Chapter Four: I don't want to lose you

106 31 6
                                    

Vlad's POV

~ What would I do without your smart mouth? Drawing me in, and you kicking me out. You've got my head spinning, no kidding, I can't pin you down~

Nang lumabas saglit ang teacher namin sa room, lumabas na agad ako bago sya dumating.. higid sa kaalaman ko na ako ang Class rep ng section namin.. tinetext ko si Charlotte, gusto ko syang makausap. gusto kong ayusin ang alitan namin.. ayoko sya mawala saakin..

Sa garden ako pumunta.. wala kasing guard doon sa garden at madaling umakyat sa rehas noon. nung umaakyat nako, may sumigaw..

"H-h-hoy! bawal yan!"

si Himeko.. ang Student Council President namin..

pasensya na pres, pero kailangan ko talaga makaausap si Charlotte..

tinakot ko sya, sabi ko papatayin ko sya kapag sinumbong nya ako sa mga teachers.. Pero.. mukhang natakot sya!! hahaha! pag baba ko sa rehas, napasmirk ako sa tuwa. hahah!

Sabi ko kay Charlotte na magkita kami sa mall, sa isang milk tea shop na gustong gusto namin puntahan.

bago pa ako makapunta, nakita ko na si Charlotte, nakayuko't nakaupo sa dulo. pag pasok ko, nakita nya ako, nginitian ko sya at dumeretso muna sa counter upang mag-order ng paborito nyang milk tea.

At oo nga pala..

Ako si Vlad Xylon Castillo. 16 years old at ako ang Class Representative (president sa room) ng 4-B. Sikat din ako sa school.. Di ko lang alam kung bakit di ako kilala ni pres. Ayon, lagi akong nakakarinig ng mga tilian, sigawan sa hall way pag dumadaan ako, maraming babaeng patay na patay sakin, totoo to. walang halong pagkafeeling.. medyo naiinis nga ako kasi baka magselos and mahal kong si Charlottesa mga babaeng umaaligid saakin..

At ayun, si Ciel Charlotte Castro.. 15 taong gulang. Ang babaeng nagpapatibok ng puso ko, ang para saakin, ang missing piece sa masterpiece na puso ko.. Maganda sya, Sa kagandahan nya, nabighani nya ang puso ko. Model sya sa isang magazine company dahil anak sya ng may ari.. Nag-aaral sya sa New Generation High School for Girls (NGHSG) na isang Girl School. Sa katunayan nyan, sya ang nag confess sa akin, dahil nung mga panahong yun, napakatorpe ko. buti nalang gusto rin nya ako! noong 1st year pa ako nung naging kasintahan ko sya. Pinakilala ako ng kaibigan ko sa kanya.

Kinuha ko na yung milk tea na inorder ko para sa kanya at umupo sa tabi nya..

noong una.. tahimik lang kami..

~What's going on in that beautiful mind. I'm on your magical mystery ride. And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright~

pero nagsalita ako..

"Ah.. Charlotte..." bigla naman din syang sumagot..

"Vlad.. Okay lang ako.. hindi kita iiwan. Wag ka mag-alala"

Nag-away kasi kami... Hindi alam ng Dad nya na may Boyfriend sya... all these 2 years and 4 months naming pagsasama. at ngayon. may kasunduang inaprubahan ang dad nya na ipapakasal si Charlotte sa Edad na 18. Ang sabi nya saakin ay ayaw naman nya sa lalaking pakakasalan nya at ayaw din nya magpakasal doon. Pinilit ko sya na magpapakilala ako sa Dad nya kaso ayaw nya dahil sya rin ay takot sa Dad nya..

"T-TALAGA?!" sigaw kong ganun.. yung mga staff at ibang customers nakatingin sa amin. pero hindi na mahalaga yun. basta hindi ako iiwan ni Charlotte..

"*smiles* Oo Vlad." sa sobrang tuwa ko, inakap ko sya.

~My head's under water, But I'm breathing fine, You're crazy and I'm out of my mind~

Love NoviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon