Ilang bwan nang makitira si kylie sa bahay ng bestfriend nyang si han, ay lumipat din sya dahil nga feeling nya lagi syang nakaka-istorbo sa lovelife nitong si han mas madalas na kasing sya ang kasama at inaasikaso nito, syempre nahihiya rin sya dun sa dyowa noh di naman sya abusong tao.Kaya masaya sya nang makahanap sya ng bago nyang malilipatan na condo.
Oo hindi ganun ka bongga hindi rin naman ganon ka kabog. Kumbaga sa kanya eh masasabi nya ng 'pwede na' ok na rin para sa nag-uumpisang tulad nya.
At least sa condo nya nakakasiguro syang malayo sa kanila, malayo sa bangungot ng kahapon na pinanggalingan nya. Sabeeeee!!!
Tama. Gusto nya na rin kasing maka-move on sa puso nya, mag focus sa studies nya at pagtuonan ang life nya lalo na ngayong mag-isa na lang sya.
"Sa inyo po sir?" Tanong nitong si kylie sa customer nyang kaka-pasok lang at nakatayo sa harap nya.
"Same." Tanging sagot ng lalaking customer sabay alis, napakunot noo nman si Kylie dun.
Same. Ano kaya yun? Wala naman kaming tinda nun ah. Napaisip sya habang tinitignan ang menu sa likodan nya sa bandang taas.
Ilang araw palang kasing employee tong si kylie bilang barista sa isang coffee shop, dahil nga wala na syang nakukuhang sustento mula sa tita nya simula nung maglayas sya. Kaya eto sya ngayon working/student ang peg suot-suot ang white T, black pants, and green apron with her cute green cup habang in a messybun ang hair nya.
"May same ba tayo sa menu?" Tanong nya sa kapwa nya barista doon na busing-busy sa telepono nya.
"Basta bigyan mo na lang ng kahit ano dyang masarap." Sagot nito parang ayaw mag pa-istorbo.
Dahil sa bilin ng katrabho nya, ganon nga ang ginawa nitong clueless na si kylie. Pumili na lang sya ng isa sa mga best seller nilang coffee at kumuha ng random cookies at sinerve nya na sa kanina pang lalaking nakatingin sa phone nya.
Nakita nyang ininom nito ang kape pero nagulat sya ng idura din nito agad. "What's this? Bakit sobrang tapang nitong coffee ko?" Galit na tanong nitong si ruru habang pinupunasan ng tissue ang bibig nya. "At itong cookies bakit ang tamis tamis hindi ba lagi namang choco mint inoorder ko dito bakit pa iba -iba kayo?" Dahil nga sa gumagawa na ng eksena si ruru sa loob ng shop lumapit na rin ang manager para ito na ang kumausap sa galit na customer.
"Etong barista nyo eh, kung ano-ano ang ipanapa-inom sakin. Bago ka lang dito noh?" Gusto sanang sagutin ni kylie dahil pahiyang-pahiya na sya pero pinilit nyang hindi na lang alang-alang sa trabaho nya.
"Yeah she's new here kaya I'm sorry sir, wag kayo mag-alala we'll serve you a-"
"No thanks, nasira na ang appetite ko." Galit na tugon nitong si ruru sabay kuha sa gamit nya at tuluyan ng umalis, naiwan sa eksena itong si kylie medyo nag pause pa sya dun kasi di nya maintindihan kung bakit ganun na lang maka-react yun, nag kamali lang ng order mag-aamok agad.
Brat si guro yung gagong yun.... Sabi nitong si kylie.
Nang mag close ang shop agad syang pinatawag para kusapin. Tahimik lang si Kylie na nakikinig sa mga sermon sa kanya ng manager at tanggap nya yun, dahil aminado naman sya na may pagkakamali din sya. Bilang barista trabaho nyang alamin ang gusto ng customer nila at yun ang di nya nagawa. Pano ba naman kasi mahirap ipinta yung mood nung kaninang customer.
".....kaya umayos ka, kabago-bago mo pa lang may mga ganito ka ng nagagawa." Puna ng manager tumango na lamang si Kylie para tapos na.
"Sorry talaga, kasalanan ko to eh, dapat hindi muna ako nakipag telebabad, dapat sinabi ko sa-"
"Uy, ano ka ba. Ok na nga sabi ayos lang ako wala kang kasalanan" assured nya sa katrabaho nya na mukhang guilting-guilty. "Kasalanan nung mokong nayun toh."
"Hah, ano sabi mo?"
"Wala, sabi ko una nako gabi narin kasi eh." Sagot nya sabay exit frame.
Pag uwi nya agad nag vibrate ang cellphone nya sa loob ng pocket nya, alam nya si han ito dahil kabisado nun ang oras ng end shift nya.
"Siguraduhin mong good news yang chika mo ah, ang dami ng bad sa araw ko ngayon." Sabi nya sa phone nya habang nakaipit ito sa balikat nya at tenga nag papalit na kasi sya ng pantulog nya.
"Oo ano ko ba, ako pa."
"O sige ano yun." Inspeaker phone nya para marinig nya parin habang hinuhubad nya ang uniform nya at pinalitan ng oversize shirt.
"May papa-date ako sayo." Sabi ni han nang marinig nya toh agad nyang pinatay ang phone at humiga sa kama nya. Ayaw nya muna kasing pumag-ibig habang may kirot pa.
Muling nag ring ang phone nya di nya parin pinansin dahil ayaw nyang pag-usapan na, pero mukhang never say never itong si han sa pag tawag sa kanya kaya sya na ang gumive up at sinagot na rin. "Sinabi ng ayoko diba kilala moko. Pag sinabi kong ayaw ayaw ko."
"Ay taray, bakit ba bakit ba beast mode ka ngayon?" Tanong ni han.
"Eh bad trip kasi yung isang gagung customer dun sa shop kanina, oorder ng hindi specific tapos pag nagkamili ka magwawala at magi-skandalo. Yan tuloy bad shot ako sa boss ko." Inis na kwento ni kylie habang nakadapa sa kama. "Gago talaga kasi yun eh, kala mo sinong gwapo mukha namanng tambay sa kanto ng riles." Natatawa na lang si han sa mga kwento ng bestfriend nya.
"Nakakaloka nga yun, oh maiba naman tayo mayipapakilala ako sayo." Muling binalik ni han ang topic nya kanina.
"Ang kulit mo naman bhe eh, ayoko na nga sabi tapos nako sa mga ganyan-ganyan."
"Huy grabe ka, ang tagal mo naman mag move on it's been three months, and worst hindi naman kayo kaya anong ganap mo dyan. Alam mo kaya laging mainit ang ulo mo eh, walang nag papasaya sayo wala kang inspiration in short 'wala kang kaibigan' " paliwanag ni han habang tahimik lang si Kylie sa kanilang linya.
"Ah basta han, ayoko parin."
"Sige pero ikaw ang bahala. Ikaw din magiging bitter ka nyan. Forever!" Sagot ni han at inilayo ni Kylie ang phone nya sa tenga dahil pasigaw pa ang huling word ni tong si han.
"Desperado talaga.." Comment nya ng mababa nya ang phone nya at humiga ng maayos sa higaan nya.
Napapaisip din sya eh, kasi may point naman talaga itong si han sa mga pinagsasabi nya. Bitter ba talaga ako? Bigla nyang tanong sa sarili nya. Ah ewan makatulog na nga may exam pako tomorrow. At natulog na sya.
So sa coffee shop pala ang first encounter nila sa isat-isa, medyo pangit lang ang mood nitong si itay..... Hayy buhay.
A/n: Ayan po ah..early upload para naman maka-usad na, gosh excited nako sa next chappie hahahaha...
Stay tuned
-Jam
BINABASA MO ANG
A fruit of love (KyRu/Ybramihan)
Novela JuvenilSo, what happen between them stays in the past? or will their love bloom in the second time around? Find out.. 😘 This is the separate book of my short story called 'Your baby'