na ko sa buhay ko. Paulit ulit man, pero gusto kong makapagtapos at magtrabaho ng maayos para matulungan ko si mama at ang kapatid ko.

Wala man akong maalala sa mga nakaraan ko, sa tingin ko ay hindi na mahalaga yon. Maayos naman ang buhay ko at masaya kami nina mama.

Umusad ang oras at lunch break na. Lumabas kami ni Irish ng room at pumunta sa kabila.

"Aleena!"

Tinawag ko ang isa pa naming kaibigan. Dali dali naman itong tumayo sa upuan niya at naglakad papunta samin.

"Sabay ka ba mag lunch?" Tanong ni Irish.

"Oo, pero 30 mins lang break ko e next class na ulit! Terror pa naman si Ms. Alba! Nako, mabuti hindi niyo professor yon" ani niya.

Wrath of the Death QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon