Chapter Three: Maybe he's not bad after all.

105 29 4
                                    

Thank you sa pagbabasa ng Love Novice! Di ko po inakala na may magbabasa neto kahit kaunti lang. :') Sana po ipagpatuloy ninyo ang pagsuporta!

bago ang lahat, eto po ang dapat tandaan sa kwento ko.. (dialogues) Ginawa ko ito upang mapadali ang pag-iintidi at pag-imagine! :D (sana nakatulong. Hahahaha)

"word" - Dialogue

"*word*" - Action taken

"**word**" - Dialogue on phone.

~word~ - Music (if any)

Once again, thank you for reading Love Novice! :* Happy Reading!

************************************

Grabe! *pant* muntik na ako ma late sa meeting. sa layo ng pinanggalingan ko sa building A, tas punta sa Building B.. magbabayad talaga yung Vlad na yun. Natapos rin ang hingal ko bago pa mag start ang meeting.

Buong 12:30-3:30PM ang naging meeting namin. organizations and clarifications para sa darating na Foundation Day, JS Prom and of course, Graduation! May 30 minutes pang natitira bago mag-uwian.. kasabay ko ang tropa umuwi. balak ko na maghintay nalang sa Garden dahil natutuwa akong pagmasdan yung mga yellow bell at yung fountain.. noong nasa tapat nako ng locker ko, binuksan ko ito at ayun, may nalaglag na envelope.

'isang love letter mula sa isang masugid na tagahanga mo, binibining Himeko.'

ang nakasulat sa envelope.. masugid na taga hanga? Binuksan ko ang envelope at binasa ko ito..

'Mahal kong Himeko, ikaw sana'y sumipot sa munti kong hiling. ako'y iyong dalawin sa likod ng Building A. Ako'y maghihintay mula 3:00 hanggang mawala ang araw sa aking paningin.'

... Ano daw? Hmm, sa likod ng Bldg. A..

Nang nakapunta na ako sa lugar na sinabi sa sulat, may nakita akong lalaking nakatingin sa malayo, matangkad... at hindi ko kilala.. noong nilalapitan ko na sya, nakita nya na ako at tumakbo papalapit sa akin.

"Salamat sa iyong pagdating, Himeko. natutuwa ako dahil sinipot mo ako!"

"Ano pong pangalan ninyo?" 3rd year sya.. kulay violet ang necktie nya..

"Ah, ako nga pala si Mike Gamboa.. ako ay lubos na humahanga sayo, sanay mapansin mo ang aking damdamin.."

"..."

"Ako'y nakikiusap sayo, pwede ba kitang maging girlfriend? lubos akong humahanga sayo simula pa noong freshman pa ako dito."

"Ah.. eh.." Ano sasabihin ko? nakakahiya. alangan namang magsabi ako ng OO eh di ko nga maintindihan ang damdamin ko, paano pa kaya sa iba?

"Di bale na, maghihintay ako ng sagot mo. hihintayin ko kapag handa ka na. sana pag isipan mo..." Ayoko nang ganito.. ayoko makasakit ng tao.. ayoko na sila lang ang nakakaramdam ng "love" na yun. At lalong ayoko niyang malaman na siya lang ang nagmamahal..

Love NoviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon