Chapter 4

72 4 0
                                    

It's Monday already.

May pasok na ulit. Here we go again. There was a scene flashed on my mind.

I was wearing black leather jacket, black pants and a black boots holding a gun walking towards someone. I pointed my gun to his temple. Anger is visible on my face. Galit na galit ang istura ko at nagmamakaawa na 'yong lalaki na nakaluhod.

I woke up after that. Anong ibig sabihin non? Nanaginip ba ako? O is it my memories?

Pagkalabas ko sa bahay, maglalakad na sana ako nang makita ko si Jiro na lumabas ng bahay nila at pasakay na sa motor nya.

"Jiro!"

Lumingon siya sakin. Isusuot na sana nya 'yong helmet nya. Nagtaas lang siya ng kilay sa akin. Ang angas ng dating.

Dumagdag pa 'yong motor niya. The color was matte black. Mataas at parang ang gandang pang karera. It was Ducati Desmosedici D16RR NCR M16. Sobrang astig. (See multimedia above. Just imagine it as matte black)

"Sorry, pwede bang makisabay?"

Alam kong mabilis siyang magpatakbo. Aabot ako sa unang klase ko pag sakanya ako nakisabay. Tumango na lang siya at inabot sakin ang helmet nya. Tinanggap ko naman at isinuot pagkatapos ay sumakay na sa motor niya. Sinabi ko nalang kung bakit ako nakisabay at kung saan ako bababa.

"Jiro, thank you ha. Sorry na din sa abala. Bawi nalang ako sayo next time! Sorry talaga!"

Hindi siya sumagot at pinaandar nalang ang motor niya kaya nagulat ako at napayakap sa kanya!

"Chansing ka, ah?" Ngumisi siya.

Gwapong gwapo sa sarili, Jiro? Tss.

"Aba wala kang pasabi pinaandar mo agad!"

Umirap ako. Maya maya nasa kanto na kami kung saan ako bababa.

"Dito nalang ako Jiro, Salamat"

Pero hindi niya ako pinansin at dumiretso pa rin sa harapan ng gate! Shit!

"Ay pogi!"

"Yummy!"

Bulong bulungan ng mga nasa harapan ng gate. Bumaba na ako at humarap sa kanya. Tinanggal ang helmet at inabot sa kanya.

"Thank you, Ingat ka Jiro"

Inangat nya ang kamay niya at inayos ang nagulo kong buhok. Nagulat ako sa ginawa nya napatigil at napatulala sa kanya. Hindi ko namalayang nakaalis na pala siya! Shit ka Jiro! Bakit bigla bigla kang ganoon?

Nakatulala akong naglalakad papunta sa room namin.

"Ven!"

Nagtatakbong pumunta sakin si Irish. Hinampas ang braso ko.

"Ano ka ba! Bigla ka nalang nawala nung girls night out natin! Saan ka naman nag punta ha? Hindi ka man lang nag text! Kaloka ka gurl!"

Umirap pa siya at umiling iling.

"Hinatid na ko pauwi noong kakilala ko"

'Yon nalang ang nasabi ko dahil ayoko pahabain pa ang kwento. Magtatanong lang 'to ng magtatanong at saka ilang minutes nalang ay darating na rin naman ang prof namin.

"Aba! Sinong kakilala ha? Sino? Ikaw ha!"

Pangungulit niya, siniko siko pa ako.

"Secret"

Wrath of the Death QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon