Chapter 1
D A N I E L L A
"Daniella Jascelle Dela Fuente! Ano na? Late ka na sa audition mo!" Bigla akong napabalikwas sa higaan dahil sinigawan ako ni ate sa tenga! Masakit.
"Ate Danica naman eh, ang sakit" Sabi ko sa kanya na halos maiyak na. Yung eardrums ko, nawala na ata.
"Sasama ka ba sa akin o matutulog ka na lang dyan?" Oh no, galit na si ate hehe.
"Sabi ko nga, tatayo na ako eh hehe" Sabi ko at nag peace sign sa kanya.
"Tigilan mo ako Daniella, hindi effective sa akin yang pacute mo"
"Wait mo na lang ako ate sa baba. Give me 10 minutes okay?" Ay, okay. Di ako pinansin, gash.
---
"Dan, bago ka pa lang sa industry pero late ka na agad. Audition mo pa naman. Paano ka matatanggap doon sa serye na kasama ako. Hay nako."
"Sorry na ate, ngayon lang ito promise!"
"Sana nga, hindi magugustuhan ng mga makakatrabaho mo at ng director ang ganyang attitude" Learn from the expert, dapat ata mag notes ako dito.
"Copy! Ano pa mga tips mo ate? Para naman may idea na ako at hindi na mangapa pa" Mukha namang natuwa siya sa sinabi ko. Well, gusto ko rin naman talagang may malaman agad. Dream ko to, kaya I need to work hard para manatili dito.
"Buti naman at may eagerness ka, isa yan sa magandang attitude na gusto ng mga director"
"Of course ate! Alam mo naman na dream ko to, I need to work hard."
"But baby sis, alam mo naman na kaakibat nito ang mga hardships. Kaya mo ba?"
"Ate, kaya ko. Kakayanin! Hindi pwede dito ang mahina ang loob."
"Basta galingan mo, yung management? Gusto nilang artista yung may makukuha silang pera. Kaya pag hindi ka naman bankable, ekis ka na agad."
"Yes ate, I will keep that in mind" Sagot ko at ngumiti sa kanya, and she smiled back.
"Matulog ka na muna, malayo pa ang byahe natin."
---
"Daniella, nandito na tayo."
"Give me 5 minutes ate" Pero biglang nagising ang diwa ko at napatalon sa ginawa ni ate.
"5 minutes ka dyan, tara na" Bakit ang sadista ng ate ko? Kinurot at hinampas ako ng malakas sa braso. Ang sakit. Pero mas masakit kasi nauntog ako.
"Daniella!!!" Ay oo nga pala "Papunta na ate!" Lumabas ako sa kotse na hawak ang ulo ko at tumakbo papunta kay ate.
"Bilisan mo Daniella!" Nako naman talaga.
"Hello po direk Grace" bati ni ate at nakipag-beso.
"Hi dear, buti naman at nandito ka na. Siya na ba si Daniella?" Sabi nito at tiningnan ako na para bang kinikilatis.
"Yes po, she wants to audition daw eh"
"Good to know, nakikita ko na may potential ang kapatid mo" Kinikilig ako, director na mismo ang nagsasabi hehehe.
"So, tara na? Dear, Wait ka muna dyan ha, babalikan kita" Sabi ni direk at kinindatan pa ako.
"Wait lang Danny, isang scene lang to." Sabi sakin ni ate "Mag lakad-lakad ka muna" At umalis na siya.
BINABASA MO ANG
LOVETEAM (DonKiss)
Fiksi PenggemarDaniella Dela Fuente, isang sikat na artista sa kanilang henerasyon. Maganda, mabait, matalino, down to earth, mapagmahal, matulungin at marami pang iba. Siya ang tinaguriang Ms. Perfect sa industriya dahil tingin nila ay nasa kanya na ang lahat. An...