Prologue

421 19 0
                                    

"Di, di naman talaga tayo magsinta pero gusto nila~" Pakiramdam ko patama sa akin itong bagong kanta ng Itchyworms.

"Kahit ayaw mo, bagay daw tayo~" Bagay naman pala tayo, pero bakit ganun?

"Di naman totoo mga yakap mo, pang eksena lamang to~" I felt that.

"Daniella, shoot na daw" Bumalik lang ako sa realidad nang sabihin yan sa akin ni Andrew na naka poker face. Ayan, yan ang masakit. Yung trato mo sakin.

Si Andrew ang ka-love team ko, bago palang ang tambalan namin, 5 months pa lang ata. The great Andrew Angeles na ang trato sakin ay jowa kapag naka-harap sa mga tao/fans namin at hangin naman kung kaming dalawa na lang.

"Kayo ang kinuha para doon sa music video ng bagong kanta ng Itchyworms." Sabi ni direk sa amin. Great! Ang galing naman, tugma talaga sa amin. Tss.

"Alam niyo na ba kung anong song ito?" Tanong ni direk. "Love team po" Sagot ni Andrew. Wow, I wonder kung pinapa-kinggan niya rin yun?

"How about you, Daniella?" Jusko naman direk, syempre alam ko yan! Sapul nga ako eh, hindi ako naka-iwas! "Yes direk"

"Alam niyo na ba kung anong gagawin niyo?" Tanong ulit sa amin.

"We're not, hindi pa kami na-orient." Hinayaan ko na lang na si Andrew ang sumagot sa tanong, tahimik lang ako at nakikinig.

"Okay, napakinggan niyo naman na siguro yung song ano?" Sabay kaming nag nod.

"Ang mangyayari sa music video ay," May tiningnan muna si direk bago muling nagsalita "Andrew will be the one na maghahabol sa iyo, Daniella" WOW. Makakaya niya kaya yun?

"I mean, parang ang panget ng term na "maghahabol" At bigla siyang natawa, siguro alam niya ang ugali nitong katabi ko. Masyadong mataas tingin sa sarili eh. Ayaw maghabol.

"Katulad nga nung sa kanta, point of view ito ni Andrew, so ikaw Daniella ay ayaw mo sa kanya." Ayaw ko naman talaga, pa-showbiz ang bugok na yan.

"Kayo na ang bahalang mag act, basta gawin niyo lang yung kung ano yung message ng kanta, okay?" Nag thumbs up kaming dalawa ni Andrew kay direk at napatingin sa isa't isa, dahil hindi namin inaasahan na parehas kami ng gagawin. Aba, siya pa may ganang maging suplado at unang umiwas ng tingin...
























That was 5 years ago...

LOVETEAM (DonKiss)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon