Continuation

124 10 0
                                    


Few years later :

"Pick anything you like anak." Wika ni ruru habang hawak nya ang maliit na kamay ng kanyang anak.

Napapangiti talaga sya dahil hanggang ngayon hindi parin sya makapaniwala na meron na syang anak at ngayon napapasyal nya pa.

"I want this one daddy. plith...?" A pouting raffa pleaded habang nakaka kapit sa mustard jeans ng daddy nya. At muli napangiti ang ama sa kacutan ng munti nyang anak.

"Halika nga dito..." kinuha nya ito at binuhat sa braso nya. "You don't have to make paawa na ok?" Napakunot noo ang bata sa pagtataka.

"But mommy said. If I want something use the word plith daw..." Sabi ng bata, ito rin kasi ang madalas na bilin ni kylie sa anak nya.

"I know that baby. but I'm your daddy and as your daddy obligasyon ko ibigay ang mga needs ng baby ko." paliwanag ni ruru.

"Like mommy does?" Napatango na nakangiti ang tatay at napa bilib kay kylie dahil napalaki nya ito na matalino at magalang na bata.

"Yea, like mommy does. Kaya sige na choose ka pa dyan at bibilin ko na yang car na yan." At gaya ng lagi nilang ginagawa mag ama namili ang mag-ama at nag bonding sa mall.

Mga hapon nadin nang makabalik ang mag-ama sa bahay ni kylie.

Si Kylie, wala pa ang mag-ama nya eh nandoon na sya agad sa may balcony nakaabang while drinking her favorite coffee. Nang huminto ang rover na sasakyan sa harap ng bahay nya alam nya na agad kung sino yun. kaya dalidali na syang bumaba para pag buksan ang mga ito.

"Mommy!!" Bungad ng bata sa may gate at tumakbo para sa lubungin ang kanyang nanay.

"Hi sweetheart..." Mahigpit na yakap ni kylie sa anak at halatang na miss agad nya ito kahit na ilang oras lang naman silang nagkawalay.

"Look oh, may bago kong bwoom bwoom...." Magiliw na sabi ng bata habang binibida ang mga laruang ipinamili nila ng kanyang tatay.

"Wow, that's wonderful. Mamaya titignan ni mommy yan but for now palit ka muna ng clothes mo ok?" Utos ni kylie at ganon nga ginawa ni raffa. Pagka akyat ng anak naiwan ang mga magulang sa sala.

"Upo ka. mukhang napagod ka ata eh." Offer ni kylie at hindi naman tumangi si ruru dahil totoo namang napagod sya kalalakad sa mall bitbit pa ang tabachingching na si raffa.

Merong gustong sabihin si ruru pero hindi nya magawa at hindi nya alam kung bakit, ganito sya lagi pag kaharap ang nanay ng anak nya.

"Ahmm...juice, water, or coffee? gusto mo ba ng maiinom?" Tanong ni kylie upang basagin ang nakakabinging katahimikan.

"I-ikaw bahala..." Tugon ni ruru na panay ang tingin sa carpet halatang iwas sa mga mata ng babae. Tumayo na si kylie at pumunta ng kusina para iprepare na ang inumin.

Habang ginagawa nya ang inumin ang isip ni Kylie na kay ruru parin, alam nya kasi na ilang parin ito sakanya at aminin man nya o hindi ganon din naman sya towards ruru.

Ang weird lang daw kasi ng feeling pag kaharap mo na ang ex mo.

Hala..! Gulat nya ng makita nya na kinakanaw nya na ang tasa sa harap nya. Gusto nya ngang batukan yung sarili nya dahil tulala nanaman sya.

Nakapagtataka talaga kung bakit Kape ang prinepare nya, napaka layo sa plano nyang juice buti na lang nakapag bake sya ng cookies kanina na alam nyang babagay sa unexpected kape nya.

"Coffee and cookies?" Alok ni kylie habang hawak hawak ang wooden tray. Though unsure sya kung babagay ba sa mainit na panahon ang hinanda nya.

"Perfect." Nakangiting tugon ni ruru then kinuha nya ang tray mula kay kylie at pinatong nya sa center table then naupo na sila sa sofa.

"Kamusta naman yung.....lakad nyo?" Pasimpleng tanong ni Kylie na naka upo opposite ni ruru.

"Ayos naman. We had fun actually, especially me kung saan-saan kasi ako dinadala ni raffa...." Kwento ni ruru, at di naman maiwasan ni kylie na mapangiti habang pinapakingan ang lalaki sa pagkwento. Perohong pareho kasi ito at ng anak nya kung mag express ng salita, talagang with actions pa. "....hatak dito, punta doon. but I had fun talaga..."

"Batang yun talaga oh..You must be exhausted kung ganon?"

"Konti. pero talo ang exhaustion ng enjoyment eh." Natawa talaga si Kylie dun. Hindi parin daw talaga nagbabago si ruru dahil nandon parin ang pagka-humorist nito, na talaga namang nakapag pahook sakanya.

Di nga nag tagal at tinikman na rin ni ruru ang meryenda na hinanda para sakanya.

At tila isang tsunami na biglang dumaan sa isipan nya ang pinagsamahan nila ni kylie.

Simula sa pinaka umpisa hanggang sa hapon natoh, masaya sya na nasaharapan nya na ang babaeng una nyang minahal ng tunay.

"Namiss ko toh." Blurted out ni ruru, nagsasalita pa si kylie nang sabihin nya yun kaya naman ang kanina pang nakangiting si kylie ay biglang naging seryoso sa gulat sa sinabi nya.

"Yung sweets?" Tanong ni Kylie but more like confirmation sa sarili nya kung itong pag-kain nila ang tinutukoy. When he didn't react, sya nalang uli ang nag salita. "Don't worry pababaunan kita bago ka umalis. Marami din kasi yung nagawa ko."

Ruru considered it for a moment and take another sip sa coffee nya.

"Mommy!" Tawag ng bata habang bumababa sa stairs. "Look, bilis ko mag change."

"Oo nga noh, very good naman ng anak ko." Puri ni Kylie sa anak nya, once namaka lapit ito. Umupo ang bata sa lap ng mommy nya."Are you hungry? Gusto mo kuha ka ni mommy ng cookies?"

"No. Daddy and I, ate kanina sa mall." The boy shook his head in dismissal. "Oh! I just wemember daddy bought something fow you." Then the kid look over his dad. "Didn't you dad?"

Ruru got caught up at that.

Oo may binili sya but it's suppose to be a surprise kaya medyo nagulat sya sa anak nya.

"Wala.." Sabi ni Ruru, with a nervous laugh. "Ano lang yon...ahmm. Ano kas-"

"It's ok, hindi mo na kailangan mag paliwanag." Sabi ni Kylie cutting him off, pansin nya kasi unease na ito kaya sya na ang nag salita. Sabay tingin ulit sa anak nya. "Sweetheart daddy's exhausted he needs to go, ok?"

"But I saw it, may binili sya fow you." Pag pipilit ng bata.

"Raffa." Kylie said in a warning tone. When the boy went silent, napabaling ang tingin nya sa tahimik na si Ruru. "You should go, kanina pa nag riring ang phone mo. Sa tingin ko dapat mong sagutin yan it might be important."

Kinuha ng lalaki ang telepono nya sa bulsa at tinignan na nag riring nga ito. Napakunot ang noo nya dahil hindi nya ito napansin.

"You're right. Goodbye na sa daddy raffa." Yumakap ang ama ng mahigpit sa anak, in his peripheral vision he could see the waiting face of Kylie. He was thinking kung yayakap ba sya o ano? But sa tingin nya inappropriate masyado sakanila yon, kaya he ended up sa simpleng 'tango' nalang towards sa nanay. "Una nako."

A/n: Nothing much to say, just keep reading.

A fruit of love (KyRu/Ybramihan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon